14. Internship

27.2K 692 84
                                    


Pag-uwi ni Chloe mula sa school ay nag-aalalang sinabi sa
kanya ng mga kapatid na wala ang mommy nila sa bahay.
Pero maya-maya pa ay dumating na rin ito kasama ang Dad nila.

“Oh my, Mom! I love the outfit!” puri ni Isha sa ina.

Bumitaw si Trish sa yakap ng mga anak at umikot na parang modelo.

“And you’re so beautiful!” dagdag ni Xhan.

“And you’re the best mom in the whole wide world. We
love you!” sigaw ni Ian.

“Mga anak nga talaga kayo ni Alexander. Manang-mana
kayo sa bolero n’yong tatay.”
Nag-movie marathon sila pagkatapos mag-dinner dahil
weekend naman.

Pagkatapos ay isa-isa na ring nagsipag-akyatan ang mga bata sa kani-kanilang mga kwarto para magphahinga.

Pumasok si Xander sa kwarto ng panganay para kausapin ito.

“Anak, can we talk?”
Tango lang ang sinagot nito sa ama at naupo sa kama.

“’Yong nakita mo sa mall, walang ibig sabihin ’yon. Gusto kong malaman mong mahal ko ang mommy mo at pati kayo ng mga kapatid mo. Kaya sana anak ’wag ka nang magalit sa ’kin,” pakiusap ni Xander sa panganay.

“I’m sorry if I doubted you, Dad. Nag-alala lang ako sa
pamilya natin. I was afraid that Mommy would leave us.”

“Hindi na mauulit ’yon, anak. I promise you. Hindi ko magagawang ipagpalit ang mommy mo. She’s my life.”
By the time her dad left, she felt reassured that everything
was okay.

Then may na-receieve siyang text.

Der r millions of stars n da sky, but I love da ones n ur eyes. So I’ll think about you when go I to bed.

Good night.

Napangiti na naman siya text na ’yon. Naisipan niya itong
replayan.

Thank you sa message, pero sino ka ba talaga?

Pero wala na siyang nakuhang sagot.

CHLOE ALEXANDRIA

Sa school kinabukasan, sinusubukan kong lambingin
ang mga kaibigan ko dahil alam kong nagtatampo sila sa
pagbabago ng desisyon ko about our internship.

Naisip ko kasing sa company na lang namin mag-intern instead
of going abroad like we originally planned. Pero habang nag-uusap kami, biglang lumapit sa ’min si Ethan with flowers in his hand.

“Chloe, can I talk to you?”
Biglang umalis si Elle and Sab, pero halatang kilig na
kilig sila.

“I like you. I can’t tell kung kailan ko exactly na-realize
na gusto kita. Basta ang alam ko, teenagers pa lang tayo crush na kita.”

I was speechless.

“Ako ’yong nagte-text sa ’yo. Nag-aantay lang ako ng
tamang oras para aminin.”
Siya pala ’yon.

Why am I disappointed that it isn’t Zaide?

“Ethan, we’re best friends. Mga bata palang tayo magkaibigan na tayo.” He was like a brother to me.

I loved him but only as my guy best friend. All along may feelings pala siya sa akin. I even told him about my crushes and some of my secrets.

I’m sorry for keeping this from you, Chloe. I waited for the right time, ’yong hindi ako makakagulo sa studies mo
kasi I know priority mo ’yon.”

“Ethan, I need to go. Let me process all of this.” At
iniwan ko siya doon.

Narinig ko na tinatawag niya ako pero nagmadali akong umalis.
I headed to our hidden place.

Naupo ako sa damuhan.

I put down the flowers Ethan gave me. Nakatitig lang ako
dito. Why do I feel bad about him liking me? I let out a deep sigh.

Biglang sulpot ni Z. “Wow, nice flowers, huh! Kanino
galing? Suitor?”

“Not now, Mondejo. Iba na lang ang kulitin mo.” Pinikit
ko ang mga mata ko to calm myself. Baka maaway ko lang
siya.

Maya-maya ay may naisip akong itanong sa kanya. “What if nagtapat sa ’yo ang matalik mong kaibigan na gusto ka niya? Anong magiging reaksyon mo?”

“Well, puro lalaki mga kaibigan ko, pero kung may isa kanila ang nagtapat sa akin, mas mag-aalala ako kung bakit kinailangan itago ng kaibigan ko ang tunay na pagkatao niya sa akin.”
I rolled my eyes.

“Tsk! Ewan ko sa ’yo!” Nainis ako sa pag-aakalang may maitutulong siya sa akin.

“You’re the only friend na babae na malapit sa akin, and if you happen to confess liking me, hmmm…” May pahawak-
hawak pa siya sa chin niya.

“Not bad, pag-iisipan ko.”

“Tumahimik ka na nga lang, Mondejo.”

“Sorry na, pinapatawa lang kita. Ang seryoso mo kasi. I don’t see any reason para problemahin mo if a friend says he likes you. Magkakaproblema ka lang naman if you don’t feel the same way towards that friend. In which case, ouch! Pero just be honest with him. If he’s really a friend, I guess maiintindihan ka niya. Who is he by the way?”

“Huwag ka ngang tsismoso.”

“Wow, Rosales, tsismoso agad? ’Di ba pweding nagtatanong lang?”

Thank God, nandito si Z. He made me feel better about
this whole situation.

Binalita ko sa kanya ang development kay Dad, at
kinamusta ko rin sila ng kanyang mommy. Sabi ni Z hindi pa siya handang harapin ito. Maya-maya pa’y niyaya niya akong mamasyal. Palabas na kami ng campus nang magkasalubong kami ni Ethan.

“Chloe, let’s talk.”

“Not now, Ethan. Please, sa ibang araw na lang.” Tatalikod na sana ako pero pinigilan niya ako sa paghawak ng braso ko.

“Please, Chloe, we need to talk.” Humigpit na ang hawak niya sa braso ko.

“Pare, sa ibang araw na lang daw kayo mag-usap. May pupuntahan pa kasi kami.”

“Kaya ba ayaw mo akong kausapin dahil sa lalaking ’to?”
sigaw ni Ethan.

Nagulat na lang ako nang hinila ni Ethan si Zaide at
sinuntok. Tinamaan n’ya ito sa gilid ng labi.

“Oh my god! Ano bang nangyayari sa’yo, Ethan?” sigaw ko sa kanya.

Hinila ko si Z at iniwan si Ethan doon.

All of a sudden hindi ko na kilala ang best friend ko. Ibang Ethan ang kaharap ko kanina.

Itutuloy...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon