Maaga akong nagising kahit wala naman kaming pasok. Naligo na ako at nagbihis saka bumaba pagkatapos ko mag ayos.Nakita kong abala sila Mommy sa kitchen.
" Morning Mom..anong meron?" aga naman yata nilang magluto eh' ready naman na ang breakfast sa dinning.
" Pupunta dito mamya ang Tito Nathaniel at Tita Angela mo, pag uusapan ulit ang petsa ng kasal ng Ate mo at ni Ethan." naibuga ko ang hot chocolate na iniinom ko.
Hindi naman sila nagmamadali?
" Ano ba naman anak, dahan dahan ka at mainit pa yang iniinom mo." saway ni Mommy. " May pupuntahan ka ba? "
" Mom, ano na namang tungkol sa kasal? Diba nga kailangan kasali sa usaping yan ang Tita Choleen?" sana huwag munang umuwi si Tita para matagalan ang plano nilang pananakal kay Ate...
" Naisip ng Daddy at Tito Nathaniel mo na gamitin ang skype mamya habang nag uusap para sa Tita Choleen mo." Tsk! tataba ng utak, hamakin mo naisip nila yon..
" Nagiisip pala talaga sila Dad ano' Mom ? Akala ko wala sila non e!" mas lalong dapat ko ng makausap si Kuya Z..
" Alexa Isabelle yang bibig mo, makakatikim kana naman sa Daddy mo n'yan." warning ni Mom, magtataka pa ba si Dad eh' sa kanya nga ako nagmana.
" Basta ako Mom' alam n'yo na ang say ko sa usaping kasal! No at never! I'll go ahead. I love you Mommy." kiniss ko ang Nanay ko sa pisngi saka umalis. Himala hindi niya ako pinigilang umalis.
Nagpahatid ako sa driver namin sa harap ng school. Wala pa si payatot ng dumating ako. Balak pa yata niyang pag intayin ako. Tinawagan ko siya.
" Sino ka!" bungad niya. Bastos na payatot.
" Hindi ba dapat hello ang unang sasabihin? Nasan kana? Kanina pa ako dito!" sympre joke lang yon.
" Paki mo kung ayoko maghello sayo! Parating na po Amazona!" kahapon pa yang kaka Amazona niya sa'kin. Sa ganda kong to...
Tanaw ko ang kotse n'yang paparating. Gara ng kotse Range Rover! Eh di wow...
" Ano na? Gusto mo ba pagbuksan pa kita ng pinto' Amazona?" Ay teka nakakahiya, nahalata niya yatang nakanganga ako tsekot niya.
" Tigil tigilan mo yang kaka amazona sa akin payatot!" sumakay na ako pero hindi sa front seat.
" At balak mo pa talaga akong gawing driver! Bat d'yan ka? Dito ka sa harap!" ang suplado niya mga bess, pasalamat siya cute siya. Oh my anong sinasabi ko?
" Fine!" lumipat ako sa harap at pabaksak na sinara ang pintuan ng sasakyan niya.
" Saan mo naman nahiram tong sasakyan mo? Nag abala ka pa.." Malay ko ba kung hiniram nya lang to..
" Carnap to Amazona..wag mo nalang ipagsabi!" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Saka siya bumunghalit ng tawa..
" Huwag mokong pinagloloko payatot ka! Sasamain ka sakin!"
Magsasalita pa sana ito pero pinanlakihan ko siya ng mata.
" Magtatagal ka ba? Babalikan nalang kita!" uutakan niya na naman ako.
" Sasamahan mo ako' malay ko ba kung nandoon nga ang pinsan mo." nahilamos neto ang isang kamay sa mukha.
Maya maya ay tumigil na kami.
" Ano pang inaantay mo? Pasko? " saka ito bumaba. Pinaninindigan ang kasupladuhan.
Park Point? Yayamanin pala talaga sila Kuya Z..luxury condo talaga?
BINABASA MO ANG
A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION)
Romance(Instant Mommy Ako Book 2) Story of Chloe Alexandria D. Rosales " My world fell apart when you left me. You are my life My joy MY one great love and even now My sweetest pain "