24. Broken

18.1K 470 95
                                    


Chloe Alexandria

I woke up with a throbbing headache and when I opened my eyes puting kisame ang bumungad sa'kin. Puti?
My ceiling is painted beige..kelan pa naging puti ang kisame ko? Maliban nalang kung...

" WHAT'S THE MEANING OF THIS CHLOE ALEXANDRIA?!!!" nagulat ako sa biglang pagpasok ni Dad kasunod ni Mom. Napa upo ako bigla at naramdaman ko ang lamig. Narealize ko na wala akong damit?

Mabilis kong tinakpan ng kumot ang sarili ko..mabuti nalang at mahaba ang buhok ko nakakahiya kina Mommy at Dad. Kinapa ko ang bandang ibaba ko at maging doon ay wala din akong suot..

" Mom? Dad?" nagtataka ako kung bakit wala akong damit at tila galit si Dad.

" Akala ko ba si Zaide ang boyfriend mo Chloe Alexandria?" muling tanong ni Dad. Teka anong ibig nyang sabihin ..talaga namang si Z ang boyfriend ko at mahal ko.

" Tito..." gulat na napadako ang tingin ko sa pinagmulan ng boses, si Ethan? Anong ginagawa niya at bakit wala siyang kahit anong suot? Mabuti nalang at nakatalikod siya sa akin, mabilis nitong binalot ang sarili ng kumot at hinagilap ang kung ano sa may baba ng kama.

" Tito, I'm so sorry.." aniya pagkatapos maisoot ang pantalon, pero bigla siyang sinuntok ni Dad.

" Oh my God! Dad please..ano bang
nangyayari?" Lumapit naman sa akin si Mom at tinulungan akong tumayo.

" Mommy anong nangyari?" napatingin ako sa pinaghigaan ko..may pulang mantsa doon. Napatingin ako sa hinigaan ni Ethan..natulog kami magkatabi? Pareho kaming walang damit?

" No! No! Hindi pwede! Mommy tell me na walang nangyari at walang ibig sabihin ang mantsa na yan, this is not happening." dinala ako ni Mom sa banyo tapos lumabas siya. Nagpapanic na ako.

Napatingin ako sa salamin. Nag iiyak narin ako. Pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi pero wala akong matandaan. Ang pinakamalinaw lang ay nong hinatid ko sila Mommy sa labas ng building.

Bumalik si Mom at may ibinigay na mga damit sa akin. Kasama doon ang bra at undies ko.

" Mom please tell me' na walang nangyari sa amin ni Ethan please." hindi pwede...mahal ko si Z..mahal na mahal ko siya.

" Anak, sige na magbihis kana, hihintayin kita sa labas, baka mapatay ng Daddy mo si Ethan." mabilis na lumabas si Mom. Dinig ko ang kalabog at boses ni Dad habang nagbibihis ako.

Yakap yakap ni Mommy si Dad ng lumabas ako.

" Ipinagkatiwala ko sayo ang anak ko tapos ito ang gagawin mo!!" nakita ko na dumudugo ang labi ni Ethan.

" Tito, I'm so sorry, nalasing po kami..wala din po akong matandaan kung pano.." nasapak na naman siya ni Dad.

Nalasing kami? Hindi ako naglalasing, liban nalang kung nilasing niya ako..

" Papuntahin mo ang Daddy at Mommy mo sa bahay! Mag uusap kami!! Hindi pweding hindi mo panagutan ang anak ko!" panagutan? Anong ibig sabihin ni Dad?

" At Ikaw! Ano pang tinutunganga mo d'yan! " sigaw ni Dad sa'kin. Lalo akong napaiyak, never pa akong sinigawan ni Dad buong buhay ko.

" Xander please!" si Mommy na lumapit sa akin. Hinubad niya ang jacket na suot niya, sinuot niya ito sa akin tapos ay kinuha niya ang bag ko at lumabas na kami.

" Mom nasan ba tayo?" pinahid niya ang luha ko.

" Nasa condo tayo ni Ethan anak, sa bahay na tayo mag usap, wag kana umiyak, andito lang si Mommy." pero paanong hindi ako iiyak.

" Mom maniwala ka, hindi ko alam kung anong nangyari. Wala akong matandaan." nag iiyak na ako lalo. Nasa elevator kami at pababa ng ground floor. Mabuti nalang at maaga pa wala kaming kasabay.

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon