Chapter 08
Alexis Cruz
Pinilit kong itinatak sa isip ko ang sinabi ni Mak. Pinilit kong ipag patuloy ang buhay ko para sa pamilya ko. Bumalik ako sa kwarto habang walang tigil sa pag tulo ang luha ko. Pagka alis nila Mak ay naiwanan ako sa mismong lugar kung saan niya ako iniwan. Ilang minuto ako nando'n habang umiiyak at yakap ang sarili kong tuhod.
Sa huli ay ako lang din ang yumakap sa sarili ko. Sa huli ay ako lang ang nakarinig ng bawat iyak ko. Sa huli ay ako lang din ang nagpupunas ng luha ko. At sa huli ay magisa lang ako. Masakit ang ktotohanan na'yon subalit alam kong tama si Mak. Kailangan kong mabuhay para sa pamilya ko. Kailangan kong kayanin ang lahat nang ito.
Naghanda ako para sa pag pasok sa trabaho sa school.bilang janitres. Nagluto ako ng pagkain nila papa at umalis na. Hindi sila nag tanong kung bakit ako umiiyak at hindi rin sila nag sasalita. Gusto man nilang mag tanong ay mas minabuti nalang nilang manahimik at nagpapasalamat ako do'n. Mas mabuti na rin na ang alam nila na ang pagalis lang ni Mak ang iniiyak ko.
Agad akong nag linis pagdating ko sa iskwelahan. Pigil din ang mga luha ko at nagpapasalamat ako dahil nakisama ngayon ang mga luhang gustong kumawala. Hihinto ako sa pagaaral at mag iipon ako. Ipapakulong ko ang hayop na gumawa sa'kin nito. Ipapakulong ko siya. Pinatatag ko ang sarili ko sa pamamagitan ng mga salitang babawi ako. Hindi ko hahayaan na nakakalaya ang gumawa sa'kin nito. Hindi ako puwedeng sumuko ngayon. Alam kong kailangan ako ng pamilya ko. Sa ngayon ay sila nalang ang dahilan at lumalaban ako ngayon.
" hey, slut " na rinig kong sabi ng isang babae. Hindi ako nag angat ng tingin ko at pinagpatuloy ang pag momop ng sahig. Sa dami ng tao dito ay nasanay na akong ignorahin silang lahat.
" hey! " sigaw ng babae at tinulak ako sa balikat.
Napaangat ang tingin ko sa babaeng nanulak sa'kin. Nanglalaki ang mga mata ko sa gulat. Hindi ko kilala ang babae ngunit nakikita ko siya sa iskwelahan. Naramdaman ko ang ilang mga mata ng esdusyante na nasa iskwelahan ngayon para dumalo sa summer class ang nanonood sa'min ngayon habang ang iba ay patuloy sa ginagawa nila.
" you look so innocent, bitch! " sigaw niya sa'kin at tinulak ako pasampal. Napakapit ako sa pader kaya hindi ako natumba.
" ma'am, hindi ko po ala-" agad niya akong pinutol at hinila ang buhok ko. Napasigaw ako sa sakit.
" lier! Gold tigger! Bakit ka kumapit sa daddy ko? Huh! Dahil sa pera? Huh! Mukhang pera ka! "
Pilit kong inaalis ang kamay niya sa buhok ko. Kumawala na rin ito sa pagkakatali nito. " hindi ko alam ang sinasabi mo! Ano ba! "
" nag mamaang maangan ka pa! Hayop ka! Malandi ka! Sa dinami dami ng lalaki, bakit ang daddy ko pa! "
" Hannah, tama na! Baka mapatawag nanaman si tito Francisco dito! " awat ng isa niyang kaibigan na babae.
Tinulak niya ako. Napaupo ako sa sahig. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa pangalan na nabanggit. Napalunok ako, Sa posibilitad na iyon ngang hayop na iyon ang tinutukoy ng babae.
" look that face! I knew it! Ikaw ang ahas na babae ng daddy ko! ikaw ang walang hiya na gumagabang sa daddy ko gabi gabi! Walangya kang malandi ka! "
Muli niya akong sinugot sa sahig at pinag sasampal. Napahiga nalang ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang sakit na ginawa sa'kin ni Francisco Hansen. Pilit kong sinalo ang mga sampal niya gamit ang kamay at braso ko.
" tama na! " sigaw ko sa kaniya ng buong lakas ko siyang inalis sa pagkakaibabaw sa'kin. Hinila na rin siya ng ilang edusyante " wala akong linalandi. Hindi ako ang ahas na sinasabi mo " dinig ko ang panginginig ng boses ko. Pinigilan kong mapaiyak kahit na sobrang sakit ng damdamin ko kasabay ng katawan ko. Nalasahan ko rin ang dugo sa labi ko. Kumikirot rin ito.
BINABASA MO ANG
I Love You Before It Dies
RomanceBata pa lang si Mak at si Samantha ay may gusto na sila sa isa't isa. Naging matalik silang magkaibigan at nauwi iyon sa pagmamahalan. Sabay silang nangarap at nagmahal... Ngunit dahil sa ilang pangyayari ay nagkalayo sila at hindi na muling nagki...