Chapter 04 Mali

13 3 0
                                    

Chapter 04

Mali

Samantha's pov

Pilit kong iniiwas ang tingin ko kay Mak hanggang makalapit kami sa kaniya. Pakiramdam ko nahirapan akong ubusin ang baitang ng hagdan. Lutang na lutang ang pakiramdam ko hindi pa kami nakakalapit kay Mak. Lalo na nang nasa harap na niya kami.

          " Nice to see you again, Michael " pormal na wika ni Gian habang linalahad ang kaniyang palad sa gitna nilang dalawa. Agad naman iyon tinanggap ni Mak.

      " come on, Gian. Mak is okay " may pekeng ngiti sa mukha ni Mak habang tinatanggap ang kamay ni Gian. Matigas din ang engles niya. Hindi ko lang alam kung ako lang ang nakakakita ng pagiging peke non.

Napalunok ako nang laway nang ibinaling niya ang tingin sa'kin. Naramdaman ko ang iilang mga mata na nanunuod sa'min. Nakaramdam ako ng kaba. Pilit kong tinago ang kaba ko at nguniti sa kaniya. Natatakot akong maka kutob sila na may namamagitan sa'min dalawa ni Mak.

        " Good day, architect Salazar " ilinahad ko ang palad ko at binigyan siya ng simpleng ngiti.

Nanliit nang kaunti ang mga mata niya at tinabingi ang ulo. Babawiin ko na sana ang kamay ko kung hindi pa niya ito tinaggap.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang pasimple niyang pinisil ang palad ko. Halos mapapikit ako sa dintig ng puso ko. Oh my god! God knows how much i miss his  comforting hands. How much I miss this man.

Sa dulo ng isip ko ay nakita ko si Gian. Natauhan ako bigla. - Binawi ko ang kamay ko at humalukipkip. Liningon ko si Gian na kausap na ngayon ang kapatid na si Ethan. Napahinga nalang ako ng malalim umaasa na mapapakalma ko ang sarili kong puso na walang sawa sa pag tibok. Pinakinggan ko lang iyon na parang isang musika. Hindi ko akalain na ganito parin ang magiging epekto sa'kin ni Mak matapos nang napaka habang panahon na hindi ko siya nakikita.

Wala ako sa sarili hanggang makaupo kami sa sofa. Halos wala akong maitindihan sa pinaguusapan nila sa harap ko. Ang iba ay tungkol sa kararanasan sa trabaho at ang iba ay tungkol sa negosyo. Nalaglag ang panga ko nang malaman na may negosyo na si Mak. Hindi ito nabanggit nila Alejandra sa'kin. Matapos palang magaral ni Mak ng arkitekto ay magtrabaho siya. Madali siyang nakakuha ng magagandang offer dahil sa maganda niyang background sa pagaaral. Matapos nang isang taon ay inaral niya ang pagiging engineering. Madali niyang natapos ang pagaaral sa pagiging civil engineer dahil sa taglay niyang talino. Nag tatrabaho din siya paminsan minsan bilang modelo pero hindi ito naging regular dahil sa iba ang pinag tuunan ng atensyon ni Mak. Hindi naman talaga naka bilang ang pagiging modelo sa plano ni Mak. Napilitan lang siya dahil sa kay Ethan na nag mamanage ng iba't ibang talent. Pati ang isa sa kaibigan niya na may pubikasyon ng mga magazine at siya ang kinukulit hanggang sa mapapirma siya ng kontrata. Sa tuwing pasimpleng sinasabi ni Mak na napipilitan lang siya. Humahalakhak lang si Ethan na hindi mababakasan ng konsensiya at sasabihin na marami silang kinikita dahil sa kay Mak.

Namamangha akong nakikinig sa kuwento ni lolo Augusto na siyang nag kikuwento tungkol sa success ng isang Michael Salazar. Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi ang lahat ng ito sa'kin. Hula ko ay maging siya ay pansin na hindi ako kumbinsido na siya ang magtatayo ng amin bahay.

Kung puwede ko lang sabihin sa kaniya ang totoo kong dahilan.

        " papaano napag sabay sabay iyon? " hindi ko makapaniwalang sambit. Oo nga't alam ko kung gaano ka porsigido si Mak pero hindi ko akalain na kaya niyang ilipad ang sarili malayo sa buhay niya noon. Napasimangot ako. Minsan talaga ay hindi patas ang mundo. Nang umalis siya ay nagawa pa niyang pagandahin ang buhay niya at heto nga siya ngayon. Maasenso at successful.  Kung anong ikinapait ng mundo sa'kin ay iyon ang ikinabait ng tadhana sa kaniya.

I Love You Before It DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon