Test

241 8 0
                                    

Woke up late. Alone in bed.
My body aches and I'm sore down there.

I saw my breakfast on the bedside table with a note in it.

Selene,
May aasikasuhin lang ako. Hinatid ko na si Biboy sa inyo. Just stay there and rest...i know you're tired. ;)
Laters baby!
B-boy

Ni hindi ko man lang nakausap ang anak ko! Pahamak kasi ang lalaking yun. Sobrang late na tuloy ako for work. Aabsent na lang ako ng tuluyan ngayong umaga at hapon na lang ako papasok.

I checked my phone at ang daming Missed calls and texts.

Office: Ma'am Selene? Di po ba kayo makakapunta ng office today?

You have a meeting with the managers at 1pm ma'am.

Mr. Hernaez called. Magpapa-schedule raw ng appointment.

Blah-blah-blah...

Nagmamadali akong kumain at dadaan pa ako sa bahay para makapagbihis.

Andun na si Biboy at naglalaro na sa bahay.
I took a bath at nagpaalam na rin kina mom para pumunta ng opisina.

"Nasan nga pala si Colleen mom?" Tanong ko habang iniinspeksiyon ang loob ng handbag ko.

"Pumunta sila sa florist ni Miguel at inasikaso ang mga para sa kasal. The wedding was moved this Saturday." Ani mom.

Natigilan ako. Saturday? Matutuloy ang kasalan? What the hell. But he proposed to me?

"Ganun ba? Cge mom, alis na ako." Nagmamadaling humalik ako sa pisngi niya at humalik din sa anak ko.

"Bye Biboy! See you later! Be a good boy ok."

"Mag-iingat ka." Pahabol ni mommy na nagtataka sa pagmamadali ko.

Nagmamadali akong sumakay sa sasakyan ko at pinahid ang tinatagong luha sa pisngi. Sa sobrang inis ay napasubsob ako sa steering wheel. Nanginginig na pinaandar ko ang sasakyan.

I knew it! Aaarghhhh! Pinaikot na naman ako ni Uno! May pa-singsing pang nalalaman.

Nagpadala naman ako! Ang boba ko talaga!
Tinanggal ko ang singsing at tinapon sa kung saan sa loob ng sasakyan sa sobrang galit ko. I don't care kung magkano yun!

They moved their wedding this Saturday? Mabuti kung ganun. Para matapos na ang kabaliwang ito. Sana ay bumalik na sila sa America pagkatapos ng kasal at wag ng bumalik pa.

Habang nagmamaneho ay nasa malayo ang utak ko. Why is Uno doing this? Gumaganti ba siya sa pananakit ko sa kanya noon? It must be it. Ginagantihan niya ako at the expense of my sister. Oh my God. I can't believe this is happening to us.

I hate him! I hate myself more dahil gusto ko pa rin siya. I'm so mad and pissed right now that I wanna go out and drink.

Later. Lalabas talaga ako later.

Napahilot ako sa sentido ko pagkatapos ng meeting. Salamat at natapos din sa wakas. Matawagan nga si Kirk. I really need to talk to someone.

"Selene!" Nangiti ako ng marinig ang masayang boses ni Kirk. Buti pa siya.

"Labas tayo." Deretsong sabi ko.

"Grabe... wala man lang kumusta? Me problema ka ba?" Tanong nito.

UNO - Una Kang Naging Akin (Short Story- Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon