Chapter 18 [Dream]

109 3 0
                                    

Ayesha's POV

------------------------------------------

Yung mga naka-italic po yun yung mga scene sa panaginip niya

-------------------------------------------

Nandito ako ngayon sa school mag-isang naglalakad. Busy kasi daw si Aj kaya hindi ko siya kasabay ngayon.

Actually parang may mali nga sa kanya para bang nawawalan na siya ng time sakin, tapos pag magkasama naman kami kung hindi siya late dumadatin may kausap naman sa phone.

Haaayyy...!! Pag nagtatanong naman ako kung ano pinagkaka-abalahan siya patong nagagalit sakin. diba nakaka-inis?? ARRRGGHHH..

Ayesha: "Ano ba yang mga ginagawa mo parang masyado ka namang busy?"

Aj: "Ha? wala. special project lang to kasi diba hindi ako nakaka-attend minsan ng class dahil sa practice namin."

Ayesha: "Eh? diba excepted kayo kasi nga varsity kayo ng school?"

Aj: '"Hindi ko alam. Pwede ba manahimik ka nalang jan. Ang dami mong tanong. Nakaka-inis!"

Malapit na ako sa classroom namin nang may narinig akong mga bulungan.

g1: "Hiwalay na ba si Aj at Ayesha?"

g2: "Hindi pa. Pero ang balita complicated na silang dalawa. Bakit mo naman naitanong?"

g1: "Kasi nakita ko si Aj kagabi may kasamang ibang babae."

g2: "Babae? Baka si Ayesha?"

g1: "Hindi mas maliit siya ng konti kay ayesha eh."

*riiiiinng* *riiiiing*

Nagmadali na akong pumunta sa klase ko ngayon.

Hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ko yung mga narinig ko kanina. HAAAYYY nako a

Ayesha. Hindi lang naman kayo yung Ayesha at Aj sa mundo eh! Pero sa school nato kayo lang.

Hanggang sa mag-lunch break na hindi parin mawala sa isip ko.

Speaking of Aj, hindi nanaman siya naka-attend ng morning class namin dahil sa practice nila. Miss na miss ko na siya :(. Alam ko na pupuntahan ko nalang siya.

Habang papunta ako sa gym nakasalubong ko sila kuya Ven at jb.

Kuya Ven: "Oy Ayesha! San punta natin?"

Ayesha: "Ah sa gym sana. Nandun paba si Aj?"

Jb: "Ay hindi na namin alam kasi pagtapos ng practice namin umalis na kagad kami. Pero try mo baka nadun pa baka nag-shower pa try mo nalang sa locker room baka nandun siya."

Ayesha: "Sige. Salamat"

Kagaya nga ng sabi nila pumunta na ako ng locker room.

Papasok na sana ako sa loob pero may narinig akong dalawang taong nag-uusap.

G: "Kailan mo balak sabihin sa kanya yung tungkol satin?"

B: "Naghahanap lang ako ng tamang oras para masabi ko sa kanya"

G: "Aj, alam mo naman diba ng ayaw ko ng may kahati ako?"

B: "Oo alam ko yun, kaya nga ginagawan ko na ng paraan. Mahal na Mahal kita Sab. ikaw lang."

Aj? Sab? Si Aj na boyfriend ko at si Sab na bestfriend ko? O nagkataon lang?

Binuksan ko yung pintuan para masagot yung mga katanungan na bumabagabag sa isip ko.

Sana hindi ko nalang binuksan. Sana hindi ko nalang siya hinanap. Sana hindi na ko pumunta dito.

Nagkatinginan kaming tatlo. Sobrang sakit ng puso ko. Sana sa mga oras na to bumukas ang mga lupa at kainin ako ng buo.

Lumabas na kaagad ako ng locker room.

Aj: "Ayesha wait lang!"

Pagkalapit niya agad ko siyang sinampal ng pagka lakas-lakas.

Wala na akong ibang nararamdaman ngayon kung hindi galit.

Sab: "Wala kang karapatan na saktan si Aj."

Ayesha: "Hayop ka. Ahas ka. Bestfriend mo ko trinato kita bilang kapatid ko tapos ano susulutin mo lang boyfriend ko? ha? Hayop ka. Mang-aagaw ka."

Sab: "For your information wala akong inagaw sayo. Sa simula pa lang ako na ang mahal ni Aj."

Ayesha: "Hindi totoo yan. Ako ang niligawan. Ako ang girlfriend. Ako ang mahal niya"

Sab: "So hindi mo pa alam ang totoo?"

Aj: "Ayesha. Hindi ko intensyon na saktan ka pero yung totoo si Sab talaga ang mahal ko. Kaya kita niligawan para mapalapit kay Sab. I'm sorry hindi ko talaga gustong saktan ka."

Pagkarinig ko ng mga sinasabi niya. Tuloy-tuloy bumagsak lahat ng luha ko.

Lumabas na ako ng locker room. Sa back gate ako dumaan para walang masyadong tao. Tulo-tuloy parin yung mga luha ko sa pagbagsak.

Grabe hindi ko talaga aakalain na magagaw nila yun sakin. Si Sab na simula pagkabata kasama ko. Si Sab na bestfriend ko slash sister from other mother. Si Aj na minahal ko ng buong buo. Si Aj na mahal na mahal ko.

Naglalakad ako pag-uwi para pag-uwi ubos na laht ng luha ko. Tatawid na sana ako ng kalsada ng..

"AAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH"

"Ayesha, Ayesha. Gising. Binabangungut ka"

Pagkamulat ko ng mata ko nakita ko si Aj mukang nagaalala. Bigla kong naalala yung panaginip ko. Agad ko siyang niyakap at umiyak sa kanya.

Aj: "Ssshhhhh. Wag ka ng umiyak. nandito lang ako. Hindi kita iiwan"

Ayesha: 'Mahal na mahal kita"

Aj: "Mahal na mahal din kita ikaw lang wala ng iba."

Sana hindi magkatotoo yung panaginip ko. Sabi nga nila diba na ang panaginip ang kabaligtaran ng katotohanan.

----------------------------------------------------------------------------

"Love is a game that everyone plays."

FAN

VOTE

COMMENT

<3

My Best friend's Boyfriend *O N G O I N G*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon