Chapter 4

434 25 2
                                    

Himala yata ngayong araw...
Dahil hindi ko nakikita ang multong si Althea?!

Anyare sa kanya? Ipinatawag na ba sya sa itaas dahil sa kakulitan nya? Ang naisaloob-loob ko.

Mabuti na yung ganito.... sana ganito na lang palagi. Para walang istorbo sa pamamahinga ko. Pagod na nga ako sa maghapong trabaho tapos mangungulit pa sya.

Maaga akong nagising sa araw na ito. Agad akong nagkape tapos ay naligo para maaga akong makapasok sa trabaho.

Sa awa ng Diyos... maayos ko namang nagampanan ang aking tungkulin bilang Doktor sa Hospital na pinaglilingkuran ko.

After 1 week...

Kasalukuyan akong nasa terasa ng aking unit. Nagpapahingin upang magpalipas ng oras. Nagpapadapo ng antok habang mag isang inuubos ang isang bote ng red wine.

Tuluyan ko ng hindi nakikita si Althea. Tuluyan na itong hindi nagparamdam sa akin.

Nasaan na kaya ang multong iyon?

At ang ipinagtataka ko lang sa aking sarili ay kung bakit... hinahanap-hanap ko ang prisensya nya?!

Hindi ko alam kung ano ang tawag sa nararamdaman ko. Marahil siguro ay naaawa na ako ngayon para sa kanya dahil naglaho na lamang ito na parang bula nang hindi manlang nakakamit ang hustisya para sa pinakamamahal nitong ama at sa sarili nito!

Wala sa loob na hinarap ko ang aking loptop na nakapatong lang sa ibabaw ng glass table ng terasa.

Inopen ko ang google at nag-search.

Althea Madriano.

Althea Czanelle Garcia Madriano pala ang real name nito. 26 years old na ngayong taon at kasalukuyan itong naka-confine sa St. Luke Hospital as Coma Patient dahil sa nangyaring Car Accident 3 years ago.

Nabibilang sa isa sa mga Buena Familia ang pamilyang pinagmulan ni Althea. Solong anak ito sa unang asawa ng Ama nito na si Señor Edgardo Madriano.

Señor Madriano was passed away 1 year before the Car Accident of Ms. Althea Madriano. According to the imbestigation ay binaril ito ng hindi nakikilalang tao. Maraming haka-haka na kaaway nito sa negosyo ang nagpapatay dito.

At tungkol naman sa car accident ni Ms. Althea Madriano. According to the police imbestigation ay pagkasira ng break ng kotseng sinasakyan nito ang isa sa mga dahilan ng pagkakaaksidente ng dalagang Madriano.

Napabuntung-hininga ako ng malalim.

Kung pagkasira ng break ng kotse ni Althea ang dahilan ng pagkakaaksidente nito. Maaaring sinadya iyong sirain upang masiguro ang kamatayan nito. Nang sa ganun hindi makikilala ang taong gumawa nun. At hindi mapaghihinalaan ang mastermind ng crimen!

Ngayon mas lalo pa yata akong nakadama ng awa para kay Althea. Mabait siguro ito noong malaya pang nakakakilos ito sa mundo dahil halata naman iyon sa mga ikinikilos ng ligaw na kaluluwa nito. Hindi naman ito nananakit... makulit nga lang!

Kung kasalukuyan parin itong coma sa Hospital... sino ang nagbabantay dito araw-araw? Imposible namang Stepmother at Stepsister nito ang nagbabantay dito eh... masama nga ang kutob ni Althea sa mga ito!

At kung kasalukuyan pa itong coma sa Hospital... bakit naglalakbay na ang kaluluwa nito gayong hindi pa naman pala ito patay? May mga katulad nya rin palang ligaw na kaluluwa na hindi pa patay ang katawang lupa?!

Napabuntung-hininga uli ako ng malalim.

"Ang sabi nya sa kin, ako lang ang tanging nakakakita sa kanya. Ako lang din daw ang may kakayahang makausap at mahawakan sya. Kaya nya ko kinukulit na tulungan sya dahil sa kakayahan kong ito...." sabi ko sa sarili ko sabay salin ng alak sa kopita at inisang tungga iyon.

"So kung ganun, tama nga sya... dahil sa kakayahan ko, wala ngang ibang makakatulong sa kanya kundi ako lang." Dagdag ko pang sabi sa sarili ko.

Muli kong isinalin sa kopita ang kahuli-hulihang laman ng bote at mabilis na tinungga iyon.

Naguguluhan ako ngayon sa nararamdaman ko. Nagsisimula na ngayon akong magkaroon ng mga katanungan sa sarili ko na hindi ko naman alam ang tama o posibleng sagot at posibleng mangyari kung susundin ko ba ang bulong ng aking isip o puso ko dahil sa sitwasyon naming ito ngayon ni Althea.

Oh My GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon