💜chap16:Hirap😖

49 5 0
                                    

Princious Pov

Nagising ako na namumula.

So panaghinip? Yung kiss? Bakit parang na dismaya ako?

Aishh!

Kung yun nga ay totoo? First kiss ko yun? Kung ganon.... ....... S-si Prince ang first kiss ko?! Yuck!

Nakaka stress. Tinignan ko ang oras at 5:00 pm na pala. 1 hour nalang, pupunta na din kami ng mansion.

Yung kiss? Hinawakan ko ang lips ko at nag isip nanaman, hayy. Ang hirap pala. Pag may gusto kang Tao na kasama mo pero panaghinip lang pala lahat.

Ayt! Emotional!

Tsaka ewww! Ako may gusto sa kanya?! Asa siya!

Hayyy naku! Maghahanda nalang ako para sa dinner.

Naligo ako at pagkatapos nagsuot lang ako ng blouse pinares ko ang leggings at patong nito ay skirt na above the knee. O diba? Simple.

May nakita akong isang blouse at may naisip nanaman ako.

Lumabas ako sa silid ko at tumakbo patungo sa kwarto ni Atthe. Nadatnan ko siyang naka towel lang.

"Princious? Lumabas ka dito! Hoy! Sabing labas eh! Nakasuot lang ako ng towel, ano bah!!" Sabat niya sa akin. Hahaha.

"Hahaha. Bawal KJ besh! . Nandito lang ako para sabihin na ito ang isusuot mo ngayon!" Turo ko din sa damit.

Tinignan ko siya parang Hindi maka paniwala ang shonga. Nagtaas siya ng kanang kilay niya at sinabing "Never akong mag susuot ng ganyan, kung gusto mo ikaw nalang!"

"Aish arte! Ito lang naman eh!!" Dagdag ko pa rito.

Ang boyish talaga nito! Ang ganda nga kaso lalaki pumorma. Naku naman! Sayang!

Binigay I mean tinapon ko ang damit sa mukha niya at kumaripas ng takbo palabas habang natatawa.

"Ughh!! Gross nito!" Rinig Kong sigaw niya sa loob. Hahah.

"Pag Hindi mo yan sinuot sasabihin ko Kay lance na crush mo siya! Sige ka!" Banta ko rito.

"Sige susuotin ko tohh pero YUCK! HINDI KO CRUSH SI LANCE! HINDING HINDI YAN MANGYAYARI ITAGA MO SA BATO!!" Hahaha galit na tohh mga beshies!

May magagawa ba ako? Itaga ko daw sa bato eh. "Haha. Ikaw bahala!!"

Tapos pumunta ako sa kwarto ng kambal. Kumatok ako at Hindi nag tagal, binuksan rin naman nila.

"Eomma!" Sigaw ng dalwa at yumakap sa bewang ko.

Hahaha. Ang cute nila. "Excited na ba kayo?" Tanong ko rito at yumuko ako para mapantayan sila.

"Opo eomma! Thuper po!" Sabi nalang ni Mio.

Hindi pa kasi siya marunong magsalita ng 'S' kaya parang na bubulol siya.

Ginulo ko nalang yung mga buhok nila. At tumawa.
At napansin Kong iba ang damit na suot nila, yun pa ring dati; nangangalakal pa sila.

"Bakit ganyan suot niyo?" Tanong ko rito.

Kahit obvious naman na wala pa silang mga damit.

"Wala kaming damit na dala eomma" sabi ni Matthew  sa akin.

Tumango tango naman ako at nag isip-isip. Presto! May naisip na naman ako.

"Hali kayo, bilis!!" Tapos kinuha ko yung mga kamay nila.

Hinila ko sila patungong kwarto ko.
Pagdating namin, pinaupo ko muna sila sa kama ko. May hinahanap kasi ako.

Habang naghahanap nagtanong si Matthew sa akin, "ano po ang hinahanap niyo eomma?" .....

Behind Her GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon