"Paano nakakuha ng ebidensya si Thea, para masabi nyang sina Mrs. Matilda at ang anak nito ang may pakana sa pagkamatay ng Daddy nya at sa pagkakaaksidente nya?" Seryosong tanong ni Rodel kay Eumie."Nung gabing yun na maaksidente sya. Nakatawag pa sya sa kin habang nagmamaneho sya. Shes crying. Feeling ko, magkahalong takot at galit yung nararamdaman nya dahil sa tono ng boses nya." Sagot naman ni Eumie.
"Ang natatandaan kong sabi nya pa sa phone...
Beshie, nasan ka? Magkita tayo, may sasabihin ako sayo about sa pagkamatay ni Daddy. Alam ko na kung sino may gawa sa pagkamatay ni Daddy!
Yun ang naaalala kong sabi nya sa kin sa phone habang nagmamaneho sya at that time tapos umiiyak." Patuloy na pagku-kwento ni Eumie habang nakikinig lang kami sa kanya."Pero... bigla na lang syang parang lalong natakot tapos sinabi nya na lang...
Beshie, whatever happens to me... lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita and im so sorry...
Paulit-ulit nyang sinasambit yung salitang sorry. Pero hindi ko naman sya maintindihan kung para saan ang sorry na yun." Patuloy na pagkukwento ni Eumie."Tapos bigla na lang syang sumigaw kasabay ng ingay na para bang sumadsad na gulong tapos pagsalpok ng isang bagay. Kinabahan na ako at nakaramdam ng takot. Tapos mga ilang minuto lang may mga pulis ng nagpunta sa unit ko. Sinabi nila sa kin na naaksidente daw si Thea. Pangalan ko raw yung binabanggit bago sya nawalan ng malay. Pinuntahan ko sya sa hospital na ibinigay ng pulis. Nauna akong dumating dun bago ung Madrasta at Stepsister ni Thea."
Napansin ko ang pagkakakunut-noo ni Althea na tila ba may malalim na iniisip.
"May problema ba, Thea?" Punang tanong ko sa kanya.
Umiling ito.
"Natatandaan ko na ang lahat. Ang lahat kung paano ako naaksidente. At tama nga ang hinala ko na may kinalaman nga sina Tita Matilda at Cassandra sa pagkakaaksidente ko." Sagot naman nya sa kin.
"Pwede mo bang ikwento sa kin, uulitin ko na lang sa kanila ang lahat ng mga sasabihin mo." Pakiusap na utos ko sa kanya.
Tumango naman sya bilang pagsang-ayon.
Althea's POV Last 3 years ago:
Its already 09:00 evening nang makauwe na ako sa mansyon mula sa company meeting ng business company na iniwan sa kin ni Daddy.
Dahil pagod ako. Hindi na ako dumiretso sa condo unit ko Mas ginusto ko na lang ang makapag-pahinga na lang sa bahay kaysa mag-dinner muna. And besides, nami-miss ko na si Daddy kahit its almost 2 months na syang nawala sa buhay ko.
Pero sa hindi inaasahan. Mukhang sinadya siguro ng pagkakataon... narinig ko si Tita Matilda na may kausap sa kwarto nila ni Daddy. Medyo nakaawang kasi ng bahagya yung pinto kaya dinig ko ang pag-uusap nila.
Na-curious ako kaya lumapit ako para makinig ng palihim.
At dun, dinig na dinig ko ng malinaw ang mga pinag-uusapan nila ng kausap nya.
Nang marinig ko ang pangalan ko, dun ko naisip na kunin ang cellphone ko mula sa loob ng bag ko at iset ang recording. Para mai-record ko ang lahat ng mga pinag-uusapan nila. At baka magamit ko rin bilang ebidensya laban sa kanila.
"Mommy, kelan mo ba tatrabahuin si Althea? Ang sabi mo sa akin, wait lang, soon to follow na sya... eh magpahanggang ngayon nakakatayo parin sya sa pwesto nya eh." Narinig kong sabi ng kausap ni Tita Matilda.
BINABASA MO ANG
Oh My Ghost
FanfictionDo you believed in GHOST?? Ano ang gagawin mo kapag nakakita ka ng Multo? Meet Marco, isang bagong Tenant ng isang Condo Unit sa lungsod ng Maynila. Ang dating Tahimik at Seryosong buhay nya ay nagulo nalang bigla nang makilala nya si Althea sa lo...