Naaalala mo pa ba?
Nung una tayong nagkita
Kitang - kita ang mga ngiti sa'ting mga mukha
Naalala mo pa ba?
Yung araw na sinabe mong "mahal kita"
Habang ika'y nakatingin saking mga mata
Patunay na totoo ang pag-ibig na iyong ipinapadama
Ilan lang ito sa mga alaala
Na paulit ulit kong binabalikan
Nagbabaka-sakali na ika'y makikita
Sa bakas ng ating nakaraan
Nais kong malaman mo
Na hanggang ngayon inaalala ko pa ang mga ito
Hanggang ngayon nandito parin ako
Nagkukubli sa nakaraan
kung saan meron pang tayo
Niyayakap lahat ng sakit
Hawak-hawak lahat ng pait
Makasama ka lang ulit....
Dahil nais kong malaman mo...
Ikaw parin ang taong mahal ko