ZAIDE TRAVIS
During my internship, naging abala ako sa pag-aaral ng mga
pasikot-sikot sa kumpanya with the help of my Tito.Siya ang pumalit kay Dad habang naghahanda akong i-manage ang aming business.
Dito ako sa opisina dinalaw ni Mommy. Ayaw ko sana siyang harapin pero naalala ko ang sinabi ni Chloe noon:
You’re not an orphan, Z. You have your Mom and your
grandparents. Kailangan mo lang bigyan ng chance ang mommy mo.When I saw her, I couldn’t help but think my mom was
as beautiful as ever. Pero may hindi maitatagong lungkot sa
mga mata niya.“Anak, salamat at pinagbigyan mo akong makita ka. Zaidey, patawarin mo si Mommy sa pag-iwan ko sa ’yo. Alam kong hindi ko dapat ginawa ’yon, pero no’ng mga panahong iyon nasaktan ako ng daddy mo nang sobra-sobra.”
“Bunga kami ng arranged marriage ng daddy mo. Ang
mga magulang namin ang nagpasyang ipakasal kami.Pero may kasintahan ang daddy mo—si Kristina. Mahal na
mahal niya ito. Pinaghiwalay sila ng Lolo Travis mo. Huli na nang malaman ng Daddy mo na tinakot ng lolo mo si Kristina na pababagsakin ang kabuhayan ng pamilya niya. Kaya ito nakipaghiwalay at lumayo.”“Alam kong minahal ako ng daddy mo, lalo na no’ng
pinanganak ka. Pero mas mahal niya si Kristina. Nagsimula
silang magkita muli. Nasaktan ako, anak. Mahal na mahal
ko ang dad mo, pero alam kong hindi siya kailanman naging akin. Naging madalas ang pag-aaway namin noon at
ayokong makita mo ’yon kaya ako umalis. Pero bumalik ako,
binalikan kita. Gusto kitang kunin, pero hindi pumayag ang
daddy mo. Nag-iisang anak ka niya at ayaw niyang malayo
ka sa kanya.”“Itinakwil ako ng lolo’t lola mo nang malaman nilang iniwan ko kayo. Lalo akong nawalan ng pagkakataong mabawi ka. Kumpara sa daddy mo, mas may kakayahan siyang bigyan ka ng magandang buhay. Kaya patawarin mo ako, anak, kung natagalan akong bumalik.”
“But you have your new family, Mom.”
“Anong ibig mong sabihin, anak? Wala akong bagong pamilya. ’Yong sa restaurant ba? Mga pinsan mo sila. Si Ryan at Rhian, anak sila ng kapatid ko, ng Tito Renan mo.
Kinupkop nila ako no’ng umalis ako. Namatay ang mommy
nila no’ng ipanganak si Rhian kaya ako na ang tumayo
nilang nanay. I’m sorry, Zaidey. Ibang bata ang inalagaan ko
sa halip na ikaw. Sana mapatawad mo ako, anak. Kahit hindi ngayon. Aantayin kong dumating ang oras na mapatawad mo ako.”
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko.“Mommy, I’m sorry.” Lumapit ako sa kanya at niyakap
siya.Miss na miss ko na siya. At sa nalaman ko, wala akong
karapatang magalit sa kanya. Sana nadamayan ko siya no’ng
mga panahong nasasaktan siya dahil kay Dad.“Sshhh, anak ko, miss na miss ka na ni Mommy. Walang
araw na hindi ako nangulila sa ’yo, anak. Mahal na mahal
kita, Zaidey.” Mahigpit din akong niyakap ni Mom.Nalamang kong hindi rin matagal nagsama sina Kristina
at Dad dahil nagkasakit si Kristina at pumanaw ito. Sa
kabila ng lahat, hindi nagtanim ng galit si Mom kay Dad.
Alam niyang naging biktima lang din ito ng sitwasyon kagaya niya.Nang magkita-kita kami sa school, masaya kong ibinalita
sa pinsan kong si Chester at sa ibang kabarkada ko ang
pagkakaayos namin ni Mom. Masaya silang lahat para sa
akin.“So Zaide, pare, ’yong kay Chloe? Tuloy pa rin ba?”
tanong ni Jarred, isa sa mga kabarkada ko.“Oo nga, bro! Tuloy pa rin ba ang Operation Unleash the
Evil Side of Chloe Alexandria?” hirit ni Dustin.Hindi pa rin pala nila nakakalimutan ang usapan namin noong first semester.
“Wala na ’yon, mga p’re. Kalimutan n’yo na ’yon,” sabi ko.
“Wala ka pala e… Kung siguro nagpustahan tayo, talo
ka,” kantyaw ni Jarred.“Sayang! Hindi mo pala kaya si Chloe! Matatalo talaga
siya sa pustahan! Nai-in love na ’yan kay Rosales,” segunda
ni Dustin.“Pustahan!? Pinagpustahan n’yo ako!?” Nagulat ako ng
biglang may nagsalita mula sa likod. Si Chloe.“Lagot ka, bro!” kantyaw pa ng gagong si Jarred.
“Chloe, no! It’s not what you think,” paliwanag ko, pero
mabilis siyang umalis.
Hinabol ko si Chloe. Naabutan ko siya malapit sa comfort
room ng mga girls.“Mabuti na lang pala napadaan ako dito sa school, narinig
ko ang mga kalokohan n’yo ng mga kaibigan mo!” Hinuli ko ang isang kamay niya at hinila sa lugar na madalas naming tambayan.“Pwede ba, kumalma ka nga! Hindi nga kasi tama ang
narinig mo. Hindi ka namin pinagpustahan, okay? Ang
sinasabi nila talo ako kung sakaling nagpustahan kami.”“Huwag ka nang magkaila, Mondejo! Una pa lang duda na
ako sa pagtulong mo kunwari sa akin noon.”“Okay. Fine. Noong una, hindi ako naniniwalang may
taong katulad mo, na mabait sa halos lahat ng studyante
dito, na laging nakangiti at kalmado. Iniisip ko dati you
were just pretending. Alam mo ’yon? Too good to be true?
Kaya sabi ko ilalabas ko ang kamalditahang tinatago mo.
Pero walang pustahan, tsaka sabi ko sa mga kaibigan ko
wala na ’yon kasi nakilala na kita.”Tinaasan niya lang ako ng kilay.“Bahala ka nga! Akala ko kasi dati ang mga babae parang
si Mama. Sobrang bait ng Mama ko kaya no’ng iniwan niya kami nagbago ang tingin ko sa mga babae. Inisip ko sa likod ng kabaitan at magagandang ngiti, lahat sila may tinatagong masamang ugali. Pero ikaw, nakilala kita, ’yong totoong ikaw. Kaya kita nagustuhan.”“Gusto mo ako? Totoo ’yong sinabi ni Dustin na matatalo
ka raw talaga sa pustahan kasi nai-in love ka na sa ’kin?”“Oo na! I’m falling for you Rosales. I like you… a lot.”
“Huwag mo akong pinagloloko, Mondejo!”
“Gusto nga kita… O mahal na yata kita. Basta gano’n.”
Bahagyang nakabukas ang mga labi niya at tila hinahatak
ako. I leaned towards her.Nakatitig lang din siya sa mga
mata ko. I slowly moved my face closer to hers at hinawakan
ang mga pisngi niya. She closed her eyes, and I gently brushed my lips against hers.“I’m falling for you, Rosales,” bulong ko. This time sa noo
ko naman siya hinalikan, tapos niyakap ko siya.Isang hampas sa dibdib ang natanggap ko, pero napansin
kong nakahilig na rin siya sa balikat ko.“Manligaw ka muna, uy!” aniya, namumula.
“Oo, pero may pag-asa ba ako?” Itinaas ko ang chin niya at tiningnan siya.
Tango lang ang sagot niya at isang matipid na ngiti.
Ikinwento ko sa kanya ang pagkakaayos namin ni Mommy na ikinatuwa niya nang husto. Sinabi naman niya sa aking nagpaalam si Ethan na manliligaw sa kanya. Kaya
pala gano’n na lang ang galit no’n sa akin.Bad trip.
Sinabi ko na lang kay Chloe na “May the best man win,”
sabay kindat. Saka ko siya niyayang mag-merienda sa labas.Nakalabas na kami ng gate ng school nang salubungin
kami ni Ethan.May radar ’tong lalaking to. Lagi na lang sumusulpot.
“Pinapasundo ka ng Daddy mo kasi may meeting pa raw
siya,” aniya kay Chloe.“Sorry, Z. Nag-text kasi ako kanina kay Dad na maaga
akong uuwi.”“Sige, next time na lang. Ingat ka pauwi.”
“Ethan, wala ka bang sasabihin kay Z?” biglang baling ni
Chloe kay Ethan.“Sorry nga pala no’ng nakaraan, p’re.” Tumango na lang ako at nagpaalam kay Chloe.
“Ingat ka pauwi, Z,” sabi ni Chloe. Kumaway na lang ako
nang papaalis na ang sasakyan ng epal na si Ethan.Date na sana naging bato pa.
BINABASA MO ANG
A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION)
Romance(Instant Mommy Ako Book 2) Story of Chloe Alexandria D. Rosales " My world fell apart when you left me. You are my life My joy MY one great love and even now My sweetest pain "