29. Island

19.5K 483 31
                                    


Chloe Alexandria

Napagod nga siguro ako sa byahe dahil pagkatapos namin magdinner ay hinila na naman ako ng antok. Maghapon na nga akong tulog pero kulang padin.

Nagisnan ko ang tunog ng hampas ng alon sa dalampasigan pati narin ang huni ng mga ibon at iba pang hayop, maging ang tilaok ng manok na malimit ko lang marinig sa lugar na kinalakihan ko.

Tulog pa siguro si Z, nagtimpla ako ng milktea saka nagbukas ng reef para tignan kung anong pweding iluto. Nakakahiya naman kay Z, siya na ang nagluto ng dinner kagabi. Sinong magaakalang marunong magluto ang isang Zaide Travis, natutuwa ako dahil may pagkakataon na akong mas makilala ang taong mahal ko.

Napansin ko na maraming natirang kanin kaya nagdecide ako na mag fried rice. Nasanay kami sa bahay na laging maykanin sa breakfast.

Nagprito rin ako ng egg saka hotdog. I was looking forward for this, ang ipagluto si Z, na para bang I'm his wife. Napangiti ako sa ediyang iyon.

Neready ko na ang lamesa para kakain nalang kami paggising niya.

Nakarinig ako ng mahinang katok sa pintuan ng kitchen.

" Magandang umaga." nakangiting bati sa'kin ng dalagita na may hawak na plato na natatakpan ng dahon.

" Anak po ako ni Josie Ma'am, pinahatid niya po itong pritong danggit paborito po ito ni Kuya Zaide."

" Pasok ka. Anong pangalan mo?"

" Nikki po ang pangalan ko Ma'am." ngumiti ako sa kanya. Tingin ko mas bata lang siya ng konti kay Isha. Namiss ko bigla ang kapatid ko.

" Ate Chloe nalang Nikki, wag na Ma'am. Maraming salamat dito sa danggit, mukhang masarap." paborito ko din to.

" Tama po ang Nanang, ang ganda ganda n'yo nga po Ate Chloe." umalis na rin ito at may pasok padaw siya sa eskwela.

Napansin ko na may punto ang tagalog niya. Dahil narin siguro sa iba ang language nila dito sa Negros.

" Ano na nga ba ang language nila dito?" naisatinig ko.

" Hiligaynon or mas kilala sa Ilonggo Lovey." gulat na napalingon ako sa kanya, gising na ito. " Goodmorning.."

Bakit ang gwapo naman yata niya? Why he look so fresh as the morning? Ano to? Woke up like this?

" Go-goodmorning." ang tanging nasagot ko. " Laway mo Chloe." bulong ng utak ko.

" Ang sarap gumising sa umaga lalo na at ikaw agad ang makikita." malambing netong sabi saka ako hinila.

I rolled my eyes, minsan talaga para siyang si Dad sa kakornihan. Niyakap niya ako ng mahigpit at siniksik ang mukha sa leeg ko. " I love you."

May maagang pa Iloveyou si Mayor. " I love you too." napangiti ito.

" Wow pinagluto ako ng Misis ko." aniya na nakatingin na sa lamesa.

Pinigilan ko ang mapangiti, Misis daw. " Kumain na nga tayo, nagdala ng danggit ang anak ni Manang Josie." mabilis naman itong naupo at ipinagsandok ako ng kanin.

Magana akong kumain at wala namang bago doon. " The best ang danggit." komento ko.

" Don't worry magsasawa ka sa ganyan hangga't nandito tayo."

Ako na ang nagpresintang magbugas ng pinagkainan namin. Hinayaan naman niya ako. Bumalik siya sa kwarto para siguro maligo. Paglabas neto ay bihis na, suot ang kupasing maong at itim na t-shirt. Ang gwapo niya talaga..

" Gusto mo ba sumama?"

" Ha?" lagi nalang akong natutulala sa kanya..

Ngumisi ito. " Gusto mo ba kako sumama? Natutulala ang Lovey ko sa kagwapuhan ko." Tsk! Yabang, sabagay totoo naman." Bibisitahin ko lang ang plantasyon ng niyog sa likod na bahagi netong Isla."

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon