TRISHA
At the Rosales Towers…
Inayos ko ang sarili pagkababa ng taxi. It has been awhile
since pumunta ako sa opisina ni Xander, pero I felt like I needed to claim back my territory.
Nalaman ko sa secretary ni Xander na ang babae sa picture ay anak ng bagong kliyente ng kumpanya. Martina Buenaflor.Lagi-lagi raw itong bumibisita sa asawa ko, madalas kahit walang appointment. Kaya minabuti kong dalawin sa trabaho si Xander.
Nagbihis ako nang maganda at dumaan pa sa salon.
Pakiramdam ko, ang pupuntahan ko ay giyera kaya
kailangan kong maghanda.
“Hi, Ma’am Trish. Wow, ang ganda n’yo naman po today!”
bati ni Lea, ang secretary ni Xander.
“Si Xander?”
“Nasa loob po, Ma’am Trish, pero…” sagot niya, halatang
balisa.
Alam ko na kung bakit. “Nasa loob din si Martina?”
Hindi ko hinintay ang sagot ni Lea. Bitbit ang paper bag
na may lamang brownies para kay Xander, marahan kong
binuksan ang pinto at pumasok sa opisina ng asawa ko.
“So lunch outside? Like the usual?” Ito ang inabutan n’yang tanong ng babaeng nakaupo sa
mesa ng asawa ko. At ang magaling na si Xander, ni hindi
yata ako agad napansin at ngumiti pa sa kausap niya.
Dali-dali namang sumunod si Lea sa likod ko.
“Nandito po ang asawa niyo, Sir.” Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Xander pero mabilis
itong ngumiti nang makabawi.“What a pleasant surprise,
honey.” Tumayo ito para salubungin ako.
“Hi, hon. Malapit lang dito ang pinuntahan ko kaya
naisipan kong dumaan.”
“Thank you, hon. I’m glad you’re here.” Hinalikan niya ako sa pisngi.“Oh, by the way, Martina, this is my lovely wife, Trisha. Hon, meet Martina Buenaflor, anak ng client natin.” Binaling ko ang tingin kay Martina.
“It’s Martina Simeone Buenaflor. Hello, Trisha.” Nag-abot
siya ng kamay pero pansin ko ang pilit niyang ngiti.
“Hello, Mrs. Trisha Alexis Rosales.”
“I’ll go ahead, Alex.”
Alex? Nabinyagan na niya ng bagong pangalan ang asawa ko? My husband pulled me closer at ikinawit ang isang kamay nito sa bewang ko. Hindi nakaligtas sa akin ang matalim na pagsulyap ni Martina dito.
“Okay, Martina,” sagot ni Xander.
Pero nagulat ako nang bigla niyang hinalikan si Xander
sa pisngi. Hindi yata alam nito ang salitang respeto. Kung
kalbuhin ko kaya siya ora mismo?
“I’ll see you at lunch?” pahabol pa ng bruha.
“Unfortunately, hindi kita masasamahan, Martina. My
wife is here. We’re going out for lunch.”
Good job, Xander! Nginitian ko ang asawa ko.
“Really? Mind if I join you guys?”
Ay, iba talaga siya. Ang kapal ng mukha. Napansin yata ni
Xander ang pag-angat ng isa kong kilay.
“I’m sorry, Martina, but I want to spend time with my wife. I wouldn’t miss this chance lalo na at pareho kaming free today.”
Nagbunyi ang kalooban ko. Kahit inis ako kay Xander ay natuwa ako sa sinabi niya. Mas lumapad ang ngiti ko. Dismayadong umalis si Martina.Oras na para magharap kami ng asawa ko.Inalis ko ang kamay niya sa bewang ko at hinubad ang blazer na suot ko. Kahit malakas ang aircon ay nag-iinit pa rin ang ulo ko. The nerve of that woman. Xander just stared
at me.
“What?” tanong ko.
“Ang ganda-ganda ng asawa ko. And wow, is that for me?” sabik nitong binuksan ang dala kong paper bag.
Pero kinuha ko ang box ng brownies at ibinalik ito sa bag.“Bakantihin mo ’yang t’yan mo para marami kang makain
’pag nag-lunch kayo ng babae mo. Aalis na ako.”
“No, wait, hon.” Hinila niya ako at napaupo ako sa mga hita niya.
“Una, hindi ko babae si Martina. I admit, nakakasama ko siya lately mag-lunch, pero may mga iba rin kaming kasama. Her dad asked me to train her. Siya na kasi ang magma-manage ng business nila. ’Yon lang ’yon.”Niyapos ako ni Xander.
“Chloe saw you sa mall with her last night. Kahit si Elle nakitang nakalingkis ang babaeng ’yon sa ’yo sa isang restaurant.”
“Kasama namin si Lea at ang isa ko pang empleyado ’non.
Nagkataon lang na nag-CR siguro sila nang makita kami ni
Chloe. Hindi kita ipagpapalit, hon. Ikaw lang ang mahal ko,
kayo na mga anak natin. ” Hinalikan niya ako sa noo.
“May gusto sa ’yo ang babaeng ’yon. I don’t trust her.”
“But you trust me, right?” Hinalikan niya ako. Tinugon
ko nang buong pagmamahal ang mga halik niya.
“I love you, Trisha Alexis Rosales,” pahayag niya
pagkatapos ng maalab na halikan namin.
“I love you more, Alexander. Pero subukan mong patulan
ang babaeng ’yon at puputulin ko ’yang kaligayahan mo,”
banta ko sa kanya.
Hinalikan niya ang tungki ng ilong ko at umiling. I headed to the restroom habang hinihintay siya para mag-lunch. May kinausap pa kasi siyang kliyente. At sa lahat ng pwede kong makasabay, si Martina pa.
“How long have you been married to Alex?” tanong niya,
habang nakatingin sa akin sa salamin.
“Sixteen years.”
“Sa tingin mo, hindi siya nagsasawa sa buhay may-
asawa?”
Hinarap ko siya. “Kilala ko ang mga tulad mo, Martina.
Isa ka sa mga babaeng pumapatol kahit sa lalaking may asawa’t anak basta ginusto nila. I know you want my husband. Kung ako sa ’yo, ’wag ka nang umasa because akin lang si Xander—amin ng mga anak ko.Bata ka pa. Huwag mong sayangin ang sarili mo. And have some self-respect. Huwag kang desperada.”
Humakbang ako palabas. “I’ll go ahead. My husband is waiting for me.”
Sana ay malinaw sa kanya ang mensahe ko. Dahil
ipaglalaban ko ang pamilya ko laban sa mga babaeng kagaya
niya.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION)
Romance(Instant Mommy Ako Book 2) Story of Chloe Alexandria D. Rosales " My world fell apart when you left me. You are my life My joy MY one great love and even now My sweetest pain "