Chapter 06 Watch
Samantha's pov
Hindi ako halos nakatulog nang gabing iyon. Hindi mawala wala sa isipan ko ang nangyari. Hindi ko alam kung paano ko aalisin sa utak ko lahat ng sinabi ni Mak. Paulit ulit iyon bumabalik sa isipan ko kahit na maka isip ako ng ibang bagay ay babalik lang din agad. Halos marinig ko ang boses ni Mak sa isip ko. Mas malinaw, mas klaro. Nakikita ko rin ang imahe ni Mak at nandoon parin ang sakit sa mga mata niya na sinamahan ng galit na nararamdaman niya. Paulit ulit ko lang din nararamdaman ang sakit na sa puso ko. Gusto kong hanapin siya at sumuko na sa sarili kong nararamdaman. Mahal ko si Mak Oo pero alam kong hindi iyon maari kaya patuloy kong linalabanan ang sarili ko. Sana lang ay kayang mskinig ng puso ko sa isipan ko. Hindi ko na alam kung anong oras at kung papaano ako naka tulog. Hindi ko na namalayan na umaga na.
Lumipas ang ilang araw na hindi ko na halos mabilang at 'yon at 'yon lang ang nasa isip ko. Kahit anong pilit ko sa sarili ko na alisin siya sa isip ko ay hindi ko parin magawa. Hanggang ngayon ay naka kulong parin ako sa maiksing eksena na iyon kasama ang mga memorya sa isip ko na hindi rin mawala wala.
Sa loob nang ilang linggo ay ilan beses na kaming nagkita at katulad nang nauna ay kasama namin si Gian. Hindi niya na ako sinubukan kausapin at sobrang pormal ang pamamaraan niya nang pagsasalita. Nakikinig siya sa gusto ni Gian na mangyari sa'min tahanan. Hindi na rin sinusubukan ni Mak na kunin ang opinyon ko at hinahayaan niya lang si Gian. Ang pamamaraan ni Mak nang pag sasalita at pag tingin sa'kin ay nakakapanakit sa dibdib ko. Biglang nawala ang Mak na nakikiusap sa'kin na tkla ba'y humihingi ng pangalawang pagkakataon. Ang bawat malamig niyang tingin ay parang isang lason sa puso ko na hindi ko alam kung paano ko kakayanin. Pakiramdan ko ay ano mang oras ay kaya niyang pahintoin ang pag tibok nito.
Sa isip ko ay alam kong tama ang ginawa ko. Mas mabuti na rin ito na hindi ako pinapansin ni Mak at sobrang lamig nang pakikitungo niya sa'kin. Para akong isang istranghero sa mga mata niya. Alam kong kailangan kong magpasalamat dahil sa hindi niya na ako guguluhin sa wakas..
Pero ang maliit na parte ng puso ko ang nangingibabaw.. may maliit na parte sa sa puso ko ang gustong pagsisihan ang ang ginawa ko. Alam kong tama lang at mas makakabuti ang ginagawa ngayon ni Mak ngunit hindi ko parin maitatanggi sa sarili ko na sobra akong nasasaktan sa pakikitungo niya sa'kin.
Gabi gabi, matapos nang pagkikita namin ay gusto kong umiyak ngunit pakiramdam ko ay natuyo na talaga ang luha ko at nagagawa ko itong pigilan lalo na kapag kasama ko si Gian. Nang maka tulog si Gian ay lumapit ako sa bintana at nanood ng mga sumasayaw na mga bituin. Bilog na bilog ang bituin ngayon gabi. Maaliwalas din ang kalangitan at walang nag babadyang ulan. Pumasok nanaman sa isipan ko ang malamig na tingin sa'kin ni Mak kanina nang nagpaalam siya. Parang muling nabaon ang puso ko. Paulit ulit kong nararamdaman ang naramdaman ko noon nang tinalikuran niya ako at pinili na iwanan ako para ipag patuloy ang buhay sa maynila. Gustuhin ko man magalit dahil sa inaakto niya ay hindi ko naman siya masisi. Alam kong kasalanan ko rin naman ang lahat. Choice ko na palayuin siya at isekreto ang lahat kaysa sabihin ang totoong nangyari. Ngunit kung tama ang lahat nang ito, bakit ako nasasaktan ngayon? Bakit hindi ko makuhang maging masaya? For once, I let my tears fell down to my cheeks.
Kung sana ay maaari ko pang baguhin ang lahat. Kung sana ay kaya kong bumalik sa umpisa. Siguro hindi nangyari ang mga nangyari at hindi ganto ang nararamdaman ko ngayon. Siguro ay masaya ako katulad ni Mak. Pinunasan ko ang pisngi ko gamit ang likod ng aking palad. Alam kung huli na ang lahat at wala na akong magagawa. Nangyari ang mga nangyari at wala na akong magagawa kundi ang umasa na mawawala ang lahat nang ito. Masakt na tanggapin pero wala akong ibang pagpipiliian. Liningon ko si Gian na mahimbing na natutulog sa kama. May asawa akong tao at kung magpapatuloy ang nararamdaman kong to ay masasaktan ko si Gian. Oo nga't hindi ko siya mahal pero mahal niya ako at naging mabuti siya sa'kin at hindi niya ako sinasaktan. Ayokong saktan si Gian sa dahilan na hindi ko siya kayang mahalin.
BINABASA MO ANG
I Love You Before It Dies
RomanceBata pa lang si Mak at si Samantha ay may gusto na sila sa isa't isa. Naging matalik silang magkaibigan at nauwi iyon sa pagmamahalan. Sabay silang nangarap at nagmahal... Ngunit dahil sa ilang pangyayari ay nagkalayo sila at hindi na muling nagki...