Chapter 17

445 19 0
                                    

Nagpunta kaming tatlo nina Eumie at Rodel sa hospital upang muling bisitahin si Althea sa ICU.

Kasama din namin si Nanay Inday sa mga oras na ito.

Pero laking gulat namin ng maabutan namin doon si Mrs. Matilda Castillo- Madriano. May kasama itong dalawang lalaki na hindi namin kilala. Maging si Eumie ay hindi pamilyar sa kanya ang hitsura ng mga ito. At ang nakakapagtaka lang ay kung bakit kasama ng mga ito ang Doktor na naka-assign kay Althea at mga nurses ng hospital.

"Anong ginagawa nyo dito?!!" Gulat naming tanong sa kanila na ikinalingon nilang lahat sa amin.

Susugod sana kami pero mabilis kaming inawat ng tatlong nurse at ng lalaking kasama ni Matilda.

"Hindi ba dapat ako ang magtanong sa inyo nyan, kung bakit at anong ginagawa nyo dito?" Pasarkastikong asik na tanong naman ni Matilda sa amin.

"Wala kang karapatang magtanong sa amin dahil kami ang binigyan ni Atty. Castro ng karapatan na magbantay kay Althea." Sagot naman ni Eumie dito.

"Well, ngayon tinatanggalan na kita ng karapatan. Bilang stepmother ni Althea, may karapatan akong magdisisyon kung anong nararapat at kung ano ang hindi. Kaya wala ka ng magagawa kung magdi-disisyon man ako ngayon na patahimikin na si Althea." Sagot naman nito sa amin.

"Wala kang karapatang gawin yan!" Singhal ni Eumie dito.

Lumapit ang babae kay Eumie.

"At bakit wala? Para sabihin ko sayo, nakapag-disisyon na si Althea!" Taas-kilay na sabi nito kay Eumie.

"Anong ibig mong sabihin?" Singit na tanong ko naman kay Matilda.

Binalingan ako nito ng tingin.

"Nagising sya kanina. Pero saglit lang muli din syang nawalan ng malay. Pero bago nangyari yun, nilagdaan nya yung katibayang pinagawa namin kay Atty. Castro na nagpapatunay na pumapayag na si Althea na ilipat sa akin ang lahat ng kayamanang maiiwan nya. Kasama sa kasulatan na nilagdaan nya ay ang pagpapa-mercyful killing namin sa kanya." Mahabang paliwanag na sagot naman nito sa amin.

"Hindi totoo yan!" Tutol na sigaw ni Eumie.

"Hindi kami naniniwala sayo. Sinungaling ka!" Sigaw ni Eumie. Galit na susugod sana ito kay Matilda pero maagap itong inawat ni Rodel.

"Gusto mo ng katibayan?" Tanong na baling naman nito kay Eumie.

"Atty. Suarez!" Tawag nito sa isang lalaking naka-formal attire sabay lahad ng kamay.

Lumapit naman ang tinawag nito sabay abot ng puting sobre.

Kinuha nito ang puting papel mula sa loob ng sobre at iniladlad sa harap namin.

Isa nga iyong katibayan o kasulatan na may pirma ng aproval ni Atty. Castro at thumb mark ni Althea.

"Ano, naniniwala na kayo?" Taas-kilay na tanong nito sa amin.

Hindi kami umimik pero bakas sa mukha at mata namin ang inis at galit para sa ganid na babae.

"Kaya kung ako sa inyo, umalis na kayo at tanggapin nyo na lang ang disisyon ni Althea!" Utos na sabi nito sa amin.

"Hindi ako papayag! Hindi ako naniniwala sayo!" Pumipiglas na sigaw ni Eumie sa babae.

"Sige na, Doc, ituloy nyo na po!" Utos nito sa Doktor.

"Wag!!!" Awat na sigaw naman namin sa kanila.

Pinipilit naming makawala at makalusot sa mga humaharang sa amin upang pigilan ang Doktor na alisin ang lahat ng mga monitoring machine kay Althea. Io-off na sana nito ang switch button ng aparato ng biglang dumating ang kaluluwa ni Althea kasama si Atty. Castro at ang mga Security Stuff ng hospital na naka-assign sa CCTV at Control Department, kasama din ng mga ito si NBI Chief Inspector Elmo Velasco.

Oh My GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon