Chapter 5

460 21 1
                                    

Its already 12:00 midnight...
Naalimpungatan ako sa aking pagtulog at nakaramdam ako ng pagkauhaw.

Saktong bubuksan ko na ang pinto para lumabas ng may marinig akong umiiyak mula sa labas ng aking silid.

Lumabas ako. Dahil medyo dim ang liwanag na nagmumula sa liwanag ng buwan na tumatagos sa glassdoor patungong terasa kaya medyo aninag ko ang kabuoan ng paligid ng sala hanggang sa dining area.

May nakita akong isang bulto mula sa dining area na nakaupo sa silya habang nakatalungko ang ulo sa mesa. Dito nagmumula ang mga hikbing naririnig ko.

Dahan-dahan akong lumapit dito.

"A-Althea...??" Mahina pero kinakabahan kong tawag sa pangalan ni Althea. Nagbabakasakali akong baka sya nga ito. Wala naman kasing ibang multo ang nakakapasok sa loob ng unit kong ito kundi si Althea lang.

"Althea... ikaw ba yan?" Tanong ko uli.

Napahinto ako sa paghakbang ng dahan-dahan itong nag-angat ng ulo.
Nilukuban bigla ng takot at kaba ang dibdib ko ng makita ko ang hitsura ng babae.

Duguan ang noo at pisngi nito dahil sa mga bubog na nakabaon doon. Maging ang kanang braso nito at sa kaliwang bahagi ng dibdib ay duguan din dahil sa mga malalaking bubog na naroon. Nangingitim ang gilid ng mga mata nito. Gulo-gulo ang mahabang buhok.

Napasigaw ako sa sobrang takot at gulat na parang hangin sa bilis na bigla itong lumapit sa akin sabay sigaw sa harap ng mukha ko nang...

"Tulungan mo ko!!!"

Sa sobrang takot at gulat ko ay hindi ko na naalala pa ang mga sumunod na nangyari... dahil bigla na lang nagdilim ang paningin ko!

Pag gising ko...

"Ayos ka lang ba?" Narinig kong tanong ng isang di ko maaninawang bulto ng isang babae.

Ikinurap-kurap ko ang aking mga mata hanggang sa makilala ko na ang nagmamay-ari ng katawan at tinig na iyon.

Si Althea.

"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong nito sa akin.

Hindi ako sumagot bagkus ay kunut-noong inilibot ko ang aking paningin.

Kasalukuyan akong nasa sala at nakahiga sa sofa.

"Hindi ko alam na matatakutin ka pala?!" Narinig kong panunudyo nito sa akin.

Inis naman akong napabaling ng tingin sa kanya. Halata ang ngiti sa labi nito.

Tumayo ito at naupo sa single sofa.

"Sino ba naman ang hindi matatakot sa ginawa mo?" Asar na sagot ko naman sa kanya habang bumabangon sa pagkakahiga.

Hindi na nito napigilan pa ang sarili. Humagalpak ito ng tawa.

Oh, di ba nakakaloko?!

Ok lang sana kung horror film ang pinanood ko kagabi. Hindi ako matatakot. Kaya kong kontrolin ang takot ko. Kaso totoong buhay yung nakita ko eh! Gulatin at takutin ka ba naman ng totoong multo... Ikaw ba hindi hihimatayin sa sobrang gulat at takot?!

"O, anong nakakatawa? Natatawa ka sa kalokohan mo?" Sarkastikong inis na tanong ko sa kanya.

"Hindi. Natatawa lang ako sa itsura mo bago ka himatayin hahaha.... hindi ko ini-expect na ganun ka pala kapag nagugulat at natatakot? Parang bakla na ewan hahahaha...."

Napatitig ako sa kanya. Ang lutong talaga ng mga tawa nito. Animoy walang problemang dinadala kung makahalakhak!

"Pero, change topic tayo. Bakit ka nga pala umiiyak kagabi?" Pag-iiba ko na lang para matigil ito sa katatawa.

Oh My GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon