"hindi ko parin nalilimutan ang mga ngiti at saya sa iyong mga mata noong unang beses kitang nasilayan," ani nya.
nahulog ako sa mga ngiti mula sa iyong labi, sa mga bituin sa iyong mga mata, at iyon ang unang beses na nakaramdam ako ng labis na saya
"kay ganda mo, aking sinta," ang palaging bukambibig nitong lalaking walang ginawa kundi ang mahalin ka
bukambibig nitong lalaking walang sawa kang iintindihin
bukambibig nitong lalaking hindi ka lolokohin
Mahal, maniwala ka
Mahal kita
At mamahalin pa kita ilang araw, buwan, taon, o dekada man ang lumipas
Mamahalin at mamahalin pa rin kitaKagaya na lang kung paano kita minahal noong una tayong nagkita
Katulad ng kislap sa iyong mga mata
Katulad ng ngiti na nagmula sa iyong mga labi
Katulad ng saya na iyong hatid
Hindi kailanman mapapawi
Itong pagmamahal ko, para sayo, aking sinta