Chapter 6

464 23 0
                                    


Nakipagkita kami ni Althea sa Bestfriend nitong si Eumie. Iyon ang napagkasunduan namin ni Althea dahil alam nyang hindi ako papayagang makapasok sa Hospital ng walang pahintulot. Baka kase mapagkamalan pa akong isa sa mga tao ng Madrasta ni Althea.

Sa isang restaurant malapit din sa Hospital namin napagkasunduang magkita upang makapag-usap.

Nauna akong magtungo doon. Mga ilang minuto lang ay may isang chinita at maputing babae ang  dumating. Sa tantya ko ay magkasing  height sila ni Althea. At mukhang Pareho ding Slim ang pangangatawan.

Kumaway ako upang makita nito.

"Mr. Alcantara?" Naninigurong tanong nito ng makalapit na.

Tumayo ako.

"Yes. And you are Eumie Lee, right?" Nakipag-shake hands ako sa kanya.

"Yeah!" Tipid naman na sagot nito sa kin.

"Please, sit down." Alok ko sa kanya.

Naupo ito sa silyang kaharap ko habang si Althea naman ay nasa tabi ko.

"Nabanggit mo sa kin na friend ka ni Althea?" Simulang tanong agad nito. Nasa mukha ang di makapaniwala.

"Walang nababanggit sa kin si Althea before about you. And besides, never ko pa syang nakita na nakipag-friend sa mga lalaki." Sabi nito sa kin.

Bigla tuloy akong napabaling ng tingin kay Althea. Pero ngiti lang ang iginanti nito sa kin saka tumango-tango na para bang inuutusan akong umpisahan ko ng aminin ang katotohanan.

"Actually, kelan lang naman kami nagkakilala. I mean... almost a month lang." Nag-aalangan kong sagot kay Eumie.

Napakunut-noo naman ito. Halata ang pagtataka.

Muli kong sinulyapan si Althea.

"Ikwento mo sa kanya kung paano tayo nagkakilala. Para maumpisahan nyo na kung ano ang dapat nyong gawin." Utos ni Althea sa kin.

Binalingan ko si Eumie. Bumuntung-hininga muna ako ng malalim.

"I already know what happen about Althea. Naikwento nya sa kin ang lahat-lahat. At kaya ako nakipagkita sayo kase humihingi sya ng tulong." Simula ko.

Bumakas sa mukha ni Eumie ang hindi mailarawang pagtataka dahil sa mga sinabi ko.

"I know its weird. But its true. Kahit ako nagtataka kung paano nangyari na nakakakita ako ng multo. At nagtataka din ako kung bakit naglalakbay na agad ang kaluluwa nya gayong hindi pa naman sya patay." Paliwanag ko sa kanya.

"At kaya ako nakipagkita sayo dahil iyon ang utos nya. May gusto syang iparating sayo about sa case ng daddy nya at sa plano ng Stepmother and stepsister nya." Sabi ko. "Sa katunayan... kasama natin sya ngayon. Katabi ko."

Bigla namang napatayo paatras si Eumie dahil sa takot at pagkagulat.

"Dont worry. Wag kang matakot. Kilala mo si Althea. Hindi sya nanakit di ba? Tulong mo... tulong natin ang kailangan nya, kaya wag kang matakot." Nag-aalalang sabi ko tapos ay napalingon sa paligid namin.

Halos lahat na kase ng mga tao sa loob ng restaurant na kinaroroonan namin ay sa amin nakatingin dahil biglaan nyang pagtayo dahil pagkagulat at takot.

"Please, sit down at makinig ka muna sa kin." Sabi ko sa kanya.

Sumunod naman ito.

"Patunayan mo... patunayan mong narito nga si Thea!" Utos nya rin sa kin ng makaupo na.

Oh My GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon