Chapter 7

444 22 0
                                    

Kasalukuya kaming nasa loob ng private room ng ICU. At kitang-kita ko ang nakaratay na katawan ni Althea.

Para akong nakakita ng Identical twin sa pagkakataong ito.

Hindi nga nagkakamali ang mga mata ko. Ito nga ang katawang lupa ni Althea.

Maputla at tila ito patay na tanging aparato na lamang ang nagsisilbing bumubuhay dito. Ngunit, ganun pa man ay mapapansin parin ang angkin nitong ganda.

"Ngayon, naniniwala ka na bang buhay pa ang katawan ko?" Narinig kong tanong ni Althea sa akin.

Tumango ako bilang sagot.

"Hindi lang ako makapaniwala na meron din palang mga kaluluwang naglalakbay kahit hindi pa patay ang kanilang katawan." Wika ko sa kanya.

"Siguro dahil naghahanap sila ng kasagutan sa mga problema nila? O Di di kaya, baka may misyon pa silang dapat tapusin bago manlang nila tuluyang iwan ang mundo." Narinig ko namang sagot ni Eumie sa akin.

Bumaling ang tingin ko kay Althea.

"Pag natapos ang misyon mo... wala ka bang balak mag-stay dito sa mundo? Nami-miss ka na ni Eumie. Saka di mo ba nami-miss ang buhay mo dito sa mundo?" Tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat ito saka nagsalita.

"As i told you... Kung ano ang plano ni Lord... tatanggapin ko."

Hindi na ako umimik pa. Wala naman na kaming magagawa kapag ginusto ng Diyos na kunin na sya sa oras na matapos ang kanyang misyon.

Pero bakit may kakaiba sa nararamdaman ko? Bakit pakiramdam ko naaawa at nasasaktan ako kung iisipin kong mawawala din ito pagdating ng takdang oras?

Lumabas na kami ng silid.

"Anong oras po ang out nyo, Mang Delfin?" Narinig naming tanong ni Eumie sa taong inupahan nito para magbantay kay Althea.

"2 hours pa ho, Ma'am. Hihintayin ko na lang po ang karelyebo ko para may kasama po kayo pag-alis ko." Magalang na sagot naman ng lalaki.

"Ganun po ba? Salamat po." Nakangiti namang sabi ni Eumie sa lalaki.

Maya-maya ay dalawang sopistikadang babae ang namataan naming paparating. Ang isa ay may edad na pero ang kasama naman nito ay mukhang kaedaran lang nina Althea at Eumie. Kung pagmamasdang mabuti... mukhang mag-ina ang mga ito.

"Yan ang Madrasta at Stepsister ko." Pagpapakilalang sabi agad sa kin ni Althea na ikinabaling ko ng atensyon sa kanya.

"Aba, naririto ka naman Eumie! At nagsama ka pa ng kapanalig." Wika ng Madrasta ni Althea pero sa akin nakatingin tapos ay pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Bilib din ako sayo, noh. Talagang pursigido kang bantayan ang stepsister ko. Para ano? Para hatian ka ng mana oras na magising sya dahil kandaugaga ka sa pagbabantay sa kanya?" Singit naman ng Stepsister ni Althea.

"Wala sa bukabularyo ko ang mga pinag-iisip nyo tungkol sa kin. Sabihin nyo na kung ano gusto nyong sabihin. Pero isa lang ang isasagot ko sa inyo. Hindi ako katulad nyo!" Matapang na sagot naman ni Eumie sa mga ito.

"Talaga lang ha? Lokohin mo lelang mong panot, wag kami. Hindi ka mag-aaksaya ng oras na magbantay dito kung wala kang habol sa kayamanang maiiwan ni Althea kapag tuluyan syang namatay!" Giit at diretsahang patutyada parin ng Stepsister ni Althea.

"Ako pa talaga ang pinag-iisipan nyo nang ganyan, ha. Hindi pa nga namamatay yung tao kayamanan na agad ang bukang-bibig nyo. Lumalaban pa nga yung tao, gusto nyo na agad tuluyan. Ngayon sino sa atin ang naghahabol ng kayamanan?!" Balik-patutyada naman ni Eumie sa mga ito.

"Wag mo na lang silang patulan. Lalaki lang ang kumosyon ninyong tatlo." Awat ko na lang kay Eumie.

"Sya nga pala, Sila nga pala yung mga ambisyosang Steprelatives ni Thea. Si Mrs. Matilda, Stepmother nya at ang anak nyang si Cassandra." Pagpapakilala ni Eumie sa kin sa mga ito.

Humakbang si Cassandra palapit sa akin tapos ay nagsabing...

"Infairness, gwapo itong jowa mo ha!" Wika nya habang pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa tapos ay inikut-ikutan pa ako.

"Type ko sya. Baka gusto mong mag-share tayo?" Saad nito tapos humalukipkip pa sa harap ni Eumie.

"Aba, lokong to ah! Pektusan kaya kita dahil kalandian mo?!" Biglang giit naman na sabad ni Althea na ikinangiti ko.

Sabay pang napabaling sa kin ang mga tingin nina Eumie at Cassandra.

"Ibig bang sabihin ng ngiting yan eh... payag kang hiramin kita sa kanya?" Biglang sabad ni Cassandra sabay ngiti.

"Bakit ano bang tingin mo sa kanya? Laruan, para hihiramin mo kapag kailangan mo?" Saad naman ni Eumie.

"Ang damot mo naman! Alam mo sa totoo lang, hindi kayo bagay.... mas bagay kami!" Sagot ni Cassandra sabay hila sa kin palapit sa kanya.

"Sumosobra ka na talagang malandi ka ha! Etong sayo ump-!" Naiinis nang singit ni Althea sabay pasabunot na hila sa buhok ni Cassandra.

Malakas na napa-aray ang babae. Habang si Althea naman ay natawa pa sa kanyang ginawa.

"Yan ang bagay sayo!" Saad nya sabay dila pa.

"Mommy, ano ba? Bakit mo ba ako sinabunutan?" Paninising saway tanong naman agad ni Cassandra  sa Ina nito.

"Anong sinabunutang pinagsasabi mo? Hindi kita inaano dyan ha!" Reklamong agad na sagot naman ni Mrs. Matilda sa anak.

"Alangan namang ako? Eh magkaharap lang naman tayo! Gusto sabunutan din kita para naman makita mo kung ako nga yung nanabunot sayo kanina!" Sarkastikong alok naman ni Eumie dito.

Mabilis naman akong hinila ni Althea tapos ay sya ang tumabi kay Cassandra.

"Alam mo, matagal ko na tong gustong gawin sayo eh... nagpipigil lang ako noon dahil kay Daddy!" Wika nito kay Cassandra.

Pinitik nito ang ilong ng babae na ikinaaray na naman nito. Tapos ay isinunod nito ang tenga na ikinaaray na naman uli nito saka napaiyak.

"Cassie, ano bang nangyayari sayo?!" Nagtataka at nag-aalala ng punang tanong ni Mrs. Matilda sa anak.

"Mommy, lets get out of here!" Umiiyak ng utos yakag na ni Cassandra sa Ina. Kababakasan na nga ng takot ang mukha nito eh.

Kung si Eumie ay nagtataka, kabaligtaran naman ni althea. Dahil tuwang-tuwa ito sa pinaggagawa nya kanina.

"Pilya ka talaga!" Nakangiting sabi ko na lang kay Althea.

"Wait, you mean... si Thea ang gumawa nun kay Cassandra?" Kunut-noong tanong sa kin ni Eumie.

"Mismo!" Nakatango ko namang sagot dito saka ngumiti.

"Thanks beshie, nakapaghiganti din tayo sa demonyitang yun!" Nakangiting pasasalamat ni Eumie sa kaibigan.

"Your welcome beshie. Kaya wag syang sisiga-siga dito kung ayaw nyang tawagin syang baliw!" Sagot naman ni Althea saka ngumiti.

"Sabi nya, your welcome daw. Kaya wag daw sisiga-siga si Cassandra dito kung ayaw nyang mapagkamalan syang baliw!" Repeat na sabi ko naman para kay Eumie.

Natawa kaming tatlo nang maalala namin ang mga reaksyon ng mag-ina kanina dahil sa kalikohan ni Althea.

Nagpaalam narin ako kay Eumie. Nangako naman akong babalik bukas para maging karelyebo nya sa pagbabantay kay Althea sa Hospital. Sa umaga naman kasi ang Sched ko bukas kaya medyo mahaba ang oras ko sa pagbabantay kay Althea bukas ng gabi.

Nag-disisyon din akong kausapin ang kaibigan kong si Atty. Rodel Ledesma para humingi ng tulong about sa kaso ni Althea.

Oh My GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon