Magbabalik

17 0 0
                                    

Isa na siguro sa pinakamaling ginawa ko ay ang hayaan kang umalis

Hindi man lang nagbukas ng pagkakataong ipahiwatig ang pag-ibig sa huling sandali

Tinanggap ang bawat salitang iyong binitawan at wala ng ginawa upang hindi ituloy ang iyong paglisan

Sa iyong pagbabalik, asahan mong ako'y handa ng lumaban

Hindi na hahayaang umalis ng walang binibigay na dahilan, hindi ka na hahayaang umalis

Mahal, ikaw at ikaw ang nais kong kasama sa una at huling sandaling ako'y umibig

Ikaw ang nais kong makita sa araw-araw

Ikaw ang nais kong kasama sa habangbuhay

Hindi na hahayaang bumitaw ka sa higpit ng yakap ko

Ika'y magbabalik, pakikinggan ang puso at sa wakas, pag-ibig natin ang magwawagi

InkedWhere stories live. Discover now