Naabutan ni Chloe na masayang nagkukulitan ang mga kapatid at ang mommy niya. Pinagmasdan niya ang mga ito.
Hindi niya maiwasang mag-alala. Nalagpasan na nila dati ang mga pagsubok sa pamilya at siguro naman kakayanin na nila ang ano mang darating pa.
Napansin pala siya ng ina.
"Anak, kanina ka pa ba d'yan?"
Ang taong nagpakita sa kanya ng pagmamahal at pag-aalaga, ni minsan hindi n'ya naramdaman na itinuring na iba siya sa mga kapatid niya. Nilapitan niya ang ina at mahigpit na niyakap.Nagulat ito pero niyakap din niya ang anak pabalik.
"What's wrong, anak? May dinaramdam ka ba?"
"Bakit ka sad, Ate Chloe?" tanong ng bunso nilang si Xhan.
"Pagod lang po ako," sagot niya.
Umakyat na siya sa kwarto niya para magpalit, hindi niya napansin na nakamasid si Trisha sa kanya.
Patuloy na naging matamlay ang kanyang panganay habang naghahapunan, pero naisip niyang talagang pagod lang ito sa school.
"Mom, kumain ka na kaya?" tanong ni Chloe sa kanya.
"Mamaya na ako, anak. Walang kasabay ang Daddy n'yo,
kawawa naman." Ang totoo, tinawagan na niya ang asawa
dahil gabi na at wala pa sa bahay. Pero hindi niya ito ma-
contact.Lumalim na ang gabi at nagpahinga na ang mga bata.
Isa-isa silang sinilip ni Trisha para siguraduhing mahimbing
na sa pagtulog. Huli niyang pinuntahan si Chloe na tulog
na tulog na sa kanyang kama.Pero napansin ni Trisha na
umilaw ang cellphone nito sa bedside table. Dali-dali niyang
sinagot ang tawag bago tuluyang magising ang anak, pero
bago pa siya makapagsalita, narining niya boses ni Elle sa
kabilang linya."Oh my gosh, Chloe! We just saw your Dad, and he's with someone. Kilala ba 'yon ng Mommy mo? I'm going to send
you a photo, but I need to hang up, okay?"Inantay ni Trisha na ma-send nito ang picture.
Nagsalubong ang kilay niya. Babae ang kasama ng asawa.
Nag-reply siya kay Elle.
Yes, kilala ni Mommy 'yan. Family friend. Don't worry about it.Pinasa niya ang picture sa sariling numero tapos ay
dinelete ito sa phone ng anak.TRISHA
Maaga akong nagising. Mas tama sigurong sabihin na wala akong maayos na tulog. Gabing-gabi na nang dumating si Xander, at halatang nakainom. Kinalma ko ang sarili ko. Ayaw kong magpadalos-dalos.
Hindi sumabay si Chloe sa dad niya at susunduin daw siya
ni Sab. Pero nang nakaalis na pati ang mga kapatid niya,
kapansin-pansin ang lungkot ng anak ko."Chloe, anak, ayos ka lang ba? Nandito lang si Mommy
kung may problema ka." Nilapitan ko siya at niyakap."Mom..." napaiyak na ito. "I saw Dad yesterday sa mall.
May kasama siyang babae. Tapos very sweet sila."Lalo itong naiyak. Niyakap ko siya.
"Anak, listen to me. Kalimutan mo na 'yong nakita mo. Si Mommy na ang bahala doon. At sana 'wag mo itong banggitin sa mga kapatid mo. Isa lang ang maipapangako ko sa 'yo, walang sino man ang pwedeng makasira sa pamilya natin. Naitindihan mo ba si Mommy?"
She felt better when she left the house with Sab. Pero
ngayon, ako naman ang hindi mapakali.Bakit ba naghahanap
ng iba ang mga lalaki? Hindi naman ako losyang. Pinili ko
ang maging housewife para alagaan siya at ang mga anak
namin, tapos ipagpapalit niya lang ako?Hustisya!
Nasa kalagitnaan ako ng page-emote nang mag-ring ang
cellphone ko."Hi, sis. I had this feeling that I needed to talk to you
today. Is everything all right?"
Maybe she was compelled by the so-called magical bond
between twins.It was my sister Choleen.
"I'm glad you called, sis. Sa tingin mo ba kaya akong ipagpalit ni Xander?"
"Wait, what?! Is he cheating on you?"
"Kumalma ka nga. Dinaig mo pa ako e! Hindi pa naman ako sigurado."
"Just tell me if you need me there at kakalbuhin natin ang babaeng 'yan." Natawa naman ako.
"Kayang-kaya ko 'to, sis. Pero it's good to know you have my back."
I think I could handle that random woman on my own.
Humanda siya sa bangis ng tunay at nag-iisang Ms. Trisha
Alexis Rosales.Palibasa uso ngayon ang agawan ng asawa, halos laman ng balita mga lalaking nangangaliwa, ba't di kaya nila subukan kumanan naman. Ang iba naman, mga babaeng alam na nga' na may asawa papatulan pa, akala mo mauubusan. Hindi na alintana ang mawawasak na pamilya.
Pwes ibahin niya ako, hindi ako magbabait baitan lalo na kung madadamay ang mga anak ko..
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION)
Romance(Instant Mommy Ako Book 2) Story of Chloe Alexandria D. Rosales " My world fell apart when you left me. You are my life My joy MY one great love and even now My sweetest pain "