Chapter 10 seriously!

11 1 0
                                    

Chapter 10

      Seriously!

Samantha's pov

Naging mabait si Gian sa'kin nitong mga nskaraan' araw. Nakakapanibago, parang hindi si Gian ang kasama ko. Naninibago man ako, mas minabuti ko na rin iyon. At least ngayon ay hinahayaan niya akong maging asawa sa kaniya at hindi isang kasiyahan lamang.

Nakaupo lang ako habang pinapanood si Gian na nag susuot ng kaniyang sapatos, " anyway, Alexis, nakahanap na ng magandang lugar si architect, he giving me suggestions and i think he's right.  Check mo kung magugustuhan mo " bigla niyang sabi sa gitna ng katahimikan.

                " Gian,  kumuha muna tayo ng apartment habang hindi pa tapos yong bahay. Matagal tagal  pa iyon " pag uumpisa ko. Hindi ko talaga gusto na nandito kami ni Gian at palamunin ng kanyang magulang. Mababait naman sila ngunit nakakahiya pa rin. What if maulit ang nangyari noon na nag away kami ni Gian?  We really need a private place.

Agad siyang tumutol sa kagustuhan ko dahil sa naging mabait naman sa akin ang pamilya ni Gian from the start. Hindi ko naman tinutulan ang puntong iyon. Naging mabait nga sila sa akin at tinuring akong tunay na kasapi sa pamilya. Hinahayaan din nila akong mag labas pasok sa kanilang mansion ngunit kahit na gano'n, hindi ko pa rin maiwasan mahiya. Malaki na kami at may asawa na. Bakit kailangan pa namin makisilong sa bubong nila? Sinabi ko kay Gian ang tungkol sa kinatatakutan kong mangyari. Ang maulit ang away namin dalawa at mag iskandalo nanaman siya. At least kahit buong mag damag niya akong dakdakan ay wala siyang ibang maiistorbo bukod sa kabit bahay namin. Huminga siya nang malalim.

            " okay, fine. Humanap ka ng komportableng apartment na malapit lang rito. Please ayokong malayo ng lubusan sa papa. Ngayon ko palang kinukuha ulit ang loob niya " pag suko ni Gian.  Gusto ko siyang ikutan ng mata ngunit hindi ko nalang ginawa. Nakakainis yong puntong may asawa na siya pero ang plano niya ay magsunod sunuran pa rin sa kaniyang ama. Hanggang ngayon ay hindi niya magawang bumuo ng buhay na hindi pa nasisimulan ng kaniyang pamilya. Pero ano nga naman magagawa ko? Hindi naman kasi siya makakagawa ng sarili niyang pamlya, paanong hindi iyon ang iintindihin niya?

               " anyway, magayos ka na dahil pupuntahan mo ngayon ang lugar kung saan tayo mag tatayo ng bahay. Please, hurry, malalate ako sa meeting ko kakaintay sa'yo " sabi niya atsaka lumabas ng tahimik sa kwarto.  Huminga nalang ako nang malalim. Hindi ko alam kung tama ba na nag requests ako sa kaniya. Alam ko naman na hindi na kami madadagdagan at mananatiling dalawa kami sa tahanan na iyon. It will be bore for him kaya siguro hindi niya gustong lumayo?

I just want a peacefull life with my family or at least with my husband... ayokong dumipende sa magulang ko or sa magulang niya. Muli akong napabuga ng hangin. Maghihintay nalang siguro akong maisip ni Gian na mag ampon ng bata. Hindi ako ang unang magaalok since ayokong isipin niya na tama siya. Na masiyado ngang big deal sa akin ang sakit niya, isa pa... hindi naman ako excited na magkapamilya kaming dalawa. Maghihintay nalang ako nang tamang panahon. Nag bihis nalang ako at nag ayo. Kakatapos ko lang maligo dahil routine ko na iyon pagka gising ko nang umaga.

Nagsuot lang akong nang gray V-neck long sleeve at asul na maong na pantalon. Mas komportable ako sa ganitong suotin kaysa sa mga dress. Hindi pa rin ako sanay na nag susuot ng maiiksing damit. Tinali ko ang buhok ko. Pinusod ko ito at naglagay lang ng bulbos at lipstick na nude ang kulay. Kahit naman na tinuruan akong magayos at mag bihis ni doctor Kyle bilang Alexis Cruz ay hindi nagbago na mas nakikita ko pa rin ang sarili kong mas maganda sa simpleng ayos lang. Sinuot ko ang sandals ko na may 4 inch ang takong at combination of silver and khaki ang kulay. Muli akong humarap sa salamin at pinakawalan ang aking buhok mula sa pagkakatali. Umalon ang mahaba kong buhok na bahagyang kulot sa aking likuran at ang iba ay nahulog sa aking balikat. Kulay brown at may pagka kulot ang buhok ko at mas lalo itong nadedepina dahil sa haba na hanggang beywang. Nakita ko sa sulok ng isip ko ang dating Samantha.  Itim ang buhok na tuwid at hanggang  baba ng balikat, ngunit hindi halata ang tunay nitong haba dahil lagi itong nakatali.

Inosente at napaka amo. Puno ng imosyon ang kaniyang mga mata, naive, soft, good and young, malayo sa nakikita ko sa salamin ngayon. Wala na ang pagiging inosente at pagiging maamo at malambot. Puno ng tapang at may lamig sa mga tingin. Wala na rin ang imosyon na madaling mababasa sa aking mga mata. Naging everyday routine ko na ang itago ito. mas tumanda at malayo sa pagiging bata.  Tuluyan na ngang nawala si Samantha Salvator simula nang lumabas si Alexis Cruz.

Hindi nagtagal ay nag pasiya na akong lumabas ng silid at hinihintay ako ni Gian. Nasa hagdan pa lamang ako ay narinig ko na ang ilang boses na nag kukwentuhan. Nangunot ang noo ko nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.

                ":don't worry, that will be a great place to live. Very peaceful "

" don't find a best place to live, Michael,  baka sumama ako kay Alexis niyan ":narinig kong sabi ni lolo at humalakhak. Nag tawanan din ang buong grupo.

Binilisan ko ang aking lakad upang makita agad kung tama ako nang pagkakarinig sa boses at pangalan na napanggit. Agad siyang nahagilap ng mga mata ko. Naka V-neck shirt siya na asul at nakaputing maong na pantalon. Ano nanaman ang ginagawa niya dito? Kasama ba namin siya ni Gian?  No way!

Agad naman nilang napansin ang presensiya ko. Nagtama ang aming mga mata. Unti unting nabawi ang kaniyang mga ngiti. Bahagya niya akong tinignan mula ulo hanggang paa. Halos makita ko ang sarili ko sa pamamaraan nang titig niya. Muling nabuhay ang galit sa kaniyang mga mata at umusbong ang santamamak na yelo sa kaniyang mga mata.

Tinignan ko ang sarili ko. Ano nanaman bang mali ang ginawa ko? Malabo naman na may nasabi agad akong mali, gayong hindi pa naman kami nag uusap? Ibinalik ko ang paningin sa kaniya at abala na siya sa pagtingin sa may paanan niya. Nakaramdam ako nang inis sa inaakto niya. Okay naman siya kanina, a! Nakita niya lang ako, nagbago na ang mood niya? Nawala na agad siya sa mood? Gano'n ba siya kagalit sa akin at ganiyan ang inaakto niya? Na hindi nya makuwang maging masaya when I'm around? What the F!

Lumapit sa akin si Gian.  Ipinikit ko nalamang ang inis ko upang walang mapansin si Gian at hindi magtanong.

             " Alexis, pupunta ako sa office. May board meeting ako " paninimula niya na nang makalapit siya sa akin. Hindi ako nagsalita at nanatiling bakikinig. Masiyadong ukupado ang isip ko sa inis ko kay Mak, baka pag nagsalita ako ay hindi ko makontrol at lumabas ang pait na nararamdaman ko sa arkitekto na iyan! humalukipkip lang ako at nasa paanan ko ang thingin.

              " sasamahan ka ni Mak sa lugar "

Sa huli niyang sinabi napaangat ang tingin ko sa kaniya.  Seriously!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Love You Before It DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon