As what he said yesterday nag island hooping kami then nag snorkeling din kami, Ang sabi ni Naru rest house nila yang tinutuluyan namin at safe daw kami dito hindi rin daw malalaman na dito kami nagtatago kasi In first place ang alam daw ng parents niya is hindi niya alam puntahan ang lugar na to at isa pa hindi rin naman daw magsasalita si Eleven.
Maghahapon na nang bumalik kami sa bahay.
" Naku buti nandito na kayo Naru " salubong samin nila Manang Lolit.
" Bakit po? " tanong ni Naru
" may dumating dito na mga lalaki hinahanap kayo " si manong Tino
" Po?! "
" pero wag na kayo mabahala kasi nalusutan naman na namin, nakita nila yung gamit nyo pero ang sinabi namin ay may bisita kaming kamag-anak na taga marikina tiyak namang hindi na babalik ang mga yoon " sagot ni Manang Lolit at pi-nap yung shoulder ni Naru.
Pumasok na din kami sa kwarto ni Naru at nagpahinga nang mag ring yung phone ko.
" bakit ayaw mo sagutin? " tanong sakin ni Naru
" si Mommy "
" sagutin mo na " sabi niya sakin at pinisil ang kamay ko.
-- Kisha nasaan ka bang bata ka?? -- bungad agad ni Mommy -- Mommy ayos lang po ako wag po kayo mag-alala -- sagot ko
-- sabihin mo sakin kung nasaan ka at susunduin na kita two days nalang at kasal nyo na ni Zingiber, umuwi kana -- pagpipilt ni Mommy kaya pinatayan ko nalang siya ng phone at bumalik sa bisig ng asawa ko..
" bakit? " tanong niya sakin, umiiyak ako sa kanya.
" bakit hindi nalang nila tayo pabayaan?, hanggang ngayon pinipilt padin nila Mommy na pakasalan ko yung Zingiber na yun "
" wag ka na umiyak, basta tandaan mo kasal tayo at si God ang saksi natin hindi na nila tayo mapaghihiwalay " sabi niya at lalong hinigpitan ang yakap sakin..
----
Maaga akong nagising ngayon at napagdisisyunan kong magluto ng pancakes --- kahit papano kaya ko naman magluto ng pancakes ---, nilagyan ko ng chocolate syrup yung pancake ni Naru at nagtimpla din ako ng chocolate.
" Ang bango naman " si Naru, at lumapit sakin at niyakap ako mula sa likod nagtanim din siya ng little kisses sa batok ko.
" kumain kana " naupo naman siya at uminom muna ng chocolate at kinain na yung pancakes.
" iu bakit ang tahimik mo hindi ba masarap? " tanong ko nang kumunot ang noo niya habang kumakain.
" hindi, masarap nga eh " sagot niya
" bakit nakakunot yang noo mo? "
" kasi ang tahimik ng paligid, wala akong naririnig na nagwawalis " sagot niya
" baka kasi hindi pa nagwawalis si Manang "
" hindi eh eh si Mang Tino, hindi pa sya pumupunta dito para tanungin tayo kung anong gusto natin kainin mamaya "
" baka tulog pa kasi " sagot ko
" teka, nadidinig mo ba yun? " tanong niya sakin -- anu nanaman ba to?? -
" parang may nagbubukas ng pinto " sabi niya
" baka si Manong na yan bubuksan ko yung pinto " sabi ko at pumunta sa pinto pero sinundan ako ni Naru..
" mam Kisha " hawak sakin nung isang lalaki at hinila ako palabas ng bahay
" Bitiwan mo siya " suntok ni Naru sa lalaki,pero dahil mas malaki yung lalaki kay Naru ay tinulak lang si Naru ng Lalaki dahilan para mahulog si Naru sa Hagdanan
Nagpumiglas ako sa hawak sakin ng lalaki at pilit kong tinatawag ang pangalan ni Naru para bumangon pero wala akong nagawa nang takpan ng lalaki ang bibig ko at makatulog ako.
Sa paggising ko nasa kwarto ko ako at may wedding gown na nakatayo sa paanan ng kama. Bubuksan ko sana ang pinto pero mukhang nakalock ito mula sa labas. Hinanap ko din ang Cellphone ko pero wala ito sa tabi ko, kaya lumabas nalang ako sa biranda ng kwarto ko at nakita ko ang lahat na abalang nag-aayos ng garden.
" Kisha " si mommy
" Tomorrow will be your remarkable day " hindi ko siya pinapansin
" ang ganda ng ayos ng garden diba, anak "
" PLEASE!! GET OUT OF MY ROOM NOW!!! " nabigla si Mommy sa ginawa ko pero hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko. They want me to Married a man who I dont really know in the First place and I dont love in the second place -- like DUHHHH!!!??? -- sinong matutuwa doon.
BINABASA MO ANG
My One and Only
Teen FictionKahit ganong karami man ang babaeng umaligid sa kanya ako pari ang kanyang ONLY ONE...