28. Wedding

20.3K 539 63
                                    

Chloe Alexandria

Dumating na ang araw ng kasal ko, tinignan ko ang sarili ko sa salamin, my make up artist did a great job para maitago ang pamamaga ng mga mata ko.

I thought Z will do something para sa aming dalawa pero pagkatapos ng gabing yon hindi ko na siya ulit nakita pa. Not even a simple text..

Ito dapat ang isa sa pinakasamayang araw sa buhay ko ang maikasal. Everything was perfect except hindi ang lalaking mahal ko ang pakakasalan ko..

" Anak' ang ganda ganda naman ng Baby Chloe ko." ang Mommy Trisha ko. Ngumiti ako sa kanya..

Mommy is beautiful and stunning as always bumagay sa kanya ang gown niya, alam ko na labag sa kagustuhan niya ang kasal na ito pero sinabi ko sa kanya na itutuloy ko na lang. Dad wanted this at ayokong magkasira kami ng tuluyan.

Naging mabuting kaibigan din naman sa akin si Ethan at mahal niya ako. Sapat na siguro yon sa ngayon.

" Parang kailan lang anak' flower girl ka lang dati ni Mommy, ngayon ikaw na ang bride. Basta tandaan mo kahit na may asawa kana andito lang si Mommy." niyakap ko siya..pinipigil ko ang maiyak.

" I love you anak." hinagkan niya ako sa noo.

Ang pagmamahal ni Mommy ang isa sa nagpapalakas ng loob ko, alam ko na kahit anong mangyari I will always have her para sabihan ng kahit anong problema at iyakan kapag ang bigat bigat na ng lahat.

" Thank you Mommy, I love you so much." her unconditional love make me strong. Marami din siyang napagdaanan at sana gaya niya malampasan ko din ng lahat ng pagsubok ko sa buhay.

" Ano ba kayong dalawa' masisira ang mga make up ninyo. Sali din ako sa yakapan?" ang isa ko pang ina. Mama looks stunning like her twin sister.

Umuwi ito kasama ang kapatid kong si Liam. Tito Zack couldn't make it dahil sa trabaho.

Hinila siya ni Mommy at agad ko din siyang niyakap. Maswerte ako na may dalawa akong ina na parehong nagmamahal sa'kin.

" I love you anak, tandaan mo nandito lang kami lagi ng Mommy Trisha mo." pinahid niya ang mga luha ko.

" Salamat Mama." natutuwa akong makita silang magkasama. They aged pero nananatiling maganda.

They both went through a lot pero parehong naging masaya sa piling ng mga lalaking minamahal pero papano magiging kagaya nila ang buhay may asawa ko kung hindi ko mahal ang lalaking papakasalan ko?

The good thing about weddings they bring families together kahit na yong nasa malayo kagaya ni Mama.

" Anak nasa baba na ang bridal car mo, mauuna na kami sayo, magkita nalang tayo sa simbahan." sabay na silang umalis.

I glanced one more time sa mirror and put the fake smile that I'll be wearing all throughout this day.

Wala naman sigurong masamang maging mabuting anak and if this will make Dad happy gagawin ko nalang.

" Ms. Chloe ready na po ang sasakyan." ang baklang stylish na nag ayos sa'kin, inayos niya muli ang belo ko at neretouch ng mabilis ang make up ko.

" Okay' let's go." gusto ko nalang matapos na ang lahat ng ito saka ko na aalalahanin ang mga mangyayari pa.

" Isa po kayo sa pinakamagandang bride na naayusan ko. Best wishes po." nakangiting bati sa kanya.

" Salamat." inalalayan niya ako pababa ng hagdan hawak niya ang dulo ng gown ko maging sa pagsakay ng kotse. Iniabot niya rin sa akin ang bouquet ko.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon