Chapter 01 I'm sure
Michael Salazar
"Hey, Mak? Wake up! Male-late ka na sa trabaho mo," yugyog sa akin ng isang boses babae na hindi ko alam kung bakit nandito. Natulog ako nang wala siya at huli namin pagkikita ay iyong hinatid ko siya sa bahay niya, at huli namin pag-uusap ay sa text, nang matutulog na ako.
"Michael! Ano ba!" may diin sa pagtawag niya sa akin at mukhang nakukunsumi na dahil hindi ko siya pinapansin. Basta ko na lang siyang hinila pahiga sa tabi ko na nakapagpatili sa kanya. Sinubsob ko ang mukha ko sa may balikat niya. Naramdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa pisngi ko at banayag na ang boses niya.
"Mak, kahit na gusto kong hayaan na matulog ka at magpahinga, kailangan mo na talagang bumangon at male-late ka na."
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ang magandang mukha ng girlfriend ko na may maliit na ngiti habang pinapanood ako. Dalawang taon ko nang girlfriend si Hannah. Hindi ko nga inaasahan ang pagdating niya sa buhay ko, e. Sobrang weird lang ng panahon na iyon at bigla na lang niya akong hinalikan sa harap ng maraming tao at ipinakilala ako bilang boyfriend niya, samantalang hindi ko naman siya kilala. And the rest is a history.
Magaan ko syang hinalikan sa labi. "Good morning," bati ko sa kanya at muli siyang hinalikan sa pisngi, at sa labi ulit. Lalayo na sana ako nang ikinawit niya ang dalawang braso niya sa batok ko. Pinalalim niya ang magaang halik ko sa kanya. Kagigising ko lang pero kahit kailan ay hindi siya nandiri sa panis na laway ko. Sa loob ng dalawang taon na relasyon namin ni Hannah ay naging masaya at kuntento ako. Kahit na wala akong kasamang magulang ay hindi ako nag-isa. Simula nang dumating siya sa buhay ko, I got my nonsense advicer but still, very helpful by her presence.
Humiwalay siya sa akin at pinisil ang ilong ko habang maiksi pa rin ang distansya ng mga labi namin. Ngumiti ako sa kanya at sumubsob sa balikat nya. Gusto ko pang matulog dahil halos ilang araw na akong walang tulog dahil tinatapos ko ang project na ibinigay sa akin ng boss ko.
"Architect Salazar, may meeting ka kay Mr. Adams. You have to fix yourself. Don't disappoint them. I know you don't want that." Bahagya niya akong tinulak palayo sa kaniya kaya pinakawalan ko na lang siya. Tumayo siya at inayos ng kaunti ang higaan ko pero hanggang ngayon ay nakasalampak pa rin ako sa kama. Umupo ako at kinusot ang mata ko. Tama si Hannah. Hindi ko gustong ma-disappoint ang pamilya ng Adams. Matagal ko nang kilala ang magiging kliyente ko ngayon, at matagal na rin na ako ang pinagkakatiwalaan nila pagdating sa mga bahay o karagdagang building na ipinapagawa nila para sa negosyo nila.
Nakatayo sa harap ko si Hannah at pinapanood ako. "Bakit mo ba kasi tinanggap ang project na iyan? Ang dami mo pa kayang project? Your schedule is already full. May kinansela ka pa para sa kanila."
"Hannah, una ulit akong naalalang pagkatiwalaan ni Don Augusto para sa proyektong ito para sa pamilya nya. Hindi ko naman matatanggihan iyon. I've been doing this for seven years."
Simula nang nagtapos ako ng arkitekto ay ako na ang inaasahan ng pamilyang Adams. Si Don Augusto ay ama-amahan ng tatay ko noong nabubuhay pa sya. Hindi man ako legal na anak ng papa ko ay pinahalagahan ako ng ama-amahan niyang si Don Augusto. Napahinga na lang ako ng malalim at winala ang usapan para gumaan naman ang pag-uusap namin ni Hannah. "Paano ka nga pala nakapasok dito sa bahay?" tanong ko at tumayo na para pumasok sa banyo at makapaligo.
"Naiwan mo ang susi mo sa condo ko. Sabi ko sa 'yo pagsama-samahin mo lahat ng mga susi mo para hindi mo naiiwan sa kung saan-saan," sagot niya na may kasamang sermon.
Dinig ko naman ang mga iyon kahit na naka bukas na ang shower. Saka ko lang naalala na oo nga't nakapasok lang ako kagabi sa bahay dahil sa duplicate na nasa loob ng paso na may halaman at lupa. Nasa gilid lang iyon ng gate at malapit lang kaya maaabot iyon mula sa labas kung ipapasok mo ang kamay mo. Akala ko ay naiwan ko iyon sa opisina ko dahil sa nilalaro ko iyon doon. Ngayon ko lang naalala na nilaro ko ulit iyon sa condo ni Hannah. Bad habit.
BINABASA MO ANG
I Love You Before It Dies
RomanceBata pa lang si Mak at si Samantha ay may gusto na sila sa isa't isa. Naging matalik silang magkaibigan at nauwi iyon sa pagmamahalan. Sabay silang nangarap at nagmahal... Ngunit dahil sa ilang pangyayari ay nagkalayo sila at hindi na muling nagki...