Chapter 07
Alone
Samantha's pov
" hey? Problems? " biglang sabi ni Ethan nang halos naka tulala ako sa sceen. Hindi ko parin maialis ang mga mata ko sa dalawa. Nasasaktan ako habang pinapanood sila pero hindi ko naman magawang iiwas ang mga mata ko. Talagang nanatili ang mga mata ko sa kanilang dalawa.
Tumango ako " close talaga ang warriors? " pilit akong ngumiti at hindi pinahalata ang sakit sa damdamin ko " may mga magkaka relasyon sa warriors? " pasimpleng tanong ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Sana lang ay hindi niya mahalata.
" well, once, pero saglit lang. Break din agad, then yong dalawa pa, hindi naman naging official, then ay yong isa naman, naging girlfriend ng isa sa warriors yong temporary member namin pero isang beses lang namin siya nakasama at hindi narin siya warriors nang ginirlfriend siya ng leader " mahabang paliwanag ni Ethan.
" bet, may girlfrieind si architect " sabi ko at sumandal sa sofa at sinantabi ang lahat ng sakit sa dibdib ko. ngunit laking gulat ko sa sinagot niya.
Umiling si Ethan " no. Walang girlfriend si Mak sa warriors. Yan " tinuro niya ang babaeng naka yakap kay Mak. Itinago ko ang malaking interes ko sa babae. Kung magkakaaward lang ang pinaka magaling mag tago ng nararamdaman? Siguradong magagawardan ako. Best actress.
" that's his best friend. Akala ko nga magiging sila kaso hindi talaga " kuwento ni Ethan. Tumango tango ako atsaka nag salita.
" best friend? " nahimigan ko ang pait sa sariling boses pero inignora ko iyon " may gusto sa kaniya si Michael? "
Muling umiling si Ethan. Mali nanaman ako ng hula? " well, wala. Ang alam ko, nung panahon na'yan ay in love si Mak sa best friend niya sa tagaytay "
Napatitig ako kay Ethan. Sinusubukan kong basahin kung seryoso ba siya o hindi at nakita ko na walang halong biro ang sinabi niya. So alam ni Ethan ang tungkol sa'kin? Naririnig kaya niya ang pangalan ko? Gusto ko man mag tanong tungkol do'n ay hindi ko na ginawa. he went on.
" and you know? Halos lahat ng kailabigan o nakakakilala sa kanilang dalawa, tinatanong kung wala ba silang gusto sa isa't isa. Nagka boyfriend nga 'yong babae, laging reaksyon 'akala ko si Mak' " kuwento niya kasabay nang mahinang tawa..
Natawa nalang ako sa sinabi ni Ethan. Nakaramdam lang ako ng kaonting pait. Akala ko, kaya niya ako pinipilit mag salita ay dahil sa namiss niya ako. Nakahanap na pala siya ng bago.
" why so romantic? "
Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko sa biglang pag sulpot ni Gian. Blangko ang ekspresyon niya habang naka tingin sa'min. Nakaramdam ako ng kaba. Kumalabog ang dibdib ko. Heto nanaman kami. Mukhang pagtatalunan nanaman namin ang maliit na pag seselos niya.
Kalmadong nag salita si Ethan at nignora ang lamig sa boses ng kapatid " I'm sorry. Nagising ka ba namin? " sandaling sinulyapan siya ni Gian at imbes na sumagot at lumapit siya sa'min at hinablot ang braso ko. Napaigik ako sa sakit. Hinila niya ako sa hagdan paakyat. Pumiglas ako sa kaniya pero hindi ako makawala. Masiyadong mahikpit ang kapit niya.
" ano ba, Gian nasasaktan ako! " pabulong kong sinabi ngunit alam kong maririnig niya. Gustong gusto ko siyang sigawwan pero siguradong magigising sila lolo at papa. At 'yon ang ayokong mangyari. Hating gabi at malalim pa ang gabi kaya ayokong maistorbo sila sa pagtulog. Now, I promise to myself na kukumbinsihin ko si Gian na kumuha muna ng apartment habang ginagawa pa ang bahay namin.
BINABASA MO ANG
I Love You Before It Dies
Lãng mạnBata pa lang si Mak at si Samantha ay may gusto na sila sa isa't isa. Naging matalik silang magkaibigan at nauwi iyon sa pagmamahalan. Sabay silang nangarap at nagmahal... Ngunit dahil sa ilang pangyayari ay nagkalayo sila at hindi na muling nagki...