Magmula noong sumikat ang araw ay ikaw na ang una kong nasilayan
Hanggang sa paglubog nitong nagsisilbing ilaw sa ating tahanan,
Pag lisan mo ang aking huling nasilayan
Ang ngiti na hatid ng iyong pag dating
Ay hindi kailanman mapapantayan ang sakit na hatid ng iyong paglisan
Lalo na't noong sinabi mong ako'y iyong pinagsawaan gayung ginawa ko ang lahat upang maibigay ang lahat ng iyong kailangan
Hindi ikaw ang una at huli kong pag - ibig,
Pero nais kong ito na sana ang una at huling beses na mararanasan ko ang sakit na iyong hatid