Chapter 02 Must be

16 3 0
                                    

Chapter 02 Must be

Samantha's pov

Liningon ko si lolo Augusto nang tinawag niya ang pangalan ko.

"What do you think, Alexis? Kung malaki ang ipagawa na bahay. Maraming kuwarto para sa mga magiging anak ninyo? "

Liningon ko si Gian na tahimik na kumakain habang nag uusap ang papa at lolo't lola niya. Binalingan ko sila ng tingin. "Ayoko ho ng masyadong malaki. Baka hindi na kami magkakitaan," biro ko at ngumiti.

"Baka naman magmukha kayong sardinas sa sikip ha. Ayokong naiipit ang mga apo ko," tumatawang sabi ni papa na siyang ama ni Gian.

"Wala pa ngang anak, e," mahinang sabi ng bunsong kapatid ni Gian na si Claire.

Agad siyang tinabunan ng tingin ng isa pang kapatid ni Gian na si Ethan at nagbigay ng warning glare. Mukhang hindi nakalagpas sa tainga ng matatanda ang sinabi ni Clare at muli akong binalingan ng tingin nila Lolo.

"Alexis, kailan mo ba balak bigyan ng anak itong si Gian? Baka wala na kaming maabutan na apo sa tuhod, a." Magkahalong biro at pag aalala sa boses at tono ng matanda.

Muli kong naibalik ang mga mata ko kay Gian. Mahigpit ang kapit niya sa mga kubyertos. Ngumiti ako sa matatanda.

"In time po. Sa ngayon po kasi mas gusto namin ni Gian na mag spend ng time sa isa't isa para mas magkakilala pa. Masyado rin naman pong napaaga o biglaan ang kasal namin," pagdadahilan ko.

Magkahalong totoo at hindi. Naging biglaan lang naman talaga ang kasal namin ni Gian. Alam lang namin ang isat isa pero hindi kami personal na magkakilala. Nagkakilala lang kami ng husto nang isang beses ay dumalo ako sa birthday party ng ama niya. Matapos nang ilang buwan ay sinabi sa akin ng lolo at lola ko na ikakasal ako sa isang Adams. Doon ko lang nalaman na nakipag -pustahan si Gian sa lolo ko na pagnagawa niyang maging presintende ng kumpanya within 7 months ay ipapakasal ako sa kanya. Pumayag ang lolo ko dahil sa hindi niya akalain na magagawa niya lalo na't hindi inakala ni lolo na totoohanin iyon ni Gian. Akala ni Lolo ay para sa negosyo ang pagpupursige nito pero nang nagawa nga ni Gian ay hiningi niya ang kamay ko kay lolo.

Muli kong sinulyapan si Gian. Pero hindi pa iyon ang dahilan kung bakit dalawang taon na kami ni Gian pero hindi pa kami bumubuo ng pamilya. Iyong unang taon namin ni Gian ay hinayaan lang namin kahit na hindi pa ako nabubuntis. Pero nang nagtagal ay nagduda na si Gian. Nagpatingin kami sa doctor at doon lang nakumpirma na 10% lang ang pag asa na magkaanak si Gian. Ako na ang nagdesisiyon na 'wag nang sabihin sa pamilya niya dahil ayokong madisappoint silang lahat kay Gian. Nanghihinayang lang ako dahil alam kong anak lang ang makakapagpasaya sa akin sa loob ng kasalan na ito. Pero malabong mangyari iyon. Hindi ko pupwedeng pagkatiwalaan ang 10% na sinabi ng doctor.

"Baka naman building lang ang kayang gawan ng disenyo ng architect niyo," pag iiba ng usapan ni Gian.

"C'mon, Gian, I know this man. My boy can design anything. Trust me," pagmamalaki ni Lolo Augusto sa sinasabing arkitekto.
"Architect Salazar is already 7 years in that service. Pitong taon ko na rin siyang pinagkakatiwalaan. Meron din akong mga kakilala na nagpapagawa sa kanya. Pang pamilya man o pang apartments o di kaya'y villa. Any kind of houses. I'm sure magugustuhan ninyo rin ang ediya niya."

Uminom nalang ako sa aking baso para maiwasan ang panunuyo ng lalamunan ko. Hangang ngayon ay lumalakas pa rin ang pindig ng puso ko sa kaba pagnaririnig ko ang pagtawag niya sa na sabing arkitekto ng Salazar. Nando'n pa rin ang takot na makita ko ang isa sa mga tao sa nakaraan ko. Marami na akong nakilala na Salazar. Kahit sa Spain ay may nakilala din akong Salazar. Pero lahat sila ay hindi si Michael Salazar. Sa loob ko ay nalulungkot ako dahil sa gustong gusto kong malaman kung kumusta na siya. Pero kasabay no'n ay nagpapasalamat ako na hindi ko na siya muling nakita. Kahit gaano ko siya kagustong makita ulit ay hindi pa ako handa sa mga sasabihin niya at kung papaano ipapaliwanag ang lahat nang nangyari sa akin, bago at pagpatapos niya akong iwan.

I Love You Before It DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon