Chapter 11

415 20 0
                                    

"You mean, nung time na nakita kita sa unit ko- "

"Unit ko yun noh!" Agaw na saad agad naman ni Althea sa akin.

"Unit mo noon, pero unit ko na ngayon. Dahil binili ko na yun!" Pilit ko naman.

"Oh eh di iyo na!" Nanghahaba ang ngusong sagot nya naman sa kin.

"Ayon sa kwento mo, nai-record mo lahat ng mga importanteng napag-usapan ng Tita Matilda mo at ni Cassandra, tama ba?" Singit na tanong ni Rodel kay Althea.

"Oo!" Tumatangu-tango namang sagot nito kay Rodel.

Inulit ko kay Rodel ang sagot ni Althea.

"Kung ganun, dapat nga tayong makapasok sa bahay nyo. Para makita at makuha ang ebidensyang yun." Wika ni Rodel.

Dumaan saglit ang katahimikan sa pagitan namin.

"Ayon sa kwento mo, kaya ka naaksidente dahil hindi kumagat ang break ng kotse mo?" Tanong uli ni Rodel.

"Ganun na nga!" Sagot ni Althea.

Muli ko na namang inulit ang sagot nya kay Rodel.

"Mahirap mapatunayan yun kung yung kotse mo ang pagbabasihan. Almost 3 years ago na kaya, siguradong wala na sa junk yard ang kotse mo." Wika ni Rodel.

"So paano ang gagawin natin? Hindi ako makakapayag na hindi mabigyan ng hustisya ang sinapit ng mga tatay namin at ni Althea!" Singit naman ni Eumie.

"May isa pang paraan para mapatunayan nating sinadya ngang sirain ang break ng kotse ni Althea para maaksidensya sya." Sagot ni Rodel.

"Anong paraan yun at paano?" Tanong naman ni Eumie dito.

"Thea, saan mo kinuha yung kotse mo nung gabing umalis ka sa inyo bago ka maaksidente?" Tanong ni Rodel kay Althea.

"Sa garahe ng bahay namin." Sagot naman ni Althea na inulit ko upang malaman ni Rodel at Eumie.

"May iba pa bang kotse ang naroon, maliban sa kotse mo?" Tanong uli ni Rodel.

Nag-isip si Althea. Tila inaalala ang nakaraan.

"Meron. Pero hindi ko matandaan kung kanino yun. Nagmamadali na kase ako nung time na yun saka natatakot ako kaya di ko na napansin." Sagot naman ni Althea na inulit ko na naman para malaman nina Rodel at Eumie.

"Kung ganun. Isasama na rin natin sa inspection ang lahat ng mga kotse na nakapangalan sa kanila at sa daddy mo. Para makasiguro tayo at makakuha tayo ng iba pang ebidensya bukod sa cellphone mo." Mungkahi naman ni Rodel.

"You mean, kukunin natin ang mga memory ng bawat blackbox ng kotse nila?" Tanong kay Rodel.

Tumango ito bilang sagot.

"Matibay na ebidensya din kase yun. At para makilala natin kung sino ang gumawa ng pagsira sa break ng kotse mo, Althea." Paliwanag nya naman sa amin.

"Bukas sasama ako sayo sa NBI para kumuha ng Permit of Inspection." Baling naman nito kay Eumie.

"Bro, ikaw na muna bahalang magbantay kay Althea. Mahirap na iyung makalingat tayo. Saka sa panahon ngayon, hindi natin alam kung sino ang tunay nating kakampi lalo na kung pera ang pag-uusapan!" Baling nya naman sa akin.

"No problem bro. Saka kasama ko naman si Althea araw-araw eh! Hindi makakagawa ng gulo dito ang mag-inang yun!" Sagot ko naman sa kaibigan ko.

Oh My GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon