Chapter 09 Moon

6 1 0
                                    

Chapter 09

      Moon

Samantha's pov

Pagkagising ko ay wala pa rin si Gian.  Sinabi nila Claire na umalis daw si Gian nang gabing iyon. Humingi ako ng despensa sa nangyari ngunit isinantabi nalang nila iyon. Hindi naman daw sila galit. Hindi lang maiwasan na madisappoint sa ginawa ni Gian na iskandalo. Sinabi din nila na alam din nila na hindi lasing si Gian at pinagtatakpan ko lang.

             " seloso " tanging sinabi ni Ethan na sinamahan ng tawa. Hindi daw magawang magalit ni Ethan kung ang pagiiskandalo lang ng kapatid niya ang paguusapan. Ilan beses na rin daw kasi silang nagaway dahil malaki ang pagkakalayo nilang dalawa kaya hindi maiwasan ang magtalo. Sanay na sanay na siya sa egos ni Gian at siguradong gano'n din si Gian kaya naging madali sa kay Gian ang iskandaluhin siya.

Pinalipas ko ang mga oras sa pagiisip. Oo nga't hindi ko mahal si Gian pero asawa ko pa rin siya at nag aalala ako para sa kaniya. Hindi siya tumawag. Hindi rin siya umuwi nang umaga. Gusto kong magisip ngunit walang pumapasok na kahit ano sa utak ko. Lumabas ako ng mansion at pinuntahan ang mga kaibigan ko. Sa ngayon ay kailangan ko ng taong mapagsasabihan ko ng totoo at hindi ko kailangan magtago. Sinabi ko kina Lorraine at Alejandra ang nangyari.

              " he hurt you? " hindi makapaniwalang sinabi ni Alejandra.  Napasapo siya sa noo niya. hindi ako nag salita " my god, Samantha!  You're not deserve of this! "  she cried.  She look so obsessed. Hindi ko mapigilan na mapaiyak sa reaksyon ng kaibigan ko. Simula nang nakilala ko sila ni Lorraine ay may unang umiiyak para sa'kin sa tuwing nakakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko.  Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. Tinitigan ko iyon.

Umiling siya " I'll never tired to tell you this 'you're not deserve that kind of treatment " yinakap niya ako. Gusto kong tumawa sa inaakto niya ngayon. Hindi ko alam kung sa yakap niya ay inaalo niya ako o siya ang naghahanap ng comforting. Ako ang muntik ng magahasa by my own husband at nandito ako para may mapagsabihan. Bakit siya ang umiiyak?

Naramdaman ko na yinakap din ako ni Lorraine sa likod " isa pang gawin niya sa'yo iyon, mababaog talaga siya " narinig ko ang umiiyak din na boses ni Lorraine.  Humiwalay na sa'kin si Alejandra at pinunasan ang sariling pisngi, " wala na, baog na " tatawa tawa sinabi ni Alejandra.  Tumawa naman si Lorraine habang sumisingot. Hinaplos ko ang ulo ni Lorraine pababa sa pisngi niya. Nakapatong pa rin ang kaniyang baba sa aking balikat.

Paguwi ko ay naabutan ko si Gian na nakaupo sa gilid ng kama. Tinitigan ko lang siya. Ilang minuto bago siya nagsalita.

             " I'm sorry " muli niyang hingi ng tawad.  Tinignan ko muna siya bago magsalita.

" saan ka natulog? " pag balewala ko sa hingi niya ng tawad. Ayoko nang balikan ang nangyari kagabi " sinong kasama? "

             " magisa lang ako kagabi. Wala akong pinuntahan na babae "

Huminga ako nang malalim " hindi iyon ang pinupunto ko " humarap ako sa kaniya. Umupo ako sa kaniyang tabi " walang ibang naganap samin ni Ethan.  Naguusap kami tungkol sa warriors,  'yon lang iyon " umiling siya. Kinuha niya ang aking kamay at pinatong sa kaniyang hita,

       " I'm sorry, cause I'm really insecure. Lagi kong naiisip na maraming lalaki ang mas higit at mas makakabuti sa'yo bilang asawa mo. I can't give you family. Mas lalo akong inatake ng insecurities ko nang makitang si Ethan ang kasama mo. Ethan is member of dance group kaya lagi siyang nagpapacheckup para masiguro ang future niya. Gusto niya naman kasing bumuo ng isang pamilya, kahit na nung isang beses ay naaksidente siya, hindi niya rin nakalimutan tanongin iyon, takot maging baog " marahan siyang tumawa " nakakatawa lang isipin na sa lagi niyang pagaalala tungkol do'n, balewala lang dahil laging lumalabas sa test niya ang positive na magkakapamilya siya. Sabi nga ng doctor once 'asawa nalang ang kulang sa kaniya at ang mismong problema niya. Overreacting na daw si Ethan minsan " pinisil niya ang palad ko at dinungaw iyon. Nanatili akong tahimik, hindi alam ang tamang salitang sasabihin. " but then, kahit anong takot ko, kahit wala akong tiwala sa sarili ko na makakayanan mo akong pagtiyagaan " tumango si Gian accepting all his fault " my brother's right,  I should trust you "

I Love You Before It DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon