Chapter 03 Walang kawala

13 3 0
                                    


Chapter 03

walang kawala

Samantha's pov

       "Hindi ko akalain na siya ang pinaka pinagkakatiwalaan ni Lqolo. E, mukhang hindi makakapagtrabaho nang maayos. I can't believe it." sabi ni Gian na natatawa.

Umirap ako habang sinasabit ang pamatong niyang long sleeves na hinagis niya lang sa kama.

Kakauwi lang namin galing sa opisina at meeting kay Mak. Hanggang ngayon ay hindi siya maka get over sa halos palpak na meeting sa amin nito. Halos tulala kasi siya kanina. Wari ko'y hindi siya makapagtrabaho nang ayos dahil sa gulat sa pangyayari. Kahit ako ay hindi siya maharap kanina sa mesa. Panay ang titig niya sa akin kanina na hindi lalagpas sa limang segundo. Pero ang mga sandaling paninitig niya ay halos tumagos sa buto ko pero tila ba may naiwan pa sa dibdib ko na hanggang ngayon ay nandito pa rin kahit wala na siya sa harap ko. Hindi ko maalis sa isipan ko ang nangungusap niyang mga mata. Ang lakas ng pindig ng puso ko. Hindi ko kilala ang ganitong pakiramdam. Halos nakalimutan ko na. Masiyadong matagal ang mga panahon na lumipas simula nang huli kaming nagkita. Hindi ko na maalala ang pakiramdam at naging pamilyar nalang.

      "Hey. What's wrong?" may pag aalalang tanong ni Gian. "Nakatulala ka, e."

Umiling ako bilang sagot. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na kilala ko si Mak. Siguradong susunod niyang malalaman ang tungkol  sa pagka tao ko. Liningon ko si Gian " bakit kailangan si Ma-Michael Salazar ang architect natin? Hindi ba mabubuo ang bahay natin kung hindi siya ang gagawa non? " sabi ko at naupo sa kama. Kahit gustohin kong mas makita pa ang buhay ngayon ni Mak. Alam kong kailangan kong gumawa ng paraan para mailayo siya sakin. Pumikit ako ng mariin sa sakit na dumaan sa dibdib ko. Hindi maaring mapalapit ulit ako sa kaniya. Iba na ngayon. Hindi katulad ng dati. Marami ng nabago't nangyari. Hindi maganda kung maglalapit ulit ang mundo namin dalawa.

Umupo siya sa tabi ko at inalis ang buhok na naka takip sa leeg at balikat ko " why, babe? Did he something rude to you? "  sabi niya habang patulog pinauulanan ng halik ang leeg at balikat ko. Ang isa niya naman kamay ay nasa loob ng damit ko.

Umiling ako " no... wala siyang ginawa sakin..."

" then... why? " sabi niya habang pinag papatuloy ang ginagawa niya. Sa loob ng dalawang taon namin ni Gian na pagkasama. Sa bawat haplos niya nakakapagpaalala sakin ng madilim kong nakaraan. Naalala ko ang nangyari sakin ng gabi na iyon.

Matapos kong umalis sa fast food chain na pinag tatrabahuhan ko. Nag desisyon akong dumiretso sa nasabing restobar na sinasabi ni mang Sifan. Dumiretso muna ako sa locker room para kunin ang mga gamit ko.

       " Samantha,  sigurado ka na ba diyan? " liningon ko si Mak na nakatayo sa may gilid ko. Hindi pa niya out kaya suot pa niya ang kaniyang uniporme.

     " Macky, matapos kong mag resign dito, inisip mo ba na uurong pa ako? " sabi ko na pasaglit saglit ang tingin sa kaniya. Ang sabi ng kaibigan ng tatay ko na si mang Sifan, e ligtas at maganda daw ang sahod don. Mas makakatulong sa pamilya at pag aaral ko.  Susugal na ako. Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko. Sa ngayon ay ang kailangan ko 'maka ipon ng pera.

Kumamot siya sa may kilay niya. Naka sandal ang balikat niya sa locker. Ngumuso siya sakin na parang bata. Mukhang hindi niya alam kung pano sasabihin ang nasa isip niya. natawa nalang ako sa itsura niya. Hindi ko alam kung bakit umaasta na naman siyang bata. 

Humalukipkip ako at lumapit sa kaniya ng kaunti. " sige na Michael Salazar, ano pong nasa isip nyo? "Magalang ang tono ko. Asar na sumimangot siya. Hindi parin siya nag salita at tanging mata niya lang ang nangungusap.

I Love You Before It DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon