Sa tuwing may kaibigan akong nagkukuwento
Tungkol sa buhay nila ng taong mahal niya
Hindi ko maiwasan na mamangha sa mga ngiti nya
Sa mga mata niyang kumikinang
Sa mga tawa niyang nakakahawaSabi pa nga niya noon
Natutuwa siya sa kanya
Kasi nga tuwing sasapit ang hapon
Magkikita silang dalawa
Nakaugalian na nila yon
Nakasanayan na rawKaya nga nung isang araw
na parang bigla na lang nagiba ang ihip ng hangin
Biglang bumaligtad ang sitwasyon
Yung dating nakasanayan unti unti nang nakakalimutan
Yung dating saya napalitan ng lungkot at sakitYung dating mga tawa napalitan ng iyak at hagulgol
Sabi niya hindi niya inaasahan yung nangyari sa kanilang dalawa
Sabi nga niya ang hirap na yung dating nandiyan biglang mawawala
Ang hirap maiwan nung taong alam mo sa sarili mong minahal mo ng sobra
Sabi mo dadating ang panahon
Na imbis na masanay kang nandyan siya
Masasanay ka ng wala ang presensya niya
Masasanay ka nang walang kikitain tuwing haponMasasanay ka nang wala yung taong mahal mo ng sobra
Sa sitwasyon natin
Ayaw ko namang maghigpit ng sobra sayo
Ayaw ko namang masakal kaKaya nga ito lang ang hiling ko para sa ating dalawa
Sana hindi tayo hahantong sa pagkakataon na kailangan nating magiba ng direksyon
Na imbis na sabay maglalakad papunta sa nakasanayan nating lugar
Magkaiba na tayo ng landas na tatahakin
Hindi naman kita pinagbabawalan na gawin yung gusto mo
Ang akin lang
Malaya ka nga na gawin lahat
Sana naman naaalala mo parin ako
Sana isa rin ako sa pagkakaabalahan moAyaw kong maghigpit
Ayaw kong masakal ka
Baka kasi mapagod ka
Baka kasi magsawa ka
O baka masanay ka
Baka bukas makalawa
mangiiwan ka na lang biglaAyaw ko nun
Kaya pinapayagan kita
Kaya ganto ako sayoPero nakakatawa
Hindi ko manlang inisip
Pano kung ako yung biglang mapagod?
Pano kung ako yung magsawa?
Pano kung ako yung masanay?
Pano kung ako yung mangiwan?Ayaw kong humantong sa pagkakataon na magiiba tayo ng landas
Ayaw kong humantong sa pagkakataon na magiba tayo ng landas
Ayaw kong humantong sa pagkakataon na iwan kita o iwan mo ako
Ayaw kong maghiwalay tayo
Kaya ang tanging hiling ko lang
Hawakan mo ang kamay ko
Sana tayo hanggang dulo