Chapter 9

399 20 0
                                    


Bumalik kami ni Althea sa hospital kinaumagahan. Pero sa pagkakataong ito ay kasama namin si Rodel.

Naabutan namin si Eumie sa labas ng kwarto ni Althea.

"Sya nga pala, bestfriend ko... Si Atty. Rodel Ledesma. Bro, si Eumie. Bestfriend ni Althea." Pagpapakilala ko sa kanila sa isat isa.

Nag-shakehands ang dalawa.

"Uyyyy... mukhang match na match sila!" Nakangiti at kinikilig na singit naman ni Althea.

Napangiti naman ako sa tinuran nya.

"Bagay daw kayo!" Nakangiting sabi ko sa dalawa.

Mabilis namang nagbitaw agad ng kamay ang dalawa.

"Sino nagsabi?!" Sabay na tanong pa nila sa akin.

"Si Thea. Ayan sya, sa tabi nyong dalawa!" Sagot ko sabay nguso sa kinapupwestuhan ni Althea.

"Beshie ha, wag mo akong binibiro ng ganyan!" Wika naman ni Eumie. Nakatingin ito kay Althea na animo ay nakikita nito ang kaibigan kahit hindi naman.

"Sya nga pala Eumie, ikinuwento ko na kay Rodel ang about sa case ni Althea at sa father nya. Pero mas mabuti kung maririnig nya ng buo kung ikaw mismo ang magku-kwento sa kanya." Pag-iiba ko na ng usapan.

Tumango-tango naman si Eumie.

"But before that, gusto nya raw munang makita si Althea." Sabi ko na ang tinutukoy ay ang walang malay na katawan ni Althea sa loob ng kwarto.

"Ok." Nagpauna na syang pumasok sa loob ng silid. Nagsuot muna kami ng hospital gown at facemask bago namin nilapitan si Althea.

"Kawawa naman sya... patuloy parin syang lumalaban kahit mukhang hirap na hirap na sya!" Wika agad ni Rodel ng makita ang walang malay na katawan ni Althea.

"Ang sabi nya bro, kung ano man ang disisyon ng nasa taas handa nya naman daw tanggapin. Pero sana bago man lang daw mangyari yun, sana matapos daw muna yung kaso nilang mag-ama laban sa mga suspek." Sabi ko kay Rodel.

"At ang person of interest nyo sa kaso ay ang Madrasta at Stepsister nya, tama ba?" Tanong ni Rodel.

Tumango kaming ni Eumie at pati narin si Althea. Nakikinig naman kase ito sa mga pinag-uusapan namin eh.

"Kung ganun kailangan natin ng mas matibay na ebidensya. Kung nasaan man yun ngayon, kailangan nating makuha yun. At yun ang gagamitin natin para maipakulong ang Stepmother at Stepsister ni Althea." Saad ni Rodel sa amin.

"Kung hindi ako nagkakamali nasa pangangalaga yun ni Mrs. Matilda at Cassandra!" Singit na hinala naman ni Eumie.

"So dapat nating makuha yun." Sabi ko naman.

"Pero paano?" Tanong no Eumie.

"Kailangan makapasok tayo sa bahay nila Althea. Lalong lalo na sa kwarto ng Madrasta nya o ng Stepsister nya!" Suhesyon ni Rodel.

"Problema ba yun? Eh di pumunta tayo sa bahay namin! Manghalughog tayo kung kinakailangan para lang makita yung cellphone ko!" Singit naman ni Althea.

"Pero hindi ganun kadala yun, Thea. Kailangan natin ng warrant o permit para makapag-check tayo inside and out sa bahay nyo." Sagot naman sa sinabi ni Althea.

"Good idea, bro. Kumuha tayo ng permit of inspection sa NBI para makapasok tayo sa bahay nila Althea ng hindi sila makakatanggi." Suhesyon na naisip ni Rodel.

Napangiti kami sa ideyang iyon.

At sa labis marahil na katuwaan ni Althea ay niyakap nya ako ng mahigpit.

"Thank you... ang galing mo talaga!" Natutuwang sabi nito.

"Your welcome!" Sagot ko naman dito na ikinatingin naman sa kin nina Eumie at Rodel.

"So paano ang plano?" Tanong ni Eumie sa akin.

"Kukuha tayo ng permit. Saka tayo pupunta sa bahay nila Althea. Sasamahan naman tayo ng mga pulis dahil sila mismo ang gagawa ng inspection eh." Sagot ni Rodel.

"Sige, pupunta ako bukas sa NBI." Prisinta ni Eumie.

"Sasamahan kita. Para mapabilis ang pagkuha mo ng permit." Prisinta narin ni Rodel.

At alam naming mas mapapabilis ang proseso kapag may kasama kang abugado.

"Thank you talaga sa effort at tulong nyo!" Mula sa puso na saad ni Althea sa amin.

"Salamat daw sa effort at tulong nyo, sabi ni Thea." Repeat na sabi ko naman para sa kanila.

"Dont mention it, beshie. What are friends for kung hindi kita matutulungan?" Sagot naman ni Eumie.

"Sa kin, ok lang. Trabaho ko naman talaga ang tumulong sa mga nangangailangan eh. And besides, kaibigan ko si Marco. tulong ko narin ito sa kanya. Mga kaibigan nya, kaibigan ko narin mula ngayon." Sagot naman ni Rodel.

"Thanks bro!" Nakangiti ko namang sagot sa kaibigan ko.

"Your welcome, bro."

"Oh sya, tama na yan baka mag-iyakan pa tayo dito. Ang mabuti pa, pag-usapan na natin yung case ni Tito Ninong at ni Althea." Pag-iiba na ni Eumie sa usapan.

Nagtungo kami sa sofa ng private room ni Althea upang doon pag-usapan ang lahat-lahat.

Oh My GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon