Maaga ako ngayon pumasok para ayusin yung mga pinapaayos ni Ms. Halley Mao. Puro papers ng trabaho niya sakin pinapagawa pasalamat siya at talagang umiiwas ako sa room kaya ginagawa ko tong mga students papers niya. Pinapatype at pinapagawan niya sakin ng draft ang mga estudyante niya, onti lang naman mga, 360 names lang naman ang ita-type ko at gagawan ko ng draft oh diba ang saya saya wala pang tumutulong sakin.
" kumain ka muna " -- kala ko si Naru si Zingiber pala kasura -
" anong ginagawa mo dito? "
" bakit hindi ko ba pwedeng makita ang soon to be wife ko "
" asa ka boy lumayas ka na nga dito baka gusto mong mamatay ng maaga "
" ang sweet mo talaga iloveyou, kumain ka na baka lumuwag yung gown sayo " sabi niya at umalis na.
Nakakagigil hindi ko nga inaalala yung pesteng kasal na yon pinapaalala niya naman NAKU SUMPAIN KAYO !!! -- by the way the kasal kasal cheme will be on i don't care the date pero ilang araw nalang yun simula ngayon oh diba hindi sila nagmamadali -- Tinapos ko na agad yung pinapagawa ni Ms. para makauwi na ko.
My phone beep -- YEHEY!! NARU!! --
* see you here at rooftop *
So nagmamadali akong pumunta sa rooftop. I saw him lying at the concrete wall -- I miss him alot : '( --
I hug him so Thigh -- kahit madalas kami mag away mahal na mahal ko to, ayaw ko na bumitaw sa kanya --.
" next next week na nila gusto gawin yung kasal ko dun sa huklubang si Zingiber " una kong balita sa kanya na kinabigla niya.
" No!! nagmamadali ba sila? "
" I dont know " sagot ko, niyakap niya ko ulit at natahimik kami, parang bawat segundo ninanamnam namin.
" NARU!! " nagulat kaming dalawa sa pagdating ni Tito Taki.
" Pa!? a-anung ginawa nyo dito? " tanong niya
" ANONG GINAGAWA MO NARU?!! I TOLD YOU LAYUAN MO YANG BABAENG YAN!! " sigaw ni Tito at pilit na nilalayo sakin si Naru.
" wag po Tito Taki mahal na mahal ko po si Naru " halos hagulgol ko nang pakiusap kay Tito Taki.
" Naru ilang beses ko nang sinabi sayo layuan mo na siya at ayoko nang mag karoon ng koneksyon sa mga Allegro " sabi pa ni Tito at pilit pa ding inaagaw sakin si Naru.
" Pa AYOKO!! HINDI KO KAYANG LAYUAN SI KISHA!! " sigaw ni Naru
" sinabi ko na sayo at dahil sa ginawa mo BUKAS NA BUKAS ipapadala kita sa China para lang LUMAYO SA BABAENG YAN!! " sabi ni Tito habang tinuturo ako
" yan ay kung kaya mo Pa " sagot ni Naru at hinila ako paalis ng Rooftop.
Sumakay kami sa kotse niya, pumunta kami sa Grocery Store ang dami niyang pagkaing binili, Pumunta din kami sa isang boutique bumili siya ng mga damit namin at pumunta din kaming bangko nagwithdraw siya ng 10 k at dumiretsyo kami sa malayong lugar -- hindi ko alam pero may dagat dito --
" Naru, naku ang laki mo nang bata ka " salubong samin nung matandang babae.
" sino naman tong kasama mo? abay kasintahan mo ba to ijho? nasan si Eleven bakit hindi mo kasama yung pasaway na yun¿ " sunud-sunod na tanong nung matandang lalaki
" Manong Tino, Manang Lolit dito po muna kami titira ni Kisha asawa ko po tsaka wag po kayo mag-alala hindi naman po kami magiging pabigat at tsaka po pala wag niyo na po sabihin kila Mama at Papa na nandito kami sa San Antonio "
" Naku bata ka wag mo sabihing tinangay mo tong babaeng to " si Manong Tino, nagkamot ng batok si Naru at ngumiti sa kanila.
" Hay naku mga kabataan talaga ngayon ha ha ha sige tara dun na tayo sa loob wag ka mag alala ijho hindi namin sasabihin sa papa mo na nandito kayo " si Manang.
Pumasok kami sa bahay at nagbihis nagpahinga na din kami at kumain tsaka pumasok sa kwarto namin.
" Bukas maaga tayo gumising ipapasyal kita " sabi ni Naru at niyakap ako nang mahigpit.
BINABASA MO ANG
My One and Only
Novela JuvenilKahit ganong karami man ang babaeng umaligid sa kanya ako pari ang kanyang ONLY ONE...