Chapter Thirty-Three

3 0 0
                                    

Nagdi- discuss ngayon yung prof. namin at ang totoo wala ako sa mood na makinig sa tinuturo niya. Tinitingnan ko lang si Adrian na nasa harapan ko -- ewan ko ba at si Adrian ang napagtritripan ko, bukod kasi sa matalino siya hindi pa nakakasawa yung mukha niya tipong ang sarap niya pagmasdan kahit magdamagan --

" malusaw si Adrian " bulong sakin ni Naru, kaya tiningnan ko siya.

" selos ka? " tanong ko

" hindi " sabi niya -- awwts naman -- tiningnan ko nalang ulit si Adrian at nilaro yung ballpen ko.

" nakakainis asawa ko na pero si Adrian pa ang pinagnanasaan " bulong ulit ni Naru tiningna ko siya --- ang cute ng asawa ko hart hart --

" hindi ko pinagnanasaan yan asa naman " sagot ko sa kanya at nahiga sa balikat niya.

Madami pang chechebureche yung prof. namin bago kami i-dismiss at ang nakakainis pa ako nanaman ang nakita niyang utusan para gumawa ng sitting arrangement namin.

Ngayon magkasama kami ni Chelsie sa mall para bumili ng regalo kay Adrian -- birthday niya kasi bukas nalaman ko lang kay Mommy --. Since sa bahay naman nila Mommy nakatira si Adrian balak sana naming bigyan ng birthday party si Adrian pero Surprise.

" magustuhan kaya ni Adrian ito? " tanong sakin ni Chelsie habang sinisipat sipat yung damit na hawak niya.

" he like light color " kumento ko kasi naman ang hawak niya black V-neck shirt at Yellow sleeves polo shirt.

Tumitingin lang ako ng pwedeng iregalo kay Adrian -- minsan lang kami mag-usap dati pero sa pagkakakilala at nakikita ko sa kanya I think he will love to recieve a colorful wrist watch ---. I buy a Your Own Time watch isang set para kung trip niya iba-ibahin yung kulay pwede.

After buying some stuffs for Adrian umuwi na din kami agad.

" Venice come come " nadinig kong tawag ni Naru -- let's see Venice?? sino naman kaya yun --

" Mam Kisha tulungan ko na po kayo " si Demmy, at kinuha yung mga dala ko.

" salamat, may bisita ba? "tanong ko sa kanya

" wala mam Kisha, si Sir Naru pala nasa Pool " sagot niya ulit.

Iniwan ko siya at lumabas ako sa pool para makita ang asawa ko.

" Venice, sit here with daddy come "

" MOO " tawag ko sa kanya, hindi ko alam kung nagulat o ewan yung reaksyon niya nang makita ako pero tumayo naman siya sa kinauupuan niya at kiniss ako.

" sino yung kausap mo? " tanong ko

" si Venice " sabi niya at may lumapit na cute na cute na puppy -- hindi ko alam ang breed pero balbon siya at talaga naman cute ang liit pa --

" aw aw aw aw aw " sabi nung aso

umupo ako para mahawakan si Venice -- ang cute *^* --

" san siya galing? " tanong ko

" binili ko "

" bakit? "

" regalo ko sayo tsaka temporary baby natin "

" hello Venice Venice ang cute cute.. tara Venice " hindi ko na pinansin yung sinabi ni Naru binitbit ko si Venice papasok sa loob para kunin yung paper bag na para kay Adrian at umakyat na din kami sa kwarto.

" Venice sleep na tayo dali " tawag ko dun kay Venice na pagulong gulong sa kama namin.

" Iniwan mo ko " pasok ni Naru sa kwarto namin

" para ka namang bata "

" naglalambing lang " sabi niya at niyakap ako --- " gawa na tayo ng baby natin " sabi niya pa, hindi ko alam kung namula ba ko sa sinabi niya o kinilabutan.

" hindi pwede nag-aaral pa tayo " sagot ko at tumalikod sa kanya

" after garduation pwede na? " tanong niya ulit

" hindi pwede ite-take over ko pa yung company "

" kailan tayo gagawa ng baby "

" matulog ka na nga, andyan naman si Venice eh.. " sagot ko

Hindi na siya nagsalita yumuko nalang siya sa leeg ko at hinigpitan yung yakap sakin.

Dahil wala namang pasok ngayon tanghali na ko gumising at pag-gising ko wala na si Naru at Venice sa tabi ko.

" Demmy si Naru? "tanong ko nang makita ko si Demmy na naglilinis.

" lumabas kasama si Venice " sagot niya, kaya kumuha ako ng jacket sa kwarto at hinanap sila Naru sa labas.

" Hi miss "

" Hello "

" anong pangalan mo miss "

Nakakainis parang sanggano kung umasta yung mga lalaking nakasalubong ko -- Highclass subdivision kasi pagkakaalam ko dito sa Subdivision namin --

" Hi Venice " narinig kong sabi nung babae -- talas ng pandinig ko -- tas yun nga pagliko ko sa kanto nakita ko si Naru at Venice kaya lumapit ako.

" Im Jessica Moore " sabi nung babaeng nakasuper short short at sando.

" Naru Chen " sagot ni Naru at nakipagshakehands dun sa Jessica

" Hello Jessica, I'm Kisha Agatha Javier Allegro CHEN " sabi ko nang ayaw nilang magbitaw ng kamay, nginitian ako ni Jessica tapos si Naru ngumiti din nung makita ako

" Hi Kisha, kapatid mo? " tanong niya kay Naru

" asawa, asawa niya ko " sabi ko sa kanya, kumunot yung noo niya.

" uwi na tayo, gutom na ko MOO " sabi ko kay Naru, inakbayan niya ko kaya niyakap ko sya at nag wave ng kamay kay Jesica.

Pag-uwi namin kumain kami agad at pumunta sa bahay nila mommy para sunduin si Adrian. Ang plano kasi nila Mommy igala namin si Adrian para kunwari yun na yung celebration namin para sa kanya as his friends pero ang totoo pag umuwi siya yun na talaga ang tunay na birthday Party.

My One and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon