Talked to the priest. Check.
Distributed the invitations. Check.
Ready na ang wedding gown. Check.
Ang reception venue. Check.
Ang mga flowers. Check.
Halos lahat ay ready na.
Ang puso ko na lang hindi.
Siya pa rin kasi ang laman nito. Minsan naiisip ko kung tama ba ang mga naging desisyon ko sa buhay. Tama bang pinakawalan ko siya. Kung hindi ko ginawa yun anong mangyayari sa amin. Darating ang oras na magkakasawaan din kami sa ginagawa namin. Maybe magsasawa siya, paano naman ako, ang magiging anak namin?
Gusto ko na siyang kalimutan pero parang tukso naman na lagi siyang laman ng mga magazines at interview sa TV. Sikat na nga si Uno bilang most sought after bachelor and businessman. Kung dati rati ay abo't kamay ko lang siya ngayon ay ang layo na ng narating niya. Baka nga nakalimutan na ako nito.
I glanced at my watch.
Hinihintay ko si Kirk. Susunduin niya ako ngayon para sa food tasting. Nakaka-stress pala talaga ang ikakasal. How I wish we opted for a simple wedding. Desisyon ito ni Kirk at ni dad. Gusto nila ng magandang wedding.
Pinaglilihian ko talaga si Kirk. Gusto ko siyang laging kasama these days. Kung siya man ng magiging kamukha ng anak ko ay mas mabuti. Pero I feel really bad for Uno. Sinaktan ko siya ng sobra.
Pero mukhang naka move-on na rin naman agad siya. Kaliwa't kanan ang mga babaeng nali-link sa kanya na dinidate niya.
Wedding day.
"You are so beautiful ate..." ani Coleen na nakatingin sa reflection namin sa salamin. She came home to be my maid of honor.
Ngumiti ako ng malungkot sa kanya. Umipon ako ng lakas ng loob para gawin ito. Wala ng atrasan ang lahat ng ito.
"Are you happy ate?" Si Colleen.
Tumango na lamang ako. Ayoko siyang mag-alala. Maswerte ako kay Kirk. Paulit-ulit kong sinasabi iyon. We are compatible. Hindi lang naman love ang importante sa nag-aasawa di ba? Mahalaga rin ang pagkakaintindihan, maturity, future outlook. Pinipilit kong maging rational sa lahat ng bagay.
Niyakap niya ako mula sa likuran.
"O siya, mauna ka na sa church, susunod ako. Baka magkaiyakan pa tayo rito.." taboy ko sa kanya na naiiyak.
Pareho kaming natawa.
"Ok ate...wag masyadong tatagal ha. Baka mainip si kuya Kirk." Biro ni Colleen na lumabas ng hotel room kung saan ako naka check-in. Dito rin kasi gaganapin ang reception later.
Tumayo ako at pinasadahan ang gown ko sa full length mirror. Pumasok ako sa CR para umihi. Nahirapan pa ko dahil sa gown ko.
Naramdaman kong may pumasok sa suite room.
"Liz?" Tawag ko dun sa make-up artist. Walang sumagot. Nung lumabas ako ay laking gulat ko ng makita kung sino ang nakaupo sa kama. Nasaan si Liz? Umalis?
"Uno? What are you doing here?" Hindi ako makapaniwala na narito siya sa harapan ko. He is reeking alcohol. His hair is messy at tipong kagagaling pa sa inuman at hindi pa nakauwi mula nung isang gabi.
His bored eyes bore into me. Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa akin. Ipinasok niya ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa at minasdan ako from head to foot.
"I shouldn't be here... hindi ko alam kung bakit pa ako pumunta rito..." panimula nito na napayuko at nahihirapan.
"Pero may mga bagay na gumugulo sa isipan ko..."
BINABASA MO ANG
UNO - Una Kang Naging Akin (Short Story- Completed)
RomanceSelene thought that Uno was an escort. Wala siyang pakialam kung maging cougar siya. She's older at nag-aaral pa ito. She have her own reasons.... ======================================== Authors NOTE: This is my first book. (Subok lang) Nangangapa...