Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng Unit ko nang gabing makauwe ako mula sa Hospital ay naabutan ko na naman sa loob ng sala ko ang magandang babae na nanloob sa Unit ko nung isang gabi.Wala naman syang kinuha sa mga gamit ko pero ang lakas naman ng loob na nakaupo sa sofa ko at nanonood pa ng tv!
"Ikaw na naman?!"
Hindi nga ito sumagot pero ngumiti naman. Ngiting nakakainis. Ewan ko ba kung bakit may naramdaman akong kakaiba sa sarili ko ng makita ko ang ngiting iyon.
"At sinong nagsabi sayo na pakialaman mo mga gamit ko?" Pasuplado kong saway sa kanya sa patanong na tono sabay agaw ng remote sa kamay nya at ini-off ang tv.
"Ito naman masyadong high blood. Chilax lang!" Sagot naman nito sa kin.
"At saka ano na namang ginagawa mo dito sa unit ko? Wala ka bang bahay kaya dito ka sumisiksik?" Namulsahang tanong ko sa kanya.
Ngumiti ito.
"Good question. Kaya nga nakikisiksik ako dito dahil wala akong matuluyan. And besides, Dati ko ring unit itong unit mo." Sagot na paliwanag nito sa kin.
"Anong Unit mo? Matanda ang dating may-ari ng Unit na ito. Sa kanya ko ito binili kaharap mismo ang abugado nya at abugado ko." Paliwanag na sabi ko rin sa kanya. Naiirita na naman ako dahil sa kapraningan nito.
"Kaya nga sabi ko dating unit ko di ba? Shunga lang?! Mahabang kwento lang kung ipapaliwanag ko pa sayo!" Sabi naman nito tapos ay sumandal sa inuupuang sofa. "Anyway, thats why i came back here. Ikaw lang kase ang tanging nakakakita at nakakarinig sa kin, at aside from that nahahawakan mo pa ko. Kaya naisip ko, walang ibang makakatulong sa kin kundi ikaw lang!"
"Wala akong balak na tumulong sayo kaya makakaalis ka na!" Sagot ko naman agad sabay hila sa kanya sa kamay patungong pintuan.
Kinapkapan ko sya na ikinagulat at ikinapagtaka naman nito. Iniwas-iwas nito ang katawan.
"U-Uy! Anong ginagawa mo ha? Nana-nanching ka noh?!" Umiiwas na tanong nito sa kin.
"Hinahanap ko baka may duplicate key ka ng unit ko kaya nakakapasok ka dito ng walang permiso ko!" Sabi ko ng tigilan sya then i crossed my arms.
Malamig ang buong katawan nito. Siguro dahil sa aircon.
"Wala akong duplicate key. Saka diko kelangan nun para makapasok dito sa unit mo, noh! Kaya kong pumasok dito kahit hindi dumadaan sa pinto!" Sagot nito sa kin.
"Ah, so saan ka dumadaan? Sa bintana?" Sarkastikong tanong ko naman.
Pilya naman itong ngumiti.
"Pwede din naman! Kaya lang diko type ang ganun eh, nakakasira ng poiseture!" Sabi nito.
Sarkastiko naman akong ngumiti sa kanya.
"Umalis ka na, bago ako tumawag ng guard na kakaladkad sayo palabas ng Condo Building na ito." Pagtataboy ko sa kanya bago pa man ako matukso.
Sa ayos kase nito ay kahit sinong lalaki ay matutukso dito.
Binuksan ko ang pinto at muli syang ipinagtulakan palabas.
"Umuwe ka na sa inyo. Baka hinahanap ka na ng nanay mo! Tigilan mo ng kati-trip sa kin pwede?!"
Bumuntung-hininga ito.
"Ilang beses mo ba gustong marinig na multo nga ako. Kaya kong pasukin lahat ng mga bahay ng di gumagamit ng susi o dumadaan sa pinto. Kaya kahit paulit-ulit mo akong ipagtabuyan babalik-balik parin ako hanggat gusto ko!" Paliwanag nito.
BINABASA MO ANG
Oh My Ghost
FanfictionDo you believed in GHOST?? Ano ang gagawin mo kapag nakakita ka ng Multo? Meet Marco, isang bagong Tenant ng isang Condo Unit sa lungsod ng Maynila. Ang dating Tahimik at Seryosong buhay nya ay nagulo nalang bigla nang makilala nya si Althea sa lo...