Surprise

272 9 0
                                    

Bumagsak si Red. Akmang susugurin pa sana siya ni Uno pero pinigilan ko si Uno.

"Uno... wag!" Sigaw ko.

Nangalit ang bagang ni Uno na ayaw papigil pero natigilan ito ng makitang tawa ng tawa si Red habang pinapahid ang dumudugong labi habang nakaupo na sa lupa.

"Red, ok ka lang?" Nag-aalalang tanong ko. Baliw ka na ba? Bakit tawa ka ng tawa? Itatanong ko sana.

"Ok lang ako Selene..." tumayo ito at inayos ang sarili. Nginisihan nito si Uno.

"Kung hindi mo ako tinulak pare hindi ko siya mahahalikan..." aniya sa galit na si Uno.

"Tang-ina mo.." ani Uno.

Kumuyom naman ang kamao ni Uno na akmang susugod pero pinigilan ko ang braso niya, umikot naman si Red sa drivers side ng sasakyan nito.

"Teka lang Red... may sugat ka..." Sabi ko sa kanya.

"I'm fine Selene, maliit lang 'to, don't worry about me. Anyway, it's worth it... see you around." Aniya na kumindat pa bago sumakay sa sasakyan.

Natahimik ako na kumaway na lang sa kanya. Nagpasuntok siya para lang sa akin? Tsss! I wish magkaayos na sila ng ex niya.

"Aba't gagong yun..." nagmura si Uno sa sobrang inis ng pinaharurot ni Red ang sasakyan nito.

This time, hinarap ko si Uno.

"Paano mo nalamang nandito ako?" Tanong ko sa kanya na nakapamewang.

"Me nakapagsabing magba-bar ka raw..." aniya.

Huh? Nangunot ang noo ko. Wala naman akong sinabihan ah...

...si Kirk? Si Kirk lang ang niyaya ko kanina ah. Pero hindi un dito na bar. Makakatikim ng sermon yung Kirk na yun sa akin.

"So? Kung nag bar ako, ano naman ngayon?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ka pupwedeng mag bar. Bawal kang mag-bar! Unless kasama mo ako." Galit na sabi niya.

"Ano namang masama sa bar? Eh sa bar nga tayo nagkakilala di ba?"

" Yeah, when we met in that bar you gave yourself to me. I don't want you doing that to other men." Asik niya.

"I gave myself to you for a reason..." lumapit ako sa kanya at tiningala siya.

Napatingin ako sa labi niya tapos sa adam's apple niya na napalunok. Lihim akong napangiti.

I still got him! Tama si Red. Mahal ako ni Uno. He'll get jealous of men around me.

Dapat kong ipaglaban si Uno. Ako ang mas may karapatan dahil ako ang mahal niya. May anak kami na dapat bigyan ng buong pamilya.

Tumingkayad ako to give him a peck on the lips.

"What was that for?" Nagtatakang tanong niya na nangunot ang noo. I'm sure pinipigil lang ang pagngiti.

Nangunyapit ako sa leeg niya na nagingiti.

"Anoo? Selene bakit mo ako hinalikan?" Aniya.

"Tsss... kunyari ka pa eh gustong-gusto mo naman." Himig tukso ko.

Napangiting iniwas niya ang mukha at hinawakan niya ako sa bewang para hapitin palapit sa kanya.

I laughed while I tighten my embrace. Inangat niya ako sa lupa habang niyayakap. Nung ibaba niya ako ay siniil niya na ako ng halik.

Habol namin ang hininga ng maghiwalay.

"Ako ang dapat mong pakasalan... hindi si Colleen!" Namamaos na sabi ko. Nakangisi lang siya.

UNO - Una Kang Naging Akin (Short Story- Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon