Chapter Twenty-Three

3 0 0
                                    

NARU POV

" kausapin mo sya ngayon baka isipin nun galit ka " Si Eleven -- sinabi ko kasi nagseselos ako kay Adrian, kasi naman pag si Kisha ang nagsalita lahat totoo --

" Hindi niya ko tinitext kagabi, sa tingin mo galit na sakin yun? "

" Oo naman " si Kenjie

" Baka naman hindi " si Jeric

" alis na nga ko " sabi ko sa kanila at lumabas na ng bahay -- nasa bahay pala kami ng Sebastian's Bro. --

" Break a Leg " sabi ni Eleven at nagkatawanan na sila -- mga sira talaga tsk tsk --

Pumunta ako sa Bahay nila Kisha si Demmy yung sumalubong sakin at pina upo ako sa Sofa.

" Sir Naru pababa na si Mam Kisha " sabi ni Demmy pagkabigay niya sakin ng Juice at cookies.

" Hello " humarap ako sa nagsalita na nasa hagdanan -- Adrian -- naningkit yung mata ko.

" MOO !! " si Kisha -- " tatabi ka o itutulak kita " sabi niya kay Adrian.

" Halikan kita dyan eh " sagot ni Adrian kay Kisha -- nakakainis he dont have right over Kisha --

" sapakin kaya kita tabi nga " sagot ni Kisha at tumakbo sakin at yumakap.

" miss mo ko? " tanong niya sakin

" bakit nandito yan? " sagot ko sa kanya

" dito muna siya titira sabi ni Kuya Karl "

" hanggang kailan? "

" hindi ko alam "  sagot niya -- nakakainis Ihateit --  --- " san ka pupunta? "habol niya sakin nang lumabas ako ng pinto.

" MAMBABABAE!! " sagot ko

" pag sumakay ka dyan HINDI TAYO BATI !! "  sigaw ni Kisha -- huminto ako, naman ayoko magalit yan nakakatakot --

" San ka ulit pupunta? " taas kilay na tanong sakit ni Kisha with matching cross arm pa.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya

" Sayo " sabi ko

Nakita ko si Adrian na nakatingin samin hindi ko alam pero nakakainis yung mga ngiti niya, parang naghahamon na ewan.

BEEP BEEP *

" sino yan? " tanong ni Kisha -- may nagtext kasi --

"  babae ko "

" Gusto mo maging taong ketong? sino yan ? " sagot niya at inagaw yung phone sakin

" Francess, teka yung number na to tinawagan ako nito eh " sabi niya -- panu mangyayari yun --

" friend " sabi ko nang maningkit yung mata niya.

" what ever kumain tayo " sabi niya at pumasok kami ulit sa loob. Nagpahanda siya ng pagkain at sabay sabay kaming kumain. Nakakainis lang kasi hindi ko talaga gusto yung mga tinginan ni Adrian kay Kisha. Hinintay ko muna sila Tita Sophia bago ako umuwi.

Pag uwi ko tahimik na yung bahay kaya umakyat na ko sa kwarto ko.

" BABY!! " nagulat ako nang yakapin niya ko -- Francess --

" kailan ka pa dumating "

" DUH!! nagtext kaya ako sayo "

" Uh.. hindi ko nabasa yung girlfriend ko kasi ang kumuha ng phone ko nang magtext ka "

" may girlfriend kana, I hate you " sabi niya at nagpout -- lagi niya ginagawa yun lalo na pag hindi niya makuha yung gusto niya --

Nagkwentuhan kami hanggang gabi ni Francess dito din siya natulog sa kwarto ko -- mabait naman kasi ako --

Nagising din ako ng maaga kinabukasan.

" GOOD MORNING BRO. " si Eleven

Nag highfive naman kami ..

" Kamusta anak " si Papa

" okay lang " sagot ko at naupo

" Nagkita na kayo ni Francess? " si Mama

" Opo, dito pala siya natulog kagabi hindi ko na po pinauwi "

" GOOD MORNING !! " si Francess na nasa hagdan

" Good Morning, halika't magbreak fast kana " si Papa

Tabi kami ni Francess sa table, siya ang naglagay ng pagkain sa plato ko syempre hindi naman yun makakaligtas kila Mama

" Francess kung wala lang girlfriend yang si Naru, gusto din kita masama sa pamilya " si Mama

" Ma .. nandyan naman po si Eleven " sagot ko

" ayoko kay Eleven ikaw ang gusto ko tsaka tita pwede naman mo maki affair uso naman po yun ahah " sagot ni Francess

" GOOD MORNING!! " napatingin kaming lahat sa pinto -- Kisha --

" breakfast Honey " si Papa

Palapit samin si Kisha at nakita niya si Francess na katabi ko at damit ko ang suot.

" Tabi na tayo Panget " si Eleven at pinaupo si Kisha.

" sino siya? " si Francess at itinuro pa si Kisha

" si Kisha, siya yung girlfriend ko " sagot ko

" Let's eat guys " sabi ni Papa at kumain na kami. Si Eleven ang nag asikaso kay Kisha at si Francess lagay ng lagay at sinusubuan pa ako -- kulang nalang tusukin ni Kisha si Francess ng tinidor --

" Aakyat lang ako sa kwarto " paalam ni Eleven

" sama ako, Hindi ko matake ang hangin na nagc-circulate sa sala na to " sabi ni Kisha at sumama kay Eleven paakyat

" Ang alam ko hindi katulad niya ang type mo kasi ang alam ko ako yung type mo " sabi niya at yumakap pa sakin.

" ang tagal nila " sabi ko nalang

" lalayo ka o kailangang kaladkarin pa kita "  si Kisha na nasa likod namin, hindi naman natinag si Francess -- isa pa tong palaban eh --

" whoo natatakot ako " sagot niya kay Kisha

Hahablutin na ni Kisha si Francess buti nalang at napigilan siya ni Eleven.

" Chill Kisha " sabi ni Eleven

" bitiwan mo ko " utos ni Kisha kaya binitawan siya ni Eleven. Humiwalay din ako kay Francess -- lagot nanaman ako tsk -- at hinabol sa labas si Kisha ang bilis niya mag lakad nakasakay na sya agad sa kotse niya at aalis na pero humarang ako sa harap para hindi siya makaalis.

" usap tayo " sabi ko

Bumaba siya ng kotse at lumapit sakin.

" please " sabi ko pa

" sumakay ka sa kotse ayoko ng Hanging nagc-circulate dito sa bahay niyo "  sabi niya at sumakay ulit sa kotse. Tahimik lang siyang nagdrive.

" MOO bati na tayo? " tanong ko

" Hindi pa " sagot niya at hininto yung kotse sa tapat ng mall -- " baba " dadag niya. Sinundan ko lang siya kung saan siya pupunta --- National bookstore --

" bakit tayo nandito? " tanong ko

" bibili ako ng gamit sa school bakit sa tingin mo ba may mabibiling lalaki dito " sagot niya -- ang cute talaga magselos ni MOO kinikilig tuloy ako --

" kung nakakabili ba ng lalaki, bibili ka? "

" hindi....... kasi libre ko naman sila makukuha kung gusto ko pasalamat ka nga ikaw ang pinatulan ko eh " sagot niya at ngumiti ng nakakaloko.

" Sorry na MOO  ilove you MOO"  sabi ko at niyakap siya

" arte mo, dalin mo yan " sabi niya at ibinigay sakin lahat ng hawak niya.

" bati na tayo MOO "  tiningna niya lang ako tapos ngumiti siya syempre ako din ngumiti na -- YEHEY !! Bati na kami --

My One and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon