Chloe Alexandria
Pinili niyang magpakabusy sa trabaho habang wala ang anak at upang maiwasan niyang malungkot.
Bilin niya na huwag itong umiyak pero nauna pa yata siyang umiyak sa anak. Laking tuwa niya ng tawagan siya ni Zaide para kausapin ito ng nagdaang gabi. Tama ang hula niya na nalulungkot din ito gaya niya at namimiss siya ng anak. Binasahan niya nalang ito ng kwento at mabilis naman itong nakatulog maging siya ay ganon din.
Kakatapos lang niya kausapin ang mga head ng iba't ibang department ng Chloe's Haven ng tawagan siya ni Olivia gamit ang cellphone ni Zaide.
" Chloe, ang anak mo, si Maui dinala sa hospital. " nahawakan niya ang tapat ng dibdib sa pagsalakay ng kaba.
" Anong nangyari sa anak ko?" dinaluhan siya ng mga staff na naroon dahil sa panginginig dala ng takot para sa anak.
Hindi na niya masyadong naintindihan ang sinabi nito, pangalan lang ng Hospital ang tinandaan niya.
Ang pagpunta sa Hospital ang pinakamatagal na biyahe sa buong buhay niya, kulang na lang ay paliparin niya ang sasakyan mapuntahan lang agad ang anak.
Gustuhin niya mang magalit kay Zaide ay hindi niya na magawa. Naabutan niyang duguan ang kanang kamay nito sa ginawang pagsuntok sa pader. Alam niyang hindi rin nito ginustong mapahamak ang anak nila. Sino bang magulang ang gustong malunod at maallergy ang anak?
Ang gusto niya lang ng mga oras na yon ay mayakap si Maui at makitang ligtas ito. Isang araw lang silang nagkahiwalay muntikan na itong mawala sa kanya ng habang buhay.
Nailipat na ito ng kwarto. Naka oxygen pa ito at may swero sa kamay. Naiiyak siyang isipin na nasaktan ito ng tusukin para sa dextrose. Ni minsan hindi niya naisip na mahohospital ito. She's always protective and careful when it comes to her. Maui is her life. Ang anak ang nagpapaalala na minsan sa buhay niya ay nagmahal at minahal siya ng totoo.
Saka naman dumating ang Mommy at Daddy niya. " Kamusta na ang bata Chloe, anak?" nagaalalang nilapitan ng Mommy niya si Maui.
" Hinihintay nalang po siyang magising Mommy, thank's God' she's out of danger. " nakahinga siya ng maluwag ng sabihin ng Doktor na wag na silang magalala, nagsubside narin ang allergies nito dahil sa gamot.
" Lalabas lang ako. Kakausapin ko ang ama ng anak mo." maang na napatingin siya sa Daddy niya.
" Pero nakauwi na po yata siya Dad." kinakabahan na naman siya sa gagawin ng ama.
" Nasa labas siya anak, nakita namin kanina bago kami pumasok." ang Mommy niya. Ang akala niya ay umuwi na ito gaya nila Olivia.
" Dad, hindi naman niya sinsadya ang nangyari." baka kung anong gawin nito kay Zaide.
" Kakausapin ko lang siya, don't worry." saka ito lumabas.
" Anak, wag ka ng magalala, hindi naman galit ang Daddy mo kay Z.."
Hindi niya parin maiwasang magalala. Aminado naman si Zaide na napabayaan nito ang anak nila at alam niyang hindi naman niya ginustong mapahamak si Maui. Ayaw niyang magkagulo na naman sila dahil si Maui ang higit na maapektuhan.
Zaide Travis
Nanatili na lamang siya sa labas ng Hospital para kung may kailangan si Maui ay naroon lang siya. Napakalaki niyang gago para mawaglit sa isip ang anak para saan? Para makipaglandian don kay Tanya. Kumikirot ang kamay niyang nalagyan na ng benda. Pinilit siya ng Mommy niya at ni Olivia na lagyan ng lunas iyon.
" Coffee.." nagulat siya ng abutan siya ng kape ng ama ni Chloe.
Naisip niyang galit marahil ito sa pagpapabaya niya kay Maui, di kaya may lason ang kape?
BINABASA MO ANG
A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION)
Romance(Instant Mommy Ako Book 2) Story of Chloe Alexandria D. Rosales " My world fell apart when you left me. You are my life My joy MY one great love and even now My sweetest pain "