Chapter 05 She's dead

9 4 0
                                    

  Chapter 05

  She's dead

Samantha's pov

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ko para magawa kong kumawala sa kaniya. Binalewa ko ang pagka gulat niya sa mga sinabi ko.

           " wala na siya, Mak " ulit ko. Kinagat ko ang labi ko dahil sa paninikip ng dibdib ko.

Umiling iling siya at ngumiti ng walang kalaman laman. Basa ang galit sa mga mata niya. Nag aalab ito. Napalunok ako dahil sa sakit na hindi niya itinago sa'kin.

            " hindi totoo 'yan. Hindi ko alam kung bakit mo sinasabi sa'kin lahat ng 'yan. Alam kong hindi totoo 'yan " iiling iling niyang sinabi.

Ngumiti ako ng mapait sa kaniya " kaya mo ba ibinigay ang design na'yon? Dahil inaasahan mo na magugustuhan ko pa 'yon? " umiling ako. Nangilid ang luha ko pero hindi ko ito pinakawalan. Kahit na gusto kong sabihin sa kaniya na gusto ko parin ang bahay. Hindi pupuwede iyon. Ang gusto ko lang sa ngayon ay ang ipakita na hindi ko na naalala ang pinag samahan namin noon nang sa ganon ay layuan niya na ako at tigilan na ang pag ungkat sacnakaraan. Hindi iyon ikagaganda ng samahan namin ni Gian.

             " yes and i know I'm not wrong.  Nagustuhan mo iyon, Samantha.  Alam ko, hindi ako nagkamali " mariin ang bawat salita niya. Lumunok siya at pinasadahan ng mga daliri ang buhok niya.

Umiling ako muli " Mak, wag mo ng ipilit ang design na'yon. Iyong iyo- kaagad niya akong pinutol. Humarap siya sakin matapos magpakawala ng mahinang mura.

           " I don't care about that design.  Who cares about it? " puno ng galit ang mga mata niya. Napasinghap ako ng walang kahirap hirap niyang inubos ang agwat namin at muli akong sinandal ang likod ko sa pader.

           " Mak, ano ba " sambit ko ng maka bawi ako sa ginawa niya. Lumakas ang tibok ng puso ko. Napapikit ako at lumingon sa kaliwa upang hindi magtama ang mga ilong namin. Nanginginig ang binti ko at hindi ako maka galaw. Pakiramdam ko ay namanhid ang buong katawan ko at hindi ko siya magawang itulak.

            " now, Samantha. Tell me, paano ka naging si Alexis?  Panong nagbago ang pangalan mo? Tell me, Samantha. Tell me " mariin niyang bulong. Ramdam ko ang mabilis niyang hininga sa tainga ko.

Bahagya akong umiling " bitawan mo na ako. Please, Mak " buong lakas kong ginising ang buong katawan ko at sinubukan ko ulit siyang itulak. Ngunit talagang mas malakas siya sakit at ni hindi manlang siya gumalaw.

          " no, Samantha. Tell me how that happened?  Sabihin mo sa'kin, please.. " mariin parin niyang sabi. Ramdam ko ang mabagal niyang paghinga sa tainga ko. Napapikit ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Gusto kong bumigay at isumbong sa kaniya lahat nang nangyari sakin. Nakaramdam ako ng pangungulila sa kaniya.

Nang gabing pinaka madilim ang mundo ko. Si Mak lang ang pumasok sa isip ko na alam kong puwede kong takbuhan. Si Mak lang ang alam kong sasamahan ako at hindi ako iiwan sa oras na kaila'ng kailangan ko siya. Ngunit nabigo ako.

Iniwan niya rin ako sa panahon na iyon. Hindi ako galit sa kaniya sa pag alis niya. Alam kong kailangan niya iyon at naiintindihan ko iyon. Wala siyang ibang pagpipilian kaya kailangan niya akong iwan. At kung meron man, hindi ko gugustuhin na piliin niya ako kaysa sa pamilya niya. Iyon ang hindi ko matatanggap.

Sumusuko na inangat ko ang mga tingin ko sa kaniya. Sinalubong ko ang kaniyang mga mata na may galit ngunit may pagsusumamo.

            " Mak, she's dead. She's already dead! " giit ko na mas lalo niyang ikinagalit. Diniin paniya pa lalo ang kamay ko sa dingding sa likod ko.

I Love You Before It DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon