Chapter 13

399 21 4
                                    


Kasalukuyan kaming nasa presinto ng mga oras na iyon. Pinapanood namin ang huling SD card na nakuha namin mula sa mga kotse ng mga Madriano.

Doon nakita namin ang tunay na pangyayari bago maaksidente si Althea.

Isang lalaki ang bigla na lang sumulpot sa garahe na naka suot ng itim na jacket at pantalon. Hindi makita ang mukha nito dahil bahagya itong nakayuko at nakasuot ng itim na sumbrero. Halata na nag-iingat ito na baka may makakita at may makakilala. At mukhang alam na alam nito ang kotseng pag-aari ni Althea. May kinuha ito mula sa likurang bulsa ng suot nitong pantalon. Isa iyong maliit at manipis na bagay tapos ay binutingting nito ang pinto ng driver's Sit. Nagbukas ang kotse. Tapos ay may kung anong hinanap at binutingting ito sa loob. Tapos ay may dinukot muli ito mula sa likurang bulsa ng suot nitong pantalon. Isa naman iyong cutter. Tinungo nito ang makina ng kotse. Binuksan nito iyon tapos ay tila nakakalokong ngumiti.

"Pasensya na, napagutusan lang. Sayang naman ang bayad kung hindi ko ito gagawin." Ang narinig naming sabi ng lalaki.

Tapos ay may kinalikot na ito sa makina ng sasakyan. Pati sa ilalim ng kotse ni Althea ay may kinalikot din ito.

"Tignan ko lang kung makaligtas ka pa dyan!" Wika nito sabay bungisngis.

Tapos ay umalis na ito sa garahe.

"Pamilyar sa kin ang boses ng lalaking yan." Wika ni Althea.

"Kilala mo ba sya?" Tanong ko naman sa kanya sa mahinang boses.

Umiling sya bilang sagot.

"Pero minsan ko na syang nakita noon." Sagot ni Althea.

"Natatandaan mo ba kung saan?" Tanong ko uli sa mahinang boses.

"Sa Company namin. Nasalubong ko sya galing sa private office ni daddy. Buhay pa si daddy nung time na yun." Sagot naman nya sa akin.

"Wala ka na bang natatandaan kung saan mo pa sya nakita?" Tanong ko uli sa kanya.

Marahan syang Umiling. Bumakas ang lungkot sa mukha nya.

"Anong sabi nya?" Tanong ni Rodel sa akin.

"Pamilyar daw sa kanya yung boses nung lalaki at minsan nya na rin itong nakita sa private office ng daddy nya nung nabubuhay pa ito." Sagot ko naman kay Rodel.

"Kung ganun, maaaring sa kumpanya nila Althea nagtatrabaho ang suspect!" Hinala ni Rodel.

"Pero never ko pang nakita ang lalaking yun na nagtrabaho sa kumpanya namin." Giit na sagot ni Althea.

Inulit ko ang sinabi ni Althea para malaman ni Rodel.

Muling natahimik si Althea. Mukha itong nag-iisip ng malalim. Tila pilit na inaalala sa isipan ang nakaraan.

Napabaling na lang bigla ang tingin namin ng magsalita ang Chief Inspector na si Sgt. Elmo Velasco.

"Mahihirapan tayong matukoy ang suspect. Dahil wala ni isang nakakakilala sa kanya." Giit ni Chief.

Natahimik kaming lahat. Pinag-iisipan kung anong pwede pa naming gawin.

Hawak na namin ang mga ebidensya pero kailangan din naming mahuli ang mga suspect na syang actual na gumawa mismo ng krimen. Upang mapatunayan naming ang Mag-Inang Matilda at Cassandra nga utak ng mga krimeng nangyari sa pamilya ni Althea.

"Tama, narinig ko na nga ang boses nya. Nung time na yun papunta ako sa opisina ni Dadddy para papirmahan ang mga dala kong papeles. Nasalubong ko ang lalaking yun galing sa opisina ni daddy may kausap sya nung time na yun sa cellphone nya. Hindi ko alam kung ano pinag-uusapan nila pero parang may inuutos sya sa kausap nya." Biglang sabat ni Althea na ikinabaling ko ng tingin sa kanya.

Oh My GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon