Akala ko ba
Handa kang sungkitin ang bituin ulit
Akala ko ba
Sa pagkakataong ito,mas magiging mabuti ka
Akala ko ba
Ika'y magbabago
At pag iigihan mo,makuha lang ulit ang tiwala ko
Akala ko ba
Isa ko sa mga taong importante sayo
Ngunit bakit tayo nagkaganito?
Bakit ka nagkakaganito?
Pagod na kong maniwala at umasa
Sa mga pangako mong dinadala ng bagyo
Tinatangay ng alon kaya't nakakalimutan mo na
Pagod nakong umasang babalik ka pa
Dahil kung babalik ka nga,
Kung babalik nga ang dating ikaw
Ang dating tayo
Sana'y hindi ako umiiyak sa gabi
Sana nandito ka sa aking tabi
Dahil ang "mahal kita"
Ay hindi lamang nagtatapos sa Mahal lang kita
Ang "mahal kita" ay may kaakibat
Na pagtyatyaga at pagaaruga makuha ka lang ulit
Makasama ka lang ulit
Hindi ko alam bakit di ko ito maramdaman sayo
Kung bakit paulit ulit nahuhulog ang puso ko
Sa mga pagpapakilig at pambobola mo
Paulit ulit.
Paulit ulit ko na ring sinasabi sa sarili ko na ayoko na
Paulit ulit ko rin namang ginagawa kahit ayoko na
Pero sa pagkakataong ito
Patawarin mo ako
Dahil pagod na akong magantay sayo
Pagod na akong kumapit
kahit wala namang panghahawakan
Pagod na akong umasa
At dumipende sa mga salita mong puro pambobola
Pagod na akong magpapansin
Kahit ang dapat ay lagi mo akong pansinin
At hindi balewalain
Pagod na ako
Kaya sa puntong ito
Simasabe ko sayo
Ayoko na
pagod na ako