Chapter 17 - I love You

200 6 0
                                    

Hindi ko alam kong saan ako dadalhin ni Uno. Piniringan niya ako paglabas namin ng sasakyan. Ang pakiramdam ko umakyat kami sakay ng elevator. Naglakad kami ng konti at umakyat sa stairs.

"Malapit na ba?" Ako. Makailang beses na rin akong nagtanong nito.

"Andito na tayo." Bulong nito sa tenga ko habang tinatanggal ang panyo na nakapiring sa mga mata ko.

Napanganga ako sa ganda ng view. Nasa rooftop kami ng kung anong mataas na building. Minasdan ko ang paligid. Maraming nakapalamuting Christmas lights na parang ginawang sampayan. Maraming candles na nakahilera sa sahig patungo sa naka set-up na table for two. May mga kulay pilang couches at heart shape throw pillows in white and red. May mga rose petals pa na nakasabog sa lalakaran namin.

How romantic. If Uno was my official boyfriend, iisipin kong magpo-propose siya sa akin ngayon ng kasal. Pero hindi.... kaya nalilito ako kung bakit niya ginagawa ang pag-e-effort na ganito.

"Like it?" Anito na nilingon ko. He was smiling showing his dimples and white teeth.

Tumango ako at ngumiti din sa kanya. He guided me on the table. May pinindot siyang parang buzzer. Lumabas ang tatlong mga naka puting lalaki na may dalang pagkain. Inihain nila ito sa aming harapan at agad na umalis.

Maya-maya ay pumasok naman ang isang nakaitim na polo at slacks na lalaki na may hawak na violin. He serenaded us while we ate our dinner. Uno's all smiles watching me. I'm so impressed and so happy.

"This was the perfect date ever..." bulalas ko sa kanya. He just chuckled. We are now having our dessert.

"Here..." I took a slice of Mango bene at kumuha sa kutsara saka isinubo sa kanya. I looked into his eyes. Tinanggap niya yun na hindi rin inaalis ang titig sa akin.

He did the same to me. Sinubuan niya rin ako while we're looking at each others eyes.

"Me icing ka sa labi mo..." aniya na nakatingin sa labi ko. He reached for it and wiped it with his thumb and put it in his mouth.

Namumula akong napasulyap sa tumutugtog ng violin na nahuli kong nakatingin.

"Care to dance...?" Tumayo si Uno at inilahad ang palad nito. Tinanggap ko yun at tumayo.

Naglakad kami sa gitna ng mga candles na may iba't ibang sizes. Iniyakap ko ang mga kamay ko sa leeg niya habang hinawakan niya naman ako sa bewang.

The musician played Song from a Secret Garden.

We are looking at each others eyes.
It was so perfect. We are dancing under the stars.

Gusto kong maiyak. Ganito pala ang pakiramdam kapag kasama mo ang taong mahal mo sa isang perfect moment... umaapaw ang puso mo sa sobrang kaligayahan. Parang sarili niyo ang mundo at ayaw mong matapos ito. Parang isang panaginip lang. Isang napakagandang panaginip.

I hugged him even tighter and rested my cheeks on his chest. I can hear his heart beating so fast. Just like mine. I was confused.

Itinaas ko ang ulo para tingnan siya. Napapikit ako ng makitang papalapit ang mukha niya sa akin. I meet his warm kiss.

"Uno..." naghinang ang mga labi namin dahil hindi na ako makahinga..." may nakatingin." Nahihiya kong sabi.

"Saan?" Nakangiti niyang sagot.

Napalinga ako. Asan na si kuyang tumutugtog ng violin? Wala na pala. Hindi ko man lang napansing umalis.

"May ipapakita ako sa'yo..." hinawakan niya ako sa bewang at giniya sa isang tabi kung saan merong malaking telescope. Sumilip muna ito roon bago siya pinasilip.

Nakita niya ang napakaraming bituin ng mas malapitan . Pero nasa gitna ang isang malaking bituin.
Ito yung itinuturo niyang bituin noon?

Medyo reddish ang kulay nito at steady lang, hindi kumukislap.

Para siyang bata na natutuwang nakatanggap ng bagong laruan. Tuwang-tuwa siya sa kasisilip sa telescope.

"Ito na ba yung planet?" Nakangiting tanong niya kay Uno. Natatawang tumango ito. Sumilip uli siya.

"Selene, wag kang gumalaw... " anas ni Uno sa likuran niya. Napatayo siya ng matuwid. Lumakas ang tibok ng puso niya. Naghihintay siya sa gagawin nito.

May nakita siyang kuwintas na may pendant na bilog at hugis bituin na diamond sa gitna. Bumaba ito sa mukha niya patungo sa leeg niya. Isinuot pala ito ni Uno sa kanya.

"Ang ganda... " bulalas niya habang tinitingnan ang kwintas.

"Salamat....pero hindi ko naman Birthday ah..." biro ko sa kanya. Hinarap ko siya. Natawa ito.

"Kelangan ba may okasyon?" Anito.

"Bakit?" Nangunot ang noo ko sa kanya.

"Anong bakit?" Aniya na nagtataka.

"Bakit mo ginagawa to?" Ako.

"Ano ba sa tingin mo?" Seryoso niyang balik tanong sa akin.

"Hindi ako makatingin..." saad ko na umiwas ng mukha. Sobrang lapit na kasi ng mukha niya sa mukha ko. Hahalikan na naman ako for sure.

"Puro ka biro...tssss!" Reklamo nito.

Kinuha niya ang kanang kamay ko at inilapat sa tapat ng dibdib nito. Ramdam ko ang malakas na tibok ng kanyang puso kaya napatingin ako sa mukha niya.

Seryoso siyang nakatingin sakin.

"I love you..." bulong niya.

"Huh? Anong sabi mo?" Napalakas ang boses ko. Napailing-iling siya. Umiwas siya ng tingin.

Hinawakan ang magkabila niyang pisngi.
"What did you just said? Baby boy...?"

Pumikit muna siya at huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.

"I love you Selene! I love you! Ok na?"

"I love you too baby boy ko...." naiiyak kong sabi ay niyakap siya ng mahigpit.

Hindi ko na kayang kimkimin ang nasa loob ko. Kelangan ko ng palabasin kundi ay mababaliw na ako. Hindi ko alam kung tama o mali pero masayang-masaya ako na mahal niya rin ako. Sabi niya mahal niya ako.
Kahit ngayong gabi lang.

Niyakap niya rin ako ng mahigpit habang inikot-ikot sa hangin, natumba kami sa may couch na red. Sabay kaming natawa pagkatapos.

Biglang naging seryoso ang tinginan namin ni Uno kaya alam ko na ang kasunod nito. SPG na naman.

We made love ng ilang ulit under the stars. It was the best feeling in the world.

Sa isip ko... kami na.

UNO - Una Kang Naging Akin (Short Story- Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon