Chloe Alexandria
Halos tumigil ang mundo niya ng tawagan siya ni Elle at sabihing nawawala ang anak niya. Mawala na lahat sa kanya pero hindi ang anak niya. Maui is her life. Ito ang dahilan kung bakit gusto niyang mabuhay sa kabila ng mga nangyari.
Hindi niya maipaliwanag ang tuwa ng makita itong karga ni Zaide at ligtas ito, agad niyang niyakap ang anak, hindi niya alintana kung pati ang lalaking may hawak dito ay halos yakap narin niya. Ang mahalaga sa kanya ay ligtas at kasama na niya ang anak.
Kanina niya pa ito yakap at mahimbing na itong natutulog sa bisig niya.
" Anak, tulog na si Maui, magpahinga kana rin." ang Mommy Trisha niya. " Sobra kaming nag alala ng Daddy mo ng tumawag ka kanina. Lalo na ang Daddy mo, naalala niya noong nawala ka nong bata kapa." now she knows kung anong takot ang naramdaman ng Daddy niya ng mga panahong iyon.
Mabuti nalang at ang Mommy Trisha niya ang nakapulot sa kanya.
" Ang sabi mo anak si Z ang nagligtas kay Maui? Tignan mo nga naman ang pagkakataon, hindi niya alam sariling anak niya ang iniligtas niya. Wala ka bang balak sabihin sa kanya ang totoo?" iniayos niya ang anak sa kama at naglakad patungong balcony ng kwarto nila. Sumunod naman ang Mommy niya.
" Gustong gusto kong sabihin sa kanya ang totoo Mommy, pero paano ko gagawin yon? May sarili na siyang pamilya, may anak na sila ni Olivia at ayokong makagulo sa kanila."
" Anak, wala ka namang guguluhin, ipapakilala mo lang ang anak mo sa tunay niyang ama, karapatan niyang makilala ang anak niya, lalo na si Maui, she needs her father. Kung kanina nagabala si Zaide na hanapin siya kahit hindi pa niya alam ang totoo, ano pa kaya kung malaman niyang anak niya si Maui."
" Natatakot ako Mom, natatakot ako sa mangyayari kapag nalaman niya ang totoo, paano kung hindi niya tanggapin si Maui? Paano kung hindi siya maniwala? Ayokong masaktan ang anak ko."
" Chloe Anak, wag mong pangunahan ang mangyayari. Maniwala man siya o hindi mas mabuti ng nasabi mo ang totoo. Huwag kang matakot lalo na at alam mong nagsasabi ka ng totoo. Andito lang ako, kami ng Daddy mo kung sakaling hindi niya matanggap si Maui, nandito kami para sa inyo?" niyakap niya ang ina.
Nagulat siya na naroon ang Daddy niya at nakatingin sa kanila. May hawak itong envelope.
" Gusto kang makausap ng Daddy mo. Maiwan ko na muna kayo at maghahanda ako ng dinner natin." lumapit naman sa kanya ang ama.
" I'm glad to know na ligtas ang apo ko. Kumuha na tayo ng Yaya na magbabantay sa kanya anak mas mabuti na yong may nakatutok sa kanya para narin sa ikakapanatag nating lahat."
" Naisip ko narin po yan Dad pagkatapos ng nangyari kanina. Akala ko mawawala na sakin ang anak ko."
" I know how it feels dahil minsan ka naring nawala nong bata ka, halos mabaliw ako nong mga oras na wala akong ediya kung nasan ka. " tama ang ama niya. She felt scared losing Maui.
" Alam ko na si Zaide ang nakahanap ng anak mo, nasabi sakin ng Mommy mo, panahon na siguro anak para unahin mo naman ang kaligayan ninyong mag ina bago ang ibang tao." iniabot sa kanya ng ama ang hawak na envelope.
Binuksan niya iyon at nagulat siya ng makita ang laman nito.
" Your marriage to Ethan is not valid. Hindi nakarehistro ang kasal ninyo sinadya namin iyon ng Tito Nathaniel mo." hindi makapaniwalang tinignan niya ang mga papeles.
" Kahit si Ethan ay alam ang tungkol dito, gusto niya lang talaga ay makasama ka anak. Mahal na mahal ka niya. Kahit labag sa loob ko ang saktan ka ginawa ko iyon para sa Tito Nathaniel at Tita Angela mo, magulang din ako Chloe at gaya nila masakit panoorin na mamatay nalang ang anak nila ng wala silang ginawa. Isa pa parang anak ko narin si Ethan. Kaya patawarin mo ako anak kung masaktan kita." sinabi din ng Daddy niya ang tungkol sa kasunduan nila ni Ethan.
BINABASA MO ANG
A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION)
Romance(Instant Mommy Ako Book 2) Story of Chloe Alexandria D. Rosales " My world fell apart when you left me. You are my life My joy MY one great love and even now My sweetest pain "