Mondays...
Tinatamad akong pumasok. Pero kailangan. Ako yata ang boss. Hindi ba dapat kapag boss ka ay kontrolado mo ang oras? Pero hindi eh. In demand ang beauty ko sa opisina. Yun bang hindi magagawa ang lahat kung wala ang presence ko.
Nag-inat ako para makapaligo at magbihis na. Tuloy na tulog pa si Biboy. I kissed him on the cheeks, hahayaan ko na munang matulog.
Ng lumabas ako ng kwarto ay muntikan na kaming nagkabanggaan ni Colleen.
"Sis..." ako. Iniwasan niya ako. Hinabol ko siya.
"Colleen! Let's talk." Tawag ko sa kanya.
Hinarap niya ako bigla na may galit sa mata.
"Look! I'm sorry kung tinago ko sa'yo, sasabihin ko rin naman eh. Naghahanap lang ako ng tiyempo." Sabi ko sa kanya.
"Masakit ate... ate kita! Alam mo yung pakiramdam? Ikaw pa talaga! Sa dinami-daming babae diyan, ikaw pa talaga ang kaagaw ko kay Miguel!" Ani Colleen na bigla akong sinumbatan.
"Colleen... huminahon ka nga! Hindi ko naman ginustong saktan ka. Hindi ko naman aakalaing si Uno pa ang magiging boyfriend mo? At saka, hindi mo ako kaagaw. Hindi naman ako nakikiagaw sa'yo ah?!" Sagot ko sa kanya.
"Sigurado ka na ayaw mo na sa kanya!?" Hamon ni Colleen sa akin.
Napanganga ako sa kanya.
"Maniwala ka Colleen. Wala na akong pakialam sa inyo ni Uno! Hindi ako ang magiging sagabal sa love story niyo. Ang sa akin lang, wag mong pagkaitan si Biboy ng ama!" Sabi ko sa kanya at tinalikuran siya.
Dumiretso ako sa kusina kung saan naghihintay si mommy. Nakasunod naman sa likuran ko si Colleen. Sabay kaming naupo.
"Nag-aaway ba kayong dalawa?" Mom asked. Palipat lipat ang tingin niya sa aming dalawa.
Sinulyapan ko si Colleen na umiwas ng tingin.
"No mom. We're not fighting over a man. It's cheap!" Ako. Napa ismid si Colleen.
"Colleen, get over it. Past na ang ate mo. Ikaw ang present. Ano bang pinoproblema mo?" Si mom.
Nagmadali akong kumain at inihabilin sa yaya si Biboy.
Papunta ako sa sasakyan ko ng tumawag si Uno. I remembered their kissing scene last night.
"Good morning Selene! Can I borrow Biboy?"
"Sure. He's at home. He wants to see you." Malamig kong tugon.
"Nasa bahay ka lang ba?" Siya.
"No. Paalis na ako papuntang opisina. Sige ah... I'm in a hurry." Sabi ko at agad ini-off ang phone.
Pagkadating sa opisina ay subsob agad ako sa trabaho. May meeting pa ako sa isang client. Nagustuhan raw ang mga products namin at balak dalhin abroad.
Tumunog ang intercom kaya sinagot ko.
"Ma'am andito na po si Mr. Hernaez." Anang sekretarya ko.
"Let him in." Sabi ko.
Pumasok ang isang batam-batang lalaki na di ko ini-expect. Laglag ang panga ko sa kagwapuhan niya.
BINABASA MO ANG
UNO - Una Kang Naging Akin (Short Story- Completed)
RomanceSelene thought that Uno was an escort. Wala siyang pakialam kung maging cougar siya. She's older at nag-aaral pa ito. She have her own reasons.... ======================================== Authors NOTE: This is my first book. (Subok lang) Nangangapa...