Prologue
"Macky!" narinig kong may sumigaw ng pangalan ko.
ibinaba ko ang binabasa kong libro para lingonin ang tumawag sa 'kin. Kung tutuusin hindi ko na kailangan pang lingonin ang tumawag sa akin dahil kilala ko naman ang boses niya."Samantha! saya mo ata ngayon?" salubong na bati ko sa kanya.
"Talaga. May good news ako!" nakangiti niyang sabi.
Ang amo talaga ng mukha niya.
"Hmmm ano 'yon?" Pinag laruan ko ang baba ko gamit ang mga daliri ko.
"Magiging magkatrabaho na tayo!" at may pinakita siya sa akin na papel na nagsisimbolong nagtatrabaho na siya sa fast food chain kung saan ako nagtatrabaho.
"Ah congratulation! ang galing mo!" nakangiti kong bati.
"Sabi ko sa 'yo kaya kong pumasok diyan, e," nakangiti niyang pagmamalalaki.
Napaka inosente ng muhka niya, may kasingkitan ang mga mata na parang laging nakangiti at may kapulahan din ang kaniyang pisngi at mga labi. Dalagang dalaga na rin ang pangangatawan nito. napakaganda ng kaibigan ko.
Kaibigan ko si Samantha simula pagkabata. Halos sabay na kaming pinanganak dito sa lugar na ito.
Kasama ko din siya palagi sa ginagawa kong diskarte para kumita.
Labing limang taon na kami pareho.
"Naisip ko lang Macky... wag nalang kaya akong mag aral, para wala ng masiyadong gastos, para nalang kay Millie at Papa ang kinikita ko," ediya niya. Alam kong pangarap niyang magtapos ng pag aaral kahit sinasabi niya 'yan ngayon.
"Hindi puwede Sam, pagnaka pagtapos ka mas maibibigay mo ang kailangan nila," pagkontra ko sa ediya niya.
Siguro isang dahilan kung bakit kami magkasundo. dahil pareho kami ng sitwasyon.
May sakit ang kapatid ko, kailangan ko siyang ipagamot kaya ako ang nagtatrabaho. Wala ng ibang nagtatrabaho para sa kapatid kong si Bella, tanging ako nalang ang inaasahan namin. May sakit din ang kapatid at tatay ni Samantha, ang nanay niya naman ay pumunta sa ibang bansa para magtrahaho ang kaso, hindi na ito bumalik at nag asawa na ng Amerikano.
Ang tatay ko? Hindi ko din alam, nanay ko naman, hindi na nagtatrabaho, halos mabaliw siya nang iniwan kami ni papa para sa totoo niyang asawa.
"E..." tanging sagot niya na halatang nawawalan na ng kompyansa.
Nilagay ko ang libro ko sa tabi at lumapit sa kanya
Hinawakan ko ang dalawang kamay niya na naka patong lang sa lap niya. Tinitigan ko muna ang pagod niyang mga kamay bago magsalita. Gusto ko man siyang hayaan pero sa ganitong panahon na down na siya ay hindi niya kailangan ng kahit ano, ang kailangan niya ay ang tutulong sa kanya para bumangon ulit. Sa mga ganoong pagkakataon ay ako ang cheerleader niya.
"Hindi ka puwedeng humito, sabay tayong magtatapos at tatanggapin ang diploma natin di ba? tapos, sabay tayong maghahanap ng doctor, ako para sa kapatid ko at ikaw, para sa tatay at kapatid mo. Tapos gagawin natin ang pangarap natin, tapos magtatrabaho tayo, ikaw ang engineer at ako ang architect." Ngumiti ako sa kanya. Isinabit ko ang ilang hibla ng buhok niya sa likod ng tainga nya magaan kong hinaplos ang pisngi niya gamit ang hinlalaki ko at ang isa ko naman kamay ay hindi pa rin binibitawan ang isa niyang kamay.
Tumango siya ng may ngiti. "Promise, di ako hihinto," at isinandal niya ang ulo sa dibdib ko.
Sabay na kaming nag aral para sa activity namin para bukas.
{After 2 years}
"Macky! kailangan ko ng mas malaking pera..." sabi niya habang binibilang ang perang sinahod niya para sa isang buwan.
BINABASA MO ANG
I Love You Before It Dies
RomansBata pa lang si Mak at si Samantha ay may gusto na sila sa isa't isa. Naging matalik silang magkaibigan at nauwi iyon sa pagmamahalan. Sabay silang nangarap at nagmahal... Ngunit dahil sa ilang pangyayari ay nagkalayo sila at hindi na muling nagki...