Lutang parin ako sa ginawang pagpopropose ni Z, para tuloy akong timang na ngumingiti mag isa. Sino ba kasing hindi kikiligin? Hindi lahat ng lalaki kayang mag effort ng katulad niya, given na may anak na kami at hindi na kami katulad ng KathNiel o JoshLia na mga bagets pa. Feeling teen tuloy ako.
" Ms. Chloe, I hate to interrupt dahil mukhang nasa cloud nine ka parin, pero may bisita po kayo at may dalang bulaklak, hindi yata siya na inform na engaged na kayo kay Papa Z Este Mr. Mondejo." maging si Joy ay kinikilig parin sa ZaiLoe, " Crap baduy yata." saway ko sa sarili ko.
" Sino Joy?"
Hindi paman siya nakakasagot ay natanaw ko na sa likod niya si Jarred.
" Sige na Joy, salamat." hinayaan muna nitong makapasok si Jarred saka lumabas.
" Hi Chloe, I hope hindi ako nakakaabala." actually you are, gusto ko sanang isagot, naabala ang pagiisip ko sa effort ng lalaking mahal ko. " For you." saka nito iniabot sa'kin ang dalang bulaklak.
Nilingon ko ang mga bulaklak na dala ni Z kanina, na nakalagay na sa vase. Mabuti narin na nandito si Jarred para magkaliwanagan kami once and for all.
" Thank you but it's the second time na binibigyan mo'ko ng bulaklak and I still don't understand why?" although nasabi na sa'kin ni Z na nanliligaw ito.
" Naalala mo ba yong babaeng kinukwento ko sayo? Ikaw yon, Chloe. High school palang tayo, gusto na kita, inantay ko na magcollege tayo bago sana masabi sayo ang nararamdaman ko pero nagkamabutihan naman kayo ni Zaide. Pero ngayong wala naman na kayo, gusto kitang ligawan at sana bigyan mo ako ng chance."
" Jarred, may anak na..."
" Kaya kong maging ama sa anak mo, Chloe." hindi niya manlang ako pinatapos. " Mamahalin ko siya at ituturing na tunay na anak ko. Walang magiging problema sa kanya."
" Jarred, you don't understand. Nagkaayos na kami ni Z, gusto naming bigyan si Maui ng isang buo at masayang pamilya." nangunot ang noo nito.
" Kaya ko ring ibigay sa anak mo yon, sa inyo, kung bibigyan mo lang ako ng pagkakataon." he's persistent.
" Gusto ko ring lumaki si Maui na kasama ang Daddy niya, ang tunay niyang ama, kaya pasensiya kana Jarred." tumayo ito at naglakad lakad sa harap ko.
" Ang tunay niyang ama? Amang simula't sapul ay pinagdudahan ang anak mo. Alam mo bang pina DNA ni Zaide ang bata without your knowledge. Kasi nagdududa siya kung anak ba talaga niya si Maui." napatayo narin ako sa sinabi niya.
" What?! Pina DNA ni Zaide ang anak ko? "
" Yes Chloe, siya mismo ang nagbigay sa'kin ng samples ng bata para ipatest, dahil nagdududa siya, kung siya ba talaga ang ama ng anak mo." at itinago sa kanya ni Z ang lahat ng ito.
" Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin ang tungkol dito, noong unang beses tayong nagkita?" all this time akala ko tinanggap ni Zaide ang anak namin ng buo at walang pagdududa. Kaya pala ganon nalang kabilis nagbago ang isip nito tungkol kay Maui.
" I'm sorry Chloe pero nakiusap sakin si Zaide at bilang kaibigan pinagbigyan ko siya." then why all of a sudden, sinasabi niya ito sa akin ngayon?
" Kung ganon bakit mo sinabi sa'kin ngayong ang bagay na ito? " posibleng magkasira silang magkaibigan dahil dito.
" Nagkabalikan na kayo, diba? Karapatan mong malaman ang totoo, mag isip ka, Chloe, kung sakaling hindi talaga anak ni Zaide si Maui tingin mo lalapit siya sayo at makikipagbalikan? Kung sakaling anak ni Ethan ang bata, babalikan ka kaya niya pagkatapos mo siyang iwan?" I was taken aback, may point din naman siya.
BINABASA MO ANG
A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION)
Romance(Instant Mommy Ako Book 2) Story of Chloe Alexandria D. Rosales " My world fell apart when you left me. You are my life My joy MY one great love and even now My sweetest pain "