Kasalukuyan akong naghahain ng sarili kong hapunan ng gabing ito. Dahil mag-isa lang naman kase ako sa buhay at binata pa!
Bahay-Trabaho.... Trabaho-Bahay. Iyan ang routine ko araw-araw sa buhay.
Ako si Marco Alcantara. 30 years old. Single at Ulila. At the age of 17 kase ay nadisgrasya na ng maling pag-ibig si Nanay. Instead na unawain sya ng tyahing nagpalaki sa kanya ay pinalayas pa sya. Ang matandang dalagang Ninang ni Inay ang kumupkop sa kanya. When i was born in the hospital, namatay si Nanay sa panganganak. Ang sabi ni Lola Consuelo, Hinintay nilang may magpunta sa Hospital para i-claim na sya ang Ama ko. Pero walang nagpunta, kaya inuwi ako ni Lola at inalagaan. Sya na ang kinalakihan kong pamilya. But when i graduate in High School, namatay naman agad si Lola Consuelo sa sakit na Cancer. Since then, nagsumikap na ako sa buhay. Ayokong maging mas kaawa-awa kaya lahat ginawa ko para makapagtapos ng pag-aaral.
I'd graduate Medical Technology major in Surgeon sa UP College. Hindi ako malapit sa kahit na sino pero may nag-iisa akong kaibigan. Si Rodel Ledesma. From UP College din sya, graduate ng Law. Sa tagal na ng pinagsamahan namin bilang magkaibigan ay daig pa namin ang magkapatid kung magturingan dahil kilalang-kilala na talaga namin ang isat-isa.
Anyway, bagong tenant lang ako dito sa Condo Unit ko. 1 week palang akong nag-i-stay dito. Kabibili ko lang sa tulong ng kaibigan kong si Rodel.
Kung tatanungin nyo ako kung mahirap ba ang mag-isa? Hindi dahil sanay na akong nag-iisa. Mas nare-relax ako kapag nag-iisa. Ayoko ng may sagabal, ayoko ng maingay, at higit sa lahat ayoko ng sinasaway ako!
Isang kaluskos ang narinig ko mula sa sala. Kunut-noong napaunat ako para sumilip. Pero dahil hindi tanaw ang sala kaya huminto ako sa pagsubo at tumayo sa inuupuan ko.
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa bukanang nag-uugnay sa kumedor at sala ng Unit ko.
May isang bulto akong nakikita na nakatayo sa gitna ng sala. Nakatalikod ito kaya diko makita ang mukha nito. Saka medyo madilim sa sala dahil naka-off ang ilaw doon. Sa anyo nito ay mukhang isa itong babae.
Dahan-dahan akong lumapit sa kinatatayuan nya.
"Sino ka?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
Hindi ito sumagot. Hindi rin humarap sa kin kaya tinungo ko ang switch ng ilaw at ini-onn iyon.
"Humarap ka sa kin, kapag kinakausap ka!" Pasigaw na utos na sabi ko sa kanya.
Bumuntung-hininga ito ng lalim bago dahan-dahang pumihit paharap sa akin.
Ngayon nasilayan ko na ang kanyang mukha. Talagang humarap nga sya na di manlang nag-aksaya ng panahong takpan ang kanyang mukha. Hindi ba ito nag-aalala na pwede ko syang ipahuli dahil sa ginawa nyang pagpasok sa loob ng Unit ko ng walang abiso?
"Oh ayan, humarap na ko!" Sabi nya then she crossed her arms in front of her tummy na tila ba parang wala lang sa kanya ang gulong pinasok nya.
"Paano ka nakapasok dito?" Nagtataka ko paring tanong sa kanya.
Kunut-noo naman itong napalabi.
"Syempre sa pinto. Saan pa ba ako pwedeng dumaan?" Sagot nito.
Ako naman ang nagtaka. Ini-lock ko ang pinto pagkapasok ko ng Unit for my safety. Kaya paanong nakapasok sya?
Bigla itong natigilan.
"Wait! Nakikita mo ko?" Nanlalaki ang mga matang tanong nito pero nasa tono ang pagtataka.
"Malamang oo. May mata ako eh!" Naiinis at sarkastikong sagot ko naman.
"Saka naririnig mo rin ako?!" Ngayon naman ay hindi na makapaniwala ang tonong tanong nito.
BINABASA MO ANG
Oh My Ghost
FanfictionDo you believed in GHOST?? Ano ang gagawin mo kapag nakakita ka ng Multo? Meet Marco, isang bagong Tenant ng isang Condo Unit sa lungsod ng Maynila. Ang dating Tahimik at Seryosong buhay nya ay nagulo nalang bigla nang makilala nya si Althea sa lo...